Medyo kinakabahan ako but I need to impressed Miss Jessica. Kailangan kong pagbutihan ang pagkuha ng mga pictures dahil ayokong biguin siya. Ang dami ng tao sa venue at talagang nasa gitna ako hawak ang bago kong camera na bigay ni Miss Jessica. Marami ring mga models sa stage and I was taking pictures of them with all my concentrations dahil gusto ko bawat anggulo ay maganda ang pagkakakuha ko. Ngayon ko lang din nalaman na may asawa na pala ang boss ko dahil ipinakilala iyon kanina bago nagsimula ang pictorials. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung bakit naging asawa iyon ni Miss Jessica na kung tutuusin hindi naman kagwapuhan ang asawa nito at medyo matanda na kompara dito. Well, there's no impossible with love. Kahit sino o ano ka pa basta mahal mo ang isang tao ay wala talagang makakapagpigil kahit na ano pa ang sabihin ng iba. I do believed in love. Para sa akin ang bawat tao ay may nakalaang pag-ibig para sa bawat isa at naniniwala rin ako sa commitment dahil dun nagsimula ang mga magulang ko. I really admired my parents because they have those infinite love at gusto ko kapag ako ang makapag-asawa, gusto ko yung mamahalin talaga ako katulad ng pagmamahal ni Tatay kay Nanay--wagas. Basta sa ngayon ay ginagawa ko lang ang trabaho ko.
Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Dalawang oras na pala akong kumukuha ng pictures at nangangawit na ang kamay ko at sumasakit na ang mga paa ko. Nagkataon naman na binigyan ng break ang mga models kaya umupo na rin muna ako. While sitting ay ini-scan ko ang mga pictures at napangiti ako. Maganda ang pagkakakuha ko sa mga larawan. Inayos ko muli ang sarili ko at saka uminom ng tubig nang hindi sinasadyang mahagip ng paningin ko ang mayabang na lalaking yun. Napakunot-noo ako. Anong ginagawa ng lalaking yun dito? Napatingin ito sa direksyon ko at saka nakangiting kumaway sa akin. Ang feeling talaga ng lalaking yun. We're not even friends. Inirapan ko ito at saka bumalik na ako sa pwesto. Invited ba ang lalaking yun dito?Bakit palagi ko na lang nakikita ang hambog na iyon?nakakasira siya ng araw. Ilang sandali pa ay nagpatuloy ang pictorials and the rest of the hours ay naging busy na ako hanggang sa natapos na rin. Napa-stretch tuloy ako dahil sa pagod pero sulit naman para sa akin dahil nag-enjoy naman ako. Nagsi-uwian na rin ang mga bisita at mga taong nanonood kaya medyo tahimik na ang paligid.
"Hey Miss Catindig!..are you alright?" napaangat ako nang lumapit si Ma'am Jessica sa akin. Ngumiti ako.
"Yeah..I'm alright Ma'am..bakit po?" wika ko. Inabot nito ang kamay sa akin.
"Congratulations..my husband likes you as a photographer so you are now a certified photographer in my gallery..you have a salary of fifty thousand a month.." nakangiting wika nito. Nanlaki ang mga mata ko. Naitakip ko ang aking mga kamay sa aking bibig.
"Talaga po?!..naku po salamat po talaga.." masayang wika ko. She smiled.
"Regular ka ng magtatrabaho sa akin..and oh by the way I heard that you were a Nurse. Are you willing to give up your profession just to become a photographer?" tanong nito. Ngumiti ako dito.
"Mas mahal ko po kasi ang pagiging photographer kaysa sa pagiging Nurse Ma'am.." matipid na sagot ko.
"Okay..I am just curious that's why I ask..oo nga pala Miss Catindig, pwede bang bukas mo na lang ipakita sa akin ang mga larawan?" wika nito. Tumango ako.
"S-sige po Ma'am." wika ko.
"Okay..thank you Miss Catindig..pwede ka ng umuwi para makapagpahinga because I know you're tired." wika nito at saka tumalikod. Napangiti ako. I'm going to be a real photographer and I'm so excited. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at saka tumayo at nagpunta muna ako ng comfort room dahil kanina pa ako naiihi. Halos makalimutan ko ng umihi dahil sa kabusy-han ko kanina. Baka sa susunod hindi ko na mamalayan na pumutok na pala ang pantog ko. Ilang sandali pa ay natapos na rin ako. Nag-retouch na muna ako ng konti dahil medyo magulo na ang hitsura ko at pagkatapos ay lumabas na ako. Sobrang tahimik ng hallway dito sa dinadaanan ko palabas kasi hindi ito ang main hallway. Napahinto ako nang may marinig akong nagtatalo. I hid myself nang makilala ko ang babae and it was no other than Ma'am Jessica. May kausap itong lalaki at hindi ko lang mapagsino ang lalaking iyon dahil nakatalikod ito pero parang familiar sa akin ang likod ng lalaking yun and I can't remember where did I saw that man. Sigurado naman kasi ako na hindi iyon ang asawa ni Ma'am Jessica dahil matikas ang tindig ng lalaking kausap nito ngayon.
"How many times I have told you that you are mine Love?..I know you can't just forget our past that easy kaya alam ko mahal mo pa ako.." wika ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. That man is very inlove with my boss kaso lang ay may asawa na ang boss ko. Masyado naman yatang tanga tong lalaking to para ipagpilitan pa ang sarili sa isang taong may asawa na. Alam ko mali ang ginagawa ko dahil kung tutuusin eavesdropping na ang ginawa ko but I just can't help.
"And how many times do I have to tell you Alex that I'm married and I want my husband in my life!..umalis ka na dahil ayokong magduda ang asawa ko kapag nakita ka..and please wag ka ng magpapakita sa akin!" wika ng boss ko. Nagulat ako sa susunod na nangyari. The guy cupped's the face of my boss and kissed her.
"Oh my God.." naisambit ko. Ang mas ikinagulat ko ay tinugunan ng boss ko ang bawat hagod ng lalaking yun sa katawan niya and I even heard their moans. Kung tutuusin my boss is already betraying her husband kasi pinatulan niya ang lalaki. Ilang sandali ring natapos ang halikan nilang dalawa. Kitang-kita ko naman kung paano inayos ng boss ko ang sarili nito. The guy still holding my boss's hands.
"I know that you're still inlove with me..iwan mo na ang asawa mo at sumama ka sa akin Jessica..ako naman ang piliin mo this time." wika ng lalaki. Ang sarap lang sapakin ng lalaking yun kung sino man siya. Hindi madali ang hinihingi nito sa boss. Homewrecker pala tong lalaking to.
"Hindi!..ayoko siyang iwan Alex..kailangan ko siya..I need him in my life..I'm sorry but I can't choose you over him..goodbye.." wika ng boss ko at saka kinuha ang mga kamay na hinawakan ng lalaki at iniwan ito pero bago pa makalayo ay may pahabol pa ang lalaki dito.
"You need him because of the money, right?..I have the money too!!.ganyan ka na ba talaga kahayok sa pera Jessica para ipagpalit ang kaligayahan mo?" sigaw ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang lalaki. It was him! at hinding-hindi ako nagkakamali. Siya yung mayabang na preskong lalaki na kinaiinisan ko. Nagbigla ako nang bumalik ang boss ko at saka ubod lakas na sinampal ang lalaki at saka tuluyan itong iniwan. Laylay ang mga balikat na nasapo ng lalaki ang namumulang pisngi. Somehow ay naaawa ako dito. Hindi ko siya kilala talaga. Nakita ko lang siya sa isang poster dati at nagka-crush ako dito kaya tinatawag ko siyang Mr. Dreamboy pero dati pa yun dahil high school pa ako nun at hindi ko pa ito masyadong kilala. At ngayon ay hindi ko na siya crush at hindi siya ang Mr.Dreamboy ko dahil masyado itong mayabang at presko. Napaayos ako sa aking sarili nang biglang nahulog ang dala kong tumbler at lumikha iyon ng malakas na ingay.
"Patay.." napapikit pa ako. I'm sure nakita ako ng lalaking yun.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Любовные романыAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...