Chapter 1

17 0 0
                                    

"Oh, look who's here...", pabirong sabi ng kinaiinisan niyang lalaki nang pumasok siya sa classroom, "Nawala ka lang ng ilang linggo, pumayat ka na ng ganyan. Good morning, Stick Girl."

At bigla na lang nagtawanan ang mga magkakatropa. Ano ba naman at ito pa ang sumalubong sa kanyang muling pagpasok sa klase. Siya na naman. Wala na siyang ginawa kundi asarin siya. Naging bad trip tuloy ang simula ng araw niya. Buti na lang at maayos na ang pakiramdam niya mula nung lumabas siya sa ospital. Magiging aso't pusa na naman sila nito.

"Huh, kay aga-aga ng umaga, naninira ka na ng araw. Pwede ba kahit warm welcome lang sa kin, wag mo kong kulitin?"

"Warm welcome bang sabi mo? Hindi mo ba na-appreciate ang ginawa ko?...",

"Tumigil ka boses palaka!"

Pinili niyang hindi na patulan pa ang pang-aasar ng grupo ng Kurimaw. Oo, Kurimaw ang tawag niya kay Levi Jace at sa grupo niya. 

Umupo na si Sheena at huminga ng malalim. Natigil naman ang kantiyawan ng magkakatropa nang nagpatuloy si Levi sa pagkapa ng gitara at kumanta.

"The first time I saw you...I feel the sunshine for the first time...."

Nang narinig niya ang kanta'y naisip niyang isa na naman to sa mga kantang gawa niya. Pinakinggan niya ito. Mukhang bago ang isang to ah. As usual, ang galing ni Levi gumawa ng kanta.

"The blooming flower says you're the one... ", pagpapatutuloy nito.

Diyan magaling si Levi Jace Ravales. Siya ang sikat sa school kaya maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.

Hindi naman siya sobrang gwapo pero malakas lang talaga ang sex appeal at ang charisma niya. Hayy, ewan nga ba't pang-aasar ang ginagawa niya at hindi pagpapacute kay Sheena. Hindi naman siya umaasang pansinin siya  dahil sa dinami-dami ng mga magagandang babae, matatabunan lang ang beauty niya.

"Kawawa ka naman. Nilagnat ka ba sweetheart?", panunukso ulit ni Levi nang nakitang namumula si Sheena. Pumukaw naman ito sa atensyon ng iba pa nilang kaklase sabay "Uyyyyyy....."

Buti na lang may pumasok sa classroom at ipinagtanggol si Sheena.

"Tigilan mo na nga yan Levi. Nung wala si Sheena dito, yang bwisit mong gitara ang nag-iingay dito pero ngayong nandito na siya, kumakati na naman yang dila mo sa kakaasar. Kung may gusto ka sa kanya, tapatin mo na siya."

Napapikit na lamang si Sheena nang muli na naman siyang tinutukso ng mga kaklase. Tumahimik na lang si Levi. Epic fail naman tong ginagawang pagtatanggol ni Kathy eh.

"Best, wag mo na lang silang pansinin. Eh ano bang nangyari sa yo ha? Ang payat-payat mo na ah. Panay tawag ako sa bahay niyo, di ka naman sumasagot." at niyakap ni Kathy ng mahigpit si Sheena. "Welcome back, best! Namiss kita sobra.",

Nang niyakap at nakita niya ang masayang mukha ng kaibigang si Kathy ay gusto niyang maluha. Miss na miss na niya ang best friend niya. Pinili niyang hindi makausap ito ng ilang linggo dahil ayaw niyang mag-alala ito sa kanya.

"May kutob talaga ako sa Ravales na yan eh. Ngayon lang yan sumigla mula nung umabsent ka."

"Talaga?"

"Ayeee.. Hindi mo ba napapansin? Tingnan mo nga yan at dito nakatingin sa'tin."

"Ano ka ba? Kalokohan lang naman ang nalalaman ng lalaking yan eh.", at nagtawanan silang dalawa.

At makalipas ng ilang minuto ay pumasok na ang professor nila sa first subject.

Secret Love Song Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon