"MINDY"
Mag kaharap kami ngayon ni dad sa silid ko! Hindi ko na nakuhang maligo at mag palit lamang ng damit dahil bigla nalang itong pumasok!
"Sabi sakin ni Manang Belen ay nakauwe kana daw? Saan ka ba nag punta? Alam mo bang nag alala ako say--
"Alam ko na ang totoo dad, inalam ko kay tito Ram" pigil ko sa dapat ay sasabihin niya! "Paano...paano niyong nagawa ni tita ang ganoon kay mommy? Bakit niyo siya niloko!!" Hindi ko na napigil ang sarili ko! Nanginginig ako sa sobrang sama ng loob ko! At ang mga luha saking mga mata ay walang patid na sa pag agos!
"Anak please pakinggan mo muna ako!" Alo sakin ni daddy! "Ang totoo anak ay ako ang nanloko sa tita Conie mo" dagdag pa nito na ikinagulat ko!
"What do you mean dad?" Naguguluhang tanong ko!
"Kami talaga ni Conie ang mag kasintahan noon, kami ang dapat ay mag asawa ngayon! Pero..pero may nangyare samin ng mommy mo at nabuo ka! Lasing na lasing ako ng gabing yun kaya hindi ko na alam ang nagawa ko! Pero dahil ayokong mawalan ng ama ang anak ko sa mommy mo ay..pinanindigan kita! Pero sadyang tukso ang pag kakataon, nag kita kaming muli ni Conie at nag karoon muli ng unawaan na humantong sa pag aaway namin ng mommy mo! Kasalanan ko anak! Kasalanan ko kung bakit nawala ang mommy mo! Patawad anak.. patawad" nakaluhod habang umiiyak na sambit ni daddy!
Natauhan naman akong bigla sa lahat ng mga sinabi nito! Ngayon ko napag-isip-isip na maswerte pa pala ako dahil pinanindigan ako ni daddy kahit na ang kapalit noon ay hindi niya makasama ang totoo niyang minamahal!
Tinulungan kong tumayo si daddy mula sa pag kakaluhod!
"Dont say sorry dad! I understand now! And I should be thankful dahil pinili niyo ako! Nanindigan kayo para sa akin! Salamat dad! Salamat!" Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit!
At gumaan ng husto ang pakiramdam ko dahil nalampasan namin ni daddy ang unos na dumating sa pagitan naming dalawa!
Matapos naming mag usap ay iniwan niya na muna ako sa aking silid para makapaligo na ako at makapag-ayos ng biglang tumawag si Claire!
Agad kong dinampot ang aking telepono!
[ ahh mam nandito po si Sir Steven, gusto daw po kayong makausap! ]
Bungad nito! Agad ko namang pinakiramdaman ang sarili ko ng madinig ko ang pangalan ni Steven! Pero nakakapag-takang wala na akong reaksyon di tulad noon na kapag nadinig ko ito ay agad akong nakakaramdam ng kaba o kagalakan!
.
[ tell him Im coming ]Tugon ko! Kaya naman agad akong nag ayos at bumaba para hanapin si Dyllan!
Dumiretso ako sa silid nila at nakita ko naman na bahagyang nakabukas ang kwarto nito kaya naman nag tuloy na ako!
"Dyllan--
Napahinto ako ng madatnan ko sa loob ang mag kapatong na si Gwyneth, kasambahay namin at si Dyllan na nagulat din ng makita ako!
BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Aléatoire"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...