"Dyllan "
Lumabas ako na hawak-hawak ang aking dibdib! Hindi ko inaasahan na mabubungaran siya kanina ng magising ako!
Bakit ba kasi nakatulugan ko na ang pag paypay sa kanya kagabi?! Nakakahiya tuloy!
Agad akong dumiretso sa kusina at ipinag-timpla siya ng kape!
"Mukhang ang ganda ng gising natin ah! Napahimbing ata kayo ni mam?" Usisa ni Auntie! "Payo lang pamangkin, mahirap ilipat ang prinsesa sa papag kung ito ay sanay nasa kama!" Makahulugang dagdag pa nito!
"Auntie naman! Alam ko yung pinupunto niyo at ngayon palang sinasabi ko na! Malabong mangyare ang iniisip niyo!" Suway ko naman dito.
"Sabi mo weh! Sige na mauna na ako at mag titinda pa ako sa palengke! Kumain kayo diyan may binili akong pansit!" Bilin pa nito.
Mag kaharap kami ngayon ni boss at kinakain ang pansit na binili ni Auntie at ang kapeng itinimpla ko para sa kanya!
"Hmm! Ang sarap pala nito? Pati itong kape na ginawa mo masarap din!" Sambit nito habang panay ang kain ng pansit at inom ng kape!
"Alam niyo po ba mam na tuwing may okasyon lang kami kumakain ng ganyan? Espesyal po kasi kayo kaya bumili si Auntie! Nakakatuwa naman na nagustuhan niyo!" Natutuwang tugon ko .
"Para ngang...gusto ko nading manatili dito...tamang kapos kayo sa pinansyal pero yung kasiyahan na nadarama ko, dito ko lang natagpuan!" Seryosong wika pa niya.
"Mam, alam ko pong may dinadala padin kayong problema ngayon at hindi po solusyon ang pag takas... harapin niyo po at alam kong kakayanin niyo!" Pag papalakas ko ng loob sa kanya!
"Salamat sa pag papalakas ng loob mo sakin!" Pasasalamat pa nito.
Ng matapos namin ang pag kain ay muli siyang nag palit ng damit at mag kasama kaming bumalik sa mansyon!
"Naku iha! Mabuti naman at bumalik kana! Nag aalala ang daddy mo sayo ganon din ako!" Salubong samin ni Manang Belen!
"Kung maaari lang po ay maliligo muna ako tsaka po ako haharap kay daddy!" Si boss.
At wala namang nagawa si Manang kundi tumango nalang! Nag tuloy-tuloy na si boss paakyat sa kanyang silid.
"Dyllan mag kasama ba kayo buong gabi ni Mindy?" Baling sakin ni Manang! Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko pwedeng sabihin na kila Auntie siya natulog! "Nakikita kong attached na sayo si Mindy,hindi naman sa minamasama ko yun pero ang daddy niya ang mahirap pakisamahan lalo na pag dating sa estado ng buhay!" Dagdag pa nito.
"Ngayon ko lang nakita na nakisalamuha si Mindy liban sa amin at kay Steven na kababata niya kaya naman sa kabilang banda ay nakakatuwa na makita yun!" Kwento pa nito.
"Wag po kayong mag-alala Manang! Trabaho lang hoh,.walang personalan" tugon ko.
Alam ko naman ang ibig sabihin ni Manang Belen at alam ko din naMan na malabong mangyare yun dahil sabi ko nga kay Dindo, langit siya at lupa naman ako! Siguro ngayon ay kaylangan lang talaga niya ng masasandalan kaya ganoon nalang ang nabuong samahan sa pagitan naming dalawa!
Agad akong pumunta sa aking silid at inayos ang aking gamit ng biglang pumasok si Gwyneth!
BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Ngẫu nhiên"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...