PROLOGUE

802 19 19
                                    



Nandito kami ngayon sa isang building sa school na may rooftop. Ito ang madalas na tambayan namin ng kaibigan kong si Joshua. "Aze," Napalingon ako sa kanya ng tawagin nya ko. "A-anong nararamdaman mo?" Napapalunok na sabi nya. Bumuntong hininga ako saka tumingin sa kawalan.

"Masaya. Masaya ako kasi kasama ko ang kaibigan ko." Sambit ko habang nakangiti sa kawalan. Nilingon ko uli sya ng hindi sya nagsalita. Nakatungo sya at bagsak ang balikat. "Bakit Joshua? May problema ka ba?" Tanong ko. Tumingin sya sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakapang ngatog ng tuhod ang titig nya!

"Aze... matagal ko ng gustong sabihin sayo. Alam kong masyado pa tayong bata pero grade six palang tayo. May crush na ako sayo. At ngayong first year high school na tayo. Hindi ko na alam kung ano ba tong nararamdaman ko para sayo. Kapag wala ka sa tabi ko, pakarimdam ko may laging may kulang. Kapag nasama ka naman sa mga kaeskwela nating lalaki, pakiramdam ko kinakanya ka nila mula sakin. E-ewan k-ko. Hindi ko alam kung p-paano k-ko sasabihin s-sayo na..." Napalunok sya ng ilang beses. "Aze, tingin ko mahal na kita." 😳 Natameme ako! "Oo, alam kong bata pa tayo pero yun ang nararamdaman ko! Mahal kita at yun lang ang isinisigaw ng puso ko!" Lumapit sya sakin at niyakap ako. "Aze, gusto kitang ligawan."

"J-Joshua..." Hindi makapaniwalang sambit ko! My god! Si Joshua Abueg na pinakahot dito sa campus namin? Nagconfess sakin?! My gosh! Grabe!
Hinarap nya ako at hinalikan sa noo. Natigilan na naman ako!

"Please?" Pagmamakaawa nya.

"Joshua, pero--" Bigla nya na naman akong niyapos!

"Aze, mahal kita at gusto ko sakin ka. Please payagan mo na akong manligaw sayo?"

Napapikit ako ng mas humigpit pa ang yakap nya. "Mahal din kita Joshua." Wala sa sariling nasabi ko!🤐

Bakit inamin ko!😣 My gosh! Ene be! Nakakahiya!

"M-mahal mo din ako?"

"Oo, kaya pinapayagan na kita manligaw." Nabasa ko agad ang saya sa mata nya. Muli nya akong niyakap ng mahigpit.

"Mahal kita, Aze. Hindi kita iiwan pangako yan."




••• 4 months later •••



Naglalakad ako sa isang garden. Sabi sakin nila Ericka at Kizea nandito daw si Joshua at hinahanap ako. So, pumunta ako dito. Habang naglalakad ako. Nakarinig ako ng isang tugtugin na nagpabilis ng tibok ng puso ko!

🎵Minsan oo, minsan hindi. Minsan tama, Minsan mali.. umaabante, umaatras. Kilos mong naminintas...🎵

Mas binilisan ko pa ang lakad ko para mahanap si Joshua. At ganon na lang ang gukat ko ng makita ko sya na nakatayo at may hawak na tatlong bulaklak sa kamay!😳 Nakangisi naman syang lumapit sakin! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang nakikipagkarera!

🎶Kung tunay nga ang pagibig mo. Kaya mo bang isigaw. Iparating sa mundo...🎶

"Aze, para sayo." Nilahad nya sakin ang tatlong pulang rosas!

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (A one shot story By Queen Whogoatherra) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon