Biglang Liko

11 0 0
                                    

Pag-ibig, kasunod nyan pasakit.
Masarap sa una, pero darating ang panahon na magsasawa ka na.
Magsasawa sa paulit ulit na bangayan, tampuhan at sakitan
Mga alitang walang sapat na dahilan.
Oo, mahal kita
Pero di sapat yun para ako'y gawing tanga.
Mali na ako nung pinili at nakilala kita
Wag mo naman sanang iparamdam na mali din ako dahil minahal kita.
Sa ating dalawa,  ako lagi yung nag eefort.
Nag aalala sayo kahit na ikaw mismo ni hindi mo magawa.
Nagbubulag bulagan sa mga pinapakita mo sa aking di kaaya aya.
Yun nga talaga ang pag ibig.
Hindi maaalis ang pagpapakatanga at pagiging bulag sa mga nangyayari.
Sa una, kinikilig pa at laging naka ngiti,
Pero nung kalagitnaan na ng relasyon,  biglang naputol ang natitirang koneksyon.
Sabihin mo nga sa akin.
Kahit kelan ba naging totoo ka?
Sa mga sinabi mo,  may totoo ba?
Kasi ako, oo. Lahat totoo. Lahat may rason. Lahat galing sa puso ko.
Ikaw?  Sa labi mo lang ata galing.
Sasabihin mo lang para hindi nahahalata. Pepekein mo hanggang sa tuluyan ka ng mapagod kakahanap ng mga sagot na hindi totoo.
Player ka nga talaga.
Magaling na varsity pa.
Nagawa mong maging magaling sa larangan ng sports
Pati puso ko ginawa mo ding laro.
Pati buhay ko pinaikot mo ng husto.
Pero alam mo, okay lang sa akin na ganito tayo.
Masaya pa rin ako sa konting sandali na ginago mo ako.
Kahit na paulit ulit ako nasasaktan
Okay lang. Tanggap ko naman.
Na wala talaga magmamahal sa akin gaya ng kaya kung ibigay.
Masaya ako sa ilang sandaling nakasama at nakilala ka.
Kahit papano may naging tayo.
Yun nga lang,  bigla kang lumiko.
Lumiko ka sa daan na hindi pamilyar para sa akin.
Sa daan na hindi ko kayang pasukin.
Iniwan mo ako ng walang babala.
Ako, dumiretso lang. Kasi alam ko na kahit anong habol ko sayo,  gagawa ka ng paraan para maka hanap ka ng ibang daan palabas sa walang kwenta nating relasyon.
Dahil sa biglang pagliko na yun, nasira lahat.
Nawasak lahat. Nawala lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Biglang LikoWhere stories live. Discover now