Sabi nila dapat maging masaya tayo kung nakikita nating masaya ang mahal natin sa buhay.
Yeah, ang dali sabihin diba? Ang dali ding ipayo sa iba. Pero kung ikaw na yung sasabihan niyan, magiging madali kaya?
Una pa lang sinabi ko na sa sarili kong mahirap makatagpo ng taong magmamahal sakin. Why? Simple lang HINDI ako maganda. Mababaw na kung mababaw pero alam namam nating lahat na mata ang unang nagkakagusto. Meaning, panlabas muna ang tinitignan ng mga tao.
I am Antoniette Dee Ramos and this is the story of my so called high school life.
First year high school
Yeah,high school student na ako. Yay for me. Masaya na kinakabahan ako. Masaya kasi new faces ang makikita ko. Pero at the same time kinakabahan din ako. Paano ba naman kasi wala akong kakilala dito. Kung minamalas ka nga naman kasi oh. Sampu kaming nag entrance test sa school na'to pero ako lang ang pumasa.
Ako na nga tong nahirapan sa test, ako pa tong pumasa. Tss. Yan tuloy first day na first day wala akong makausap. Hayy. Goodluck talaga sakin.
Pumasok na ako sa room namin. Tinignan ko yung mga magiging kaklase. They all have their own worlds. May ibang magkakakilala na siguro magkaklase din tong mga to nung elem. May iba namang silent type. Mga nakikiramdam lang sa paligid nila. Ang dami ring magaganda. Magiging tomboy nga ata ako dito hahaha jk. Well, may mga lalaki din naman kaming kaklase. First impression ko sakanila? One word lang naman. MAYAYABANG. Tss.
Umupo na ako sa may uhm likod para malayo sa atensyon ng iba.
Well, di ko maipagkakailang nagiging masaya na ako sa bago kong school. Yeah, nasasanay na ako sa new environment na ito. May mga naging friends na rin ako. Pero ang nakakagulat, naging kaibigan ko si Dylan Alvarez.
Bakit nakakagulat? Well, uhm siya lang naman kasi ang hinahangaan ng mga babae kong kaklase. I don't know why pero I don't find him attractive. Kakaunti lang kami dito sa room na hindi nagkakagusto sa kanya.
Ewan ko nga kung paano kami naging magkaibigan neto eh. Pero yeah,halos same interests lang kami kaya siguro ganun. Para na nga kaming magbest friends eh. Sa totoo lang, siya lang ang lalaking kaclose ko sa room. Ever since kasi elementary mailap na ako sa lalaki. Lagi ko silang natatarayan. Pero ewan ko ba dito kay Dylan at naging malapit kami. Tinatarayan ko rin naman siya pero alam niyo yun, immune na ata siya sa pagtataray ko.
Well, si Dylan naman ay kaparehas ko lang. Based sa mga kinekwento niya sakin. Puro lalaki lang daw friends niya nung elem. Meaning mailap din siya sa girls. And as of now, ako lang ang kaclose niyang babae. Well, kumakausap naman siya ng ibang girls kapag kinakausap siya or kapag tungkol sa school.
According sa mga nagkakagusto kay Dylan. Ako daw ang kinakainggitan nila. Why? Kasi ako lang ang kaclose niya. Sus, parang yun lang eh. Tss
Sa sobrang close namin, may picture siya sa phone ko. Pano ko nakuha yun? haha.
Wala kaming teacher ngayon. Absent daw eh. So dahil wala kaming teacher nagdadaldalam kami. Well, Dylan and I have the same circle of friends. Karamihan samin ay babae pero minsan lang sila kausapin ni Dylan. Madalas ay tahimik to.
Naglalaro siya ng phone ko tas nilalaro ko din yung phone ng ibang tao. Nabored ako so, I decided to take some stolen shots of him. Ang cute nga niya eh. Kaso bigla niya akong nahuli.
Dylan: Tsk. Wag mo nga akong kuhaan ng picture.
Me: Bakit ba? Basag trip ka.
Dylan: Wag na nga kasi.
Me: Di ako makikinig sayo.
Dylan: Tsk ang kulit mo. Osige, ganto nalang. Phone mo nalang gamitin mo sa pagkuha ng picture ko.