Julia's Special Chapter

72.6K 889 108
                                    


Julia's POV


"Ano bang masama sa mag-usap kayo!?"


Umusok na ako sa galit, hinarap ko siya. Patuloy pa rin bumubuhos yung luha ko.


"YOU DON'T KNOW ANYTHING OK!? WALA KANG ALAM! HINDI MO ALAM YUNG NARARAMDAMAN KO! YOU DON'T KNOW WHAT I DID JUST TO NOT SEE HIM! HINDI MO ALAM KUNG ANO YUNG MGA PINAGDAANAN KO PARA LANG HINDI KO NA SIYA MAKITA ULIT! MAHIRAP KATS! MAHIRAP IWASAN SIYA! GINAWA KO LAHAT PARA LANG MAGKALAYO KAMI! HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT YUNG GINAWA NIYA SA'KIN NOON! TAPOS ANO!? GUSTO MO MAG-USAP KAMI!?" 


Bigla niya akong niyakap kaya mas lalong bumuhos ang luha ko. Nanghihina ako.


"Ginawa ko lahat Kats... Ginawa ko, p-pero... pero... Ang hirap.. mahirap siyang iwasan... masakit Kats... masakit..." Pahina ng pahina yung boses ko hanggang sa umiyak nalang ako.


"Shhh tahan na... n-nandito lang ako... h-hindi kita iiwan..."


FLASHBACK


"Hoy nerd! Gawan mo nga ako ng assignment nakalimutan ko kasi eh!" Sigaw ni Quen sa'kin.


Quen, or well known as Enrique Gil. Kaisa-isang anak ng may-ari ng school, at crush ko.


"U-uhhh ano kasi. M-may gagawin pa'ko..." Ako habang nakayuko.


"Ano!? May gagawin ka pa? Ano naman ngayon!? Pake ko ba!? Basta gawan mo'ko ng assignment kung ayaw mong ipa kick out kita sa school!" Tinulak niya ako kaya napa-upo naman ako.


"Hoy! Wag mo nga siyang e tulak!" May isang mistisang babae ang lumapit sa'kin.


"Pake mo ba? Wag ka nga mange alam!! PAKIALAMERA!!SIgaw ni Quen sakanya.


Tinulungan niya 'kong tumayo. 


"Hindi naman porket anak ka ng may- ari ng school eh ganyan ka na tumatrato sa kapwa mo. DI porket nerd siya eh inaapi mo na! " Sigaw niya pabalik dun kay Quen.


Pipigilan ko na sana siya, kasi baka madamay pa siya sa gulo namin at mapakick out siya ni Quen sa school, kaso parang may bumabara sa lalamunan ko. Parang hindi ko kayang magsalita.


Siguro nga ganito talaga pag nerd ka. Hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. You have a very low self esteem. Walang ka confident sa sarili. 


"Oh? Ano naman? Wala akong pake! " Pagkatapos sabihin ni Quen yun ay lumabas na siya ng room.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon