Nice Meeting You

21 1 0
                                    

"Ouch!" Sumakit na naman ang pasa sa paa ko nang matamaan ko ito dahil sa kakahilot parang pakiramdam ko hindi na'ko makakalakad pa. Bigla kasi akong naurungan ni Polah ng upuan kanina sa bandang binti ko, para ngang sinasadya nya eh pero alam ko namang hindi 'parang' lang. Kaya ito ako ngayon sa damo ang bagsak.

"Uy miss! Ayos ka lang? Kanina ka pa nakaupo diyan ah." Napatigil nalang ako sa kakaisip nang may marinig akong nagsalita sa gilid ko.

"Ah oo kuya, pinapahinga ko lang 'tong paa ko masakit kasi." Sabi ko nalang dito sa stranger na 'to eh hindi naman ako na inform na bawal palang umupo dito sa mga damo.

"Napano ba 'yan?" Tanong niya sakin habang nakakunot ang noo'ng sinusuri ang nangingitim na pasa na nasa binti ko.

"Wala 'to. Naurungan lang ako ng upuan ng classmate ko kanina." Paliwanag ko at tumingin sa kanya nagulat pa 'ko sa expression ng mukha niya dahil mukhang galit na galit siya yung kaninang nakakunot na noo kanina mas kumunot pa ngayon, at ang mata niya ang talim ng tingin sakin na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya na walang kapatawaran. Problema nito?

"Oh tapos pinabayaan mo nalang?! Alam mo bang may posibilidad na hindi ka na makalakad dahil 'lang' sa naurungan ka ng upuan at nagka pasa ng ganyan kaitim at kalaki?!" Pasigaw na sabi niya, diniinan niya pa talaga ang salitang 'lang' pero kailangan ba talagang manigaw eh hindi nga kami magka kilala nitong lalaki'ng 'to eh?

"Hoy bakit kaba naninigaw? Eh ako ang naurungan dito ah hindi naman ikaw ako po ako! Tsaka ano bang ginagawa mo dito? Pwede ka naman ng umalis ah nandito ka ba talaga para sermonan ako ha?!" Tanong ko sa kanya eh grabe naman kasi 'to kung makapag react daig pa ang babaeng nireregla sa init ng ulo.

"Nandito ako para tumulong." Sagot niya, tumulong? Hindi niya naman ako tinutulungan ah sinesermonan pwede pa.

"Hoy boy para malaman mo hindi tulong ginagawa mo kundi sermon ha sermon." Sabi ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa mata niya daig pa niya si Mommy kung manermon eh.

"Hoy babae para malaman mo hindi 'boy' pangalan ko ah." Sabi niya sakin pake ko ba sa pangalan niya tsaka ngayon lang kami nagka usap nitong isang 'to eh.

"Eh hindi naman po kasi ako interesado sa napaka ganda mong pangalan." Sarkastikong pagkakasabi ko sa kanya.

"Tara na ihahatid na kita sa inyo, para malaman mo narin kung ano'ng pangalan ko." Sabi niya may halong pagka mayabang sa tono ng pananalita niya ang kapal ni kuya hindi nga ako interesado diba? Pero inabot ko narin ang kamay ko sa kanya at sinabi kung nasa'ng address ako nakatira.

"Oh nandito ka na. And by the way I'm Sarge, Sarge Joaquin Pasco. Pagpapakilala niya so Sarge pala pangalan nitong lalaki'ng 'to ma try ko nga siyang i-stalk sa fb. Uy syempre joke lang yun no.

"So Sarge pala pangalan mo? Okay." Kunwaring sabi ko sa kanya na parang hindi interesado.

"Hindi mo man lang ba sasabihin kung akong pangalan mo?" Tanong niya na parang nagmamakaawa ang cute niya mukha siyang squirrel na naghihintay na bigyan ko ng hazelnut hehe.

"Oh sige ito na nga I'm Yvonne Claire Samson but you can call me Yvonne or Claire." Sabi ko sabay shakehands sa kamay niya syempre sa kamay magulat ka nalang kung sa paa diba?

"Nice meeting you Yvonne." Sabi niya at sabay ngumiti OMG ngayon ko lang pala napansin na may itsura pala 'tong lalaking to by itsura I mean gwapo rin pala siya.

"Nice meeting you too Sarge." Sabi ko sa kanya at ngumiti, ngumiti din siya pabalik ang cute talaga ng ngiti niya. Umiwas na 'ko ng tingin baka makahalata siya mahirap na kung anong isipin niya.

"A-ah sige na umuwi ka na maggagabi narin kasi ingat ka. Bye." Humakbang na 'ko papalapit sa gate bago pa man ako tuluyang makapasok nag wave muna ako sa kanya ng bye sign at ngumiti na naman siya biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ngumiti din ako sa kanya.

"Sige una na 'ko." Sabi niya at tumango nalang ako at umalis na.

"Ano ba papatayin mo ba 'ko sa pangiti ngiti mo'ng yan ha Sarge?" Tanong ko sa sarili ko habang iniisip siya na nakangiti kanina.






















To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destiny Of UsWhere stories live. Discover now