#JWFMyOneShortStory
#Entry"Mga mata koy sa’yo napako
Habang ang puso’y nag-uunahan ang pintig nito
Pero paano ba ako sasaya, kung alam kong bawat ngiti moy para sa kanya?", TES: Von Liam Chapter 1
One Sided Love. Ito iyong tipong sa inyong dalawa, ikaw lang ang nagmamahal dahil may mahal siyang iba or hindi ka niya kayang mahalin higit pa sa pagmamahal nang isang kaibigan. Ito ang pinakamasakit na pakiramdam sa taong nagmamahal. Nagmahal lang naman tayo diba? Ba’t sa taong para sa iba pa?
Ako pala si Jillian, 20 years old, 3rd year engineering student in Xavier University. I have a childhood best buddies named Angelo. Gaya ko he is also an engineering student. In short, we are classmates. Simula pagkabata kami na iyong laging magkasama at sanggang dikit sa anumang bagay.
And I am deeply in love with him.
Monday morning, he is running towards me with a big smile in his face. Maaliwalas ang kanyang mukha at mababakas talaga ang kasiyahan na nadarama.
“Jill! Jill! Good morning!”, bati niya sa akin sabay yakap. Natatawa akong gumanti din nang yakap sa kanya. Habang magkayakap kami, ang bilis nang pintig nang puso ko. Simula pa lang pagkabata may nararamdaman na ako sa kanya; higit pa sa pagkakaibigan.
“Good morning din!”, bati ko din sa kanya. “Ang saya natin ahh. Anung meron?” tanong ko sa kanya.
“Wala”, sagot niya. “Free ka ba sa Saturday? Lets have dinner, Same restaurant and same time?”, pagpatuloy niya.
Walang pag-alinlangang tumango ako. Biglang nagring iyong bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nagkatinginan kami at magkahawak kamay na tumakbo patungo sa classroom namin.
Pagdating namin sa classroom, wala pa ang prof namin kaya dumeretso na kami sa aming pwesto sa may likuran. As usual, ang mga mata nang mga babae kong classmate ay nakatoon at nakasunod kay Angelo.
Si Angelo kasi ang hearthrob nang engineering department. 'Yon bang tipong dadaan lang siya mapapatingin ka na at di mo namamalayang naglalaway ka na.
Dahil wala pa si prof, kinuha ko sa bag ko ang ballpen at notebook ko na lage ko sinusulatan nang kung anu anu. Nasa kalagitnaan na ako nang pagsusulat nang ma alala ko na may hiniram ako kay Angelo na notes sa Philo. Kinuha ko ito sa bag at inabot sa kanya nang hindi tumitingin.
"Angelo yung notes mo. Salamat." ani ko. Lumipas nalang ang isang minuto di pa rin niya kinuha kaya napatingin ako sa kanya.
"Hoy Angelo yung notes mo.!"
Di pa rin siya tumingin sa akin. Busy siya sa pagtetext at pagscan nang phone niya.
"Hoy Angelo!!!" Sigaw ko sa kanya. Pero wala pa rin siyang naririnig. Subrang focus niya sa kanyang ginagawa. Tinititigan ko lang siya at napapansin ko na para siyang tangang nakangiti habang nakatingin sa phone niya. Iyong ngiti niya ay umaabot sa kanyang mata.
Ilang araw ko nang napapansin na lage nalang siyang nakatingin sa kanyang cellphone. Minsan nakatulala lang siya habang nakangiti at iyong mata niya laging nagniningning.
Ilang ulit ko na bang sinubukang tanungin siya pero napapangunahan ako nang takot na baka ang sagot niya ang makakawasak nang puso ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. At kailangan ko itong paghandaan dahil darating din ang araw na akoy mabibigo at masasaktan.
Dumating ang araw nang sabado. Ang araw na niyaya ako ni Angelo na magdinner. 6pm and I'm all set. Naghihintay na ako dito sa aming sala kay Angelo. Tuwing may lakad kami, hindi man niya sasabihin sa akin, susunduin at ihahatid niya ako.