Majesty POV
Hindi ko alam kung saan ko ipapaling yung ulo ng nakita ko si shaun papasok ng cake shop alam ko na hindi niya pa ako nakikita kaya lahat gagawin ko ng di niya ako makita , dahil alam ko sa sarili ko na naguguluhan pako.
Simula ng nalaman ko na aalis siya at lalayo siya sakin . Masakit pero anong gagawin ko at hindi niya pa alam na mahal kupa talaga siya . Siguro magpapakamartir nalang ako na kahit mahal ko siya papayag ako na umalis siya at lumayo tapos ni isang sulyap sa kanya hindi ko man magagawa ! Ouch !
Buti nalang may silbi buhok ko kaya pinantakip ko siya sa mukha ko at mabilis na inuubos yung cake na inorder ko gusto ko malaman kung asan siya pero hindi ko magawa baka mahuli niya ako .
Wala pa atang limang minuto naubos kuna yung cake at nagmamadali akong tumayo nagiwan nalang ako ng pambayad ko sa table ko nakayuko ako at nagmamadaling lumabas ng cake shop na inaakala ko na hindi niya ako makikita pero akala lang pala yun .
"Nagmamadali ka ata " rinig ko na boses sa likod ko , alam na alam ko kung kaninong boses yun kaya tuloy tuloy ako naglakad papasok ng building hindi ko na nga nilingon yung mga bumabati sakin kasi ramdam ko na nasa likod ko padin siya
Sakto naman ang pagbukas ng elevator kaya agad ako pumasok sasara na sana ito ng may humarang na kamay halos pabulong ako na napamura .Kaming dalawa lang ngayon ang nasa elevator pati pagpundot ng floor number nanginginig kamay ko pero naunahan ako ni shaun may pinindot siya ng ikinahinto ng elevator .
Agad niya ako hinila at sinandal sa gilid para humarap sa kanya muling nagtagpo mata namin , parang gusto ko umiyak how i miss his attractive eyes mapungay at seryoso niya akong tinitigan , hindi kuna napigilan sarili ko at agad siyang niyakap at humagulgol sa balikat niya .
Next page !
BINABASA MO ANG
STILL THE ONE
RomanceMMMF BOOK2 Ang story na ito ay naglalaman ng may matured na usapan kaya kaylangan ng intindi at unawa bawat chapter ng kwento , Still Princess Majesty Lee & Prince Shaun Chua