ENCHANTED: ANG ALAMAT
(NOTE: Ang mga pangyayari,storya at mga tauhan sa kwentong ito ay pawing mga kathang isip lamang)
PROLOGUE:
(**SIPPPP** Higop sa kape)
Ang sarap mag kape (hmmm) andito pala ako sa isang coffe shop sa london, sa labas ng shop na meron mga upuan at lamesa para kung puno na sa loob ng tao pwede rin sa labas tamang tama at meron kaming hinihintay at dahil nasa labas kami makikita agad naming yun.
Kasama ko pala ang ka buddy ko si Lance.. Ahhh hindi pa pala ako nakakapagpakilala ako pala si James Filipino po ako pati si Lance andito po kaming dalawa dahil sa pinapunta kami ng kumpanya na aming pinagsisilbihan pasa sa isang mahalagang trabaho.
(**whoosss** tila duaan ang napakalakas hangin)
"Bro susundan ba natin yun?" tanong ni Lance "wag na di natin trabahon yun! Saka isa pa andyan naman sila eh kaya nila yan..." sabi ko naman. Mula sa di kalayuan meron malaking billboard ang biglang bumagsak nagsigawan ung mga tao, yung mga taong kasama naming dalawa sa labas ng coffe shop ay bilang tumakbo patungo sa lugar ng aksidente.
"ahhh ang ingay buti na lang at dala ko itong libro na ito!" sabi ko, "Bro! bakit nasa iyo yan librong? Tinakas mo nanaman yan sa archive ng kumpanya" sabi ni lance. Hindi ko siya pinansin at binasa ang libro na hawak ko.
ANG LIBRO NG KAALAMAN sa side may naka stamp na TOP SECRET (???? Dedma lang ako sa Stamp)
Unang pahina: ANG ALAMAT AT PINAKANAGBABAWAL NA BATAS ANG PAG-IBIG
Noong unang panahon masayang namumuhay ang mga tao sa lupa ng napansin ng isang engkanto ang mga kababaihang tao na napaka ganda ng mga iyon. Kumuha ang engkanto ng katawan ng tao upang magamit nito upang makahanap ng mapapangasawang babaeng tao.
At ang tao at engkanto ay nagkagustuhan sa isat-isa, at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling. At ang ibang engkanto ay nagsikuha ng katawan ng tao upang magsipag asawa rin nga mga babaeng tao.
Ang mga anak ng mga may lahing engkanto ay naging magigiting na nilalang sa lupa. Ang iba ay gumawa nga mga masasama. At napansin ito ng bathala, puro masasama ang kanyang nakikita naya nagdisisyon itong lipunin ang sangkatauhan kasama ang mga may lahing engkanto.
Subalit si bathala ay nagtira ng isang pares ng tao upang ito ang siyang pagmulang nang bagong henerasyon. at nagbunga ang pares ng tao ng apat na supling at nag salita si bathala ang apat na ito ay aking inaatasang maging tagabantay ng sangkatauhan upang ang masamang panyayarin iyon ay hindi na muling maulit.