Chapter 57: Changes

119 2 1
                                    

JOSHUA'S P.O.V

Matapos kong maiayos ang mga gamit ko para sa pag uwi namin kinabukasan, nagpasiya kong lumabas at maglibot libot sa paligid.

Hindi pa ko gaanong nakakalayo ng mamataan ko si Aeries na nakaupo sa isang malaking bato paharap sa dagat. Pinapanood ang papalubog ng haring araw.

Tinatangay ng hangin ang mahaba nyang buhok ngunit hindi pa rin nababawasan ang taglay nyang ganda. Siguro kung isa akong painter gugustuhin ko siyang iguhit sa ganoong imahe. Perfect subject din siya for photography. Parang yung kay Kiann lang na naka exhibit sa The Other side na nasa #Masterpieces section.

And speaking of Kiann napansin ko siya sa di kalayuan sa kinauupuan ni Aeries na kumukuha ng litrato ng mga scenery ng resort. Hindi na ako magtataka kung palihim nyang kukuhaan ng litrato si Aeries which is a perfect subject.

What happened between them still a mystery. Walang makapagsabi ni isa sa amin kung ano ba talaga ang totoo sa kanila. Noon...

Ngayon...

Unti unti ng lumilinaw sakin ang lahat. At sa lalong madaling panahon kailangan na nila itong malutas bago pa mahuli ang lahat. Bago pa may tuluyang sumuko.

Si Aeries, alam ko she had enough lessons learned after what happened but it doesn't mean that she lost her pride. She's still the brattinella we used to know. Lots of pride and respect to herself and persons surrounding her. It is very impossible to her to make the first move.

Kiann? Ewan ko ba sa lalaking yun kung anong nakain niya at iyon ang ginawa niya. With Emily? So pathetic of him. I wonder how does it feel. Knowing Kiann? Parang hindi ko na mabasa ang nasa utak nya not just like before. Before this "merry-go-round" thingy happened.

I hope they would find their own way where they really belong.

AFTER ONE WEEK....

XANDRIA'S P. O. V

It's been a week since makauwi kami galing Batangas.

Sa loob ng one week ang daming nagbago...

NAlaman ng dean ang ginawa ni Axel kaya nasuspend siya hindi ko lang alam if hanggang kailan.

Si Kiann at Emily? Lalo silang naging famous. Bakit? Two days after naming makauwi from our culminating trip, nakipag basag ulo si Kiann sa loob ng University dahil umanoy nabastos si Emily ng ilang soccer players na baguhan pa.

I still remember how Kiann caught everbody's attention.

" Para sa kaalaman ng lahat!... "

Napalingon ang lahat sa kinaroroonan nila Kiann at Emily. May ibang mas lumapit at iba naman ay humanap ng mas magandang pwesto para mas malinaw na makita si Kiann.

"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na mula sa araw na ito... Walang sinoman ang magkakamaling galawin si Prin.... Si Emily! (he holds her hand) dahil ang sinomang magkamali mananagot sakin. Naiintindihan nyo?

Pilit na pinapakalma ni Emily si Kiann, pero hindi pa rin ito nagpatinag

"Mahalaga siya sakin at hindi ako makakapayag na may sinomang manakit sa kanya! Dadaan muna kayo sakin bago nyo siya masaling! Am I making myself clear? "

Pagksabi niyon ay agad siyang tumalikod at inakay si Emily malayo sa lahat.

Binigyang linaw lahat ng eksenang iyon kung hanggang saan na lang ba talaga ako. Matapos lahat ng narinig ko buo na ang pasiya ko...

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now