SIMcard (sequel)

16 0 0
                                    

SIMcard (sequel)

Maikling kuwento ni Ronelo Sanchez Ladiao

Ilang oras na akong naghihintay sa kanya na magpakita sa entablado. Hindi ba s'ya darating sa araw ng gradwasyon namin? Ngayon na ito at perpekto sana ang lahat kung nandito siya. Tumatakbo ang oras pero mas mabilis ang tibok ng puso ko.

 "Congrats, gradweyt na tayo!" sigaw ni Alex at sabay niya akong kinamayan. Nakikita ko ang saya sa mukha ng mga kaklase ko. Ito na ang araw na pinakahihintay namin sa hayskul, ito na. 

"Hoy, OK ka lang ba?" sigaw ulit ni Alex habang nabibingi ako sa sigawan ng lahat. Naghahanda ang lahat na ihagis sa ere ang kanilang toga.

 "Oo, OK lang ako," matipid kong sagot habang pinipilit kong ngumiti. Ngunit hindi iyon ang tanong nga puso ko. 

"Nakita mo ba si Sam? kanina ko pa s'ya hinahanap eh. graduation natin ngayon dapat kasama natin siya," napatanong ako kay Alex."Ha, bestifriend kayo hindi mo alam? wala si Sam ngayon kasi nakapasa siya sa scholarship papuntang Korea at kanina ang flight sa Maynila," sagot ni Alex sabay tapon ng toga at sombrero niya sa ere.

 "Kaya pala wala siya...," mahinang bulalas ko. Kaya pala parang may gustong sabihin si Sam kaninang umaga habang ako naman ay nagmamatigas na hindi siya pansinin. Hindi ko kasi matanggap na bestfriend lang kami. Napapikit ako at nagsimulang maglandasan ang mga luha sa aking pisngi. Maingay ang lahat, masaya sila pero ako hindi. Mula sa araw na iyon namatay na ang puso ko at hindi na ito nabuo muli. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIMcard (sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon