Childhood Bestfriends

294 4 1
                                    

***o***

(my first time to post a story here on wattpad, nakapagpost na ako sa facebook ng iba't- ibang story, please visit www.facebook.com/GSMPMD for horror stories, also my tagpage www.facebook.com/caddyktus for comedy and short stories, nasa notes lang sila! halungkat lang! please also support www.facebook.com/MyKwentongPagIbig.net ) thanks!!

***o***

*****

"Hi Mimi! tara snack na tayo." aya ng anim na taong gulang noon na si Denver.

"Mamaya pa, nag dadrawing pa ako eh!" sagot ng batang si Mimi habang abala siya sa pagkukulay

sa drawing na ginawa niya.

"Ano ba yang dino-drawing mo?" tanong ng batang si Denver.

"Wala ito, umalis ka na muna." pagtataboy ng batang si Mimi na hindi man lang magawang lingunin

ang kausap dahil sa sobrang abala sa ginagawa.

"Sige, bahala ka basta kumain ka na ha? pag nagutom ka sige ka, magkakasakit ka." ani Denver

saka humakbang palayo.

maya-maya pa'y...

"Hoy Mimi! ang panget naman ng drawing mo!" si Colline. ang brat sa kinder class.

"Wala kang paki alam, hindi naman para sa'yo to eh!" matapang na sagot ni Mimi.

"Patingin na!" pilit inaagaw ni Colline ang papel. hangang sa napunit iyon at umiyak si Mimi ng pagkalas-lakas.

Maya maya'y narinig iyon ni Denver, dahilan ng bumalik siya sa table ng kaniyang childhood bestfriend.

"Anong ginawa mo kay Mimi, ha Colline?!" galit na sabi ng batang si Denver, napasulyap siya kay Mimi, na umiiyak pa rin

at tinutupi ang napunit na papel saka itinago sa loob ng bulsa.

"I was just trying to look at her ugly drawing!" depensa ni Colline sa sarili.

"Kilala mo ba kung sino ang panget dito? IKAW YUN COLLINE! ANG SAMA NG UGALI MO!" saad ni Denver, ng pasigaw niya itong

sabihin sa mukha ni Colline.

nagpalakpakan ang mga kaklase nila, at namula ang mukha ni Colline sa pagkakapahiya. dahilan para pahikbi siyang umalis

sa classroom nila.

"Tahan na, wala na si Colline..." niyakap ni Denver ang batang si Mimi na noo'y pupunas punas ng luha at panaka nakang humihikbi.

*****

"Hoy! Mimi! ano ba? nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" untag ng bestfriend nyang si Beverly.

"Ha-?" nawala sa isip ni Mimi ang sinasabi ng kaibigan.

"Yung  reunion natin! gaganapin na pagkatapos ng tatlong buwan! Hello? kanina pa ako dada ng dada

dito tapos ikaw, nag de-day dream? sino na naman ba iniisip mo?" kilalang kilala na ni Beverly ang

kaibigan, magkakilala sila mula pa ng maging magkaklase sila ng elementary. kilala din ni Beverly si Denver,

si Denver na first love ni Mimi. first heart ache, kung heart ache nga bang matatawag yun, wala namang naganap

na relationship sakanilang dalawa.

"Ah, oo yung reunion nga pala ng batch natin sa elementary." sabay higop sa kapeng hawak niya. coffee break kasi

nila sa office kaya nagkukuwentuhan sila ng kaniyang bestfriend. pati sa trabaho ay hindi sila mapaghiwalay,

talagang destined na sila para sa isa't-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Childhood BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon