Anne's POV
"Aaaannnnee!" - tawag ng bestfriend kong laging hyper kala mo hindi nauubusan ng energy."Ano nanaman ba yun sab?" - sabi ko sakanya ng pamaldita pero syempre joke lang yun.
"Wala! Masama bang tawagin ka, masama bang namiss lang kita. Sige ganyan ka naman pagdating sakin eh, lagi mo nalang ako binabalewala buti pa yung isa mong bestfriend mahal na mahal mo. Pano naman akong bestfriend mo din ha anne?"- eto nanaman sya nag drama nanaman hahaha.
"Pffffttt. Hahahahaha." - di ko na napigilan yung tawa ko. "Ang OA mo naman sab isang linya lang sinabi ko, ang dami mo nang sinabi."
"Eh pano lagi mo nalang akong minamalditahan" - pagtatampo nya
"Hahahaha. Tara na nga kumain nalang tayo sa canteen." - pagyaya ko kay sab
"Sige. Tara baka nandun si crush." - sab
"Hay na ko pag dating talaga sa crush mo ang bilis mo." - sabi ko sakanya
"Syempre, sayang naman yung ilang years kong pag stalk sakanya kung ititigil ko lang diba?" - sab
"Hay na ko ewan ko sayo. Tara na nga nagugutom na ko." - ako
Lagi kaming ganito ng bestfriend kong si sab. Sya si Sabrina Mae Lopez, mabait, maganda, makulit, mapagkakatiwalaan at syempre tunay na kaibigan. Ako naman si Nicole Anne Reyes pero ayoko sa nicole kaya anne ang tawag sa akin dito sa school. 17 years na kaming nag e-exist ni sab sa mundong ito. At 6 years nadin kaming nagpaplastikan ay este magkaibigan.
Nandito na kami ni sab sa canteen,humanap na kami nang mauupuan. Umorder na din kami ng makakain namin.
"Uy anne hinay-hinay ka nga lang sa pagkain baka mabulunan ka na nyan." - sabi ni sabrinang epal
"Wag mo nga kong paki-alaman, lahat na lang ba pakiki-alaman mo pati ba naman pagkain ko. Wala na kong ginawang tama sa paningin mo lahat nalang mali!" - pabiro kong sinabi
"Hahahaha. Isa ka din eh ang drama mo saan mo ba nakukuha yang paghugot mo? Hahahaha. Kaya love kita eh." - sab
"Wala. Hahaha. Nahawa lang ako sa ka corny-han mo." - sagot ko
Tapos na kaming kumain ni sab. Nagkukwentuhan nalang kami nang kung ano-ano.Lagi akong may baon na kit-kat dahil favorite ko iyon. Kinuha ko yung kit-kat sa bag ko at binuksan ito. Nang isusubo ko na, biglang may umagaw at kinain yung pinaka-mamahal kong kit-kat. Paglingon ko si Nick lang pala.
Nick's POV
Monday na ngayon at syempre may pasok. Sabay kami lagi ng mga kaibigan kong pumasok. Dito sila lagi dumidiretso sa bahay para hintayin ako.
"Nick bilisan mo naman ang tagal mo eh. Baka ma-late na tayo."- troy
"Oo eto na" - ako
"Palagi mo nalang kami pinaghihintay, hindi mo ba alam na nakakapagod din. Nakakasawa rin." - si hugot king na si steve
" TAMA! TAMA! Hahahahaha" - troy, rick, andrei
"Dami mong alam steve" - sabi ko sabay bato ng unan
Nasa sasakyan na kaming lima si rick ang nagda-drive. Asaran at tawanan ang ginawa namin buong byahe.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend
Short Story"A guy and and a girl can be just friends,but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late or maybe forever."