Way back to you

4 0 0
                                    

*tok tok tok*

"Good morning po! Tao po!" sigaw ni Joshua habang kumakatok sa aming tahanan.
"Ma, paki-buksan nalang po" pakiusap ko sa aking mama habang nagmamadaling mag-ayos.
Unang araw ng eskwela ngayon kaya hindi dapat kami ma-late ng boyfriend ko. Oo, si Joshua ay boyfriend ko at magdadalawang taon na kami. Masaya kaming pareho sa aming relasyon at suportado naman kami ng aming mga magulang.

Nakarating na kami sa aming paaralan at nagpaalam na sa isa't-isa dahil hindi na kami magkaklase ngayong ika-11 na baitang na kami.
"Ba-bye na Coleen, text mo nalang ako mamaya pag-uwian mo na." sabi ni Joshua sa akin.
"Sige ba-bye, goodluck sa first day ha! Umayos ka ha! Hahahaha" pasigaw na sabi ko sa kaniya habang naglalakad na kami pareho papunta sa aming silid-aralan.

Pumasok ako sa aming silid-aralan nang masaya at naka-sabay ko ang aking kaibigan na si Mae. Si Mae ay naging kaibigan ko noon nakaraang taon kaya naman malapit na kami sa isa't-isa.
Dumating na ang aming guro kaya naman nagpakilala na ang bawat isa sa aming seksyon. Nakilala ko ang aking mga kaklase at mukhang magiging masaya naman ang seksyon namin.
"Hi, ako si Liza" sabi ng aking nakatabi sa klase.
"Hello, ako naman si Coleen" naka-ngiting tugon ko sakaniya.

Lumipas ang maghapon na iyon nang masaya. Nagkita kami ni Joshua ng uwian, sabay kaming uuwi at ihahatid niya ako sa aming bahay. Ganoon naman ang parati niyang ginagawa sa halos dalawang taon naming magkasama.
Habang nasa biyahe kami, nagkwentuhan at nagkamustahan kami sa nangyari sa unang araw ng eskwela.
"Oh, kamusta naman?" sabi ni Joshua.
"Ayos lang naman, mukhang mababait naman mga kaklase ko at magiging masaya ang seksyon namin." tugon ko sakaniya.
"Ah okay, buti naman kung ganon." sabi ni Joshua.
"Ay teka nga, may naalala ako. Kaklase mo si Kath diba? Yung pina-kaibigan samin nung kaibigan ni George?" tanong ko kay Joshua.
"Ahhh oo. Mabait naman ata siya." sabi ni Joshua. "Maganda nga din eh." pabulong at pabirong sabi nito.
"HA?! May sinasabi ka ba?!" pabiro rin at paselos na sinabi ko sakaniya."
"Hehehe, wala sabi ko ang ganda mo." bawi ni Joshua.

Nakarating na kami sa aming bahay kaya naman umuwi na rin siya upang makapagpahinga na rin kami pareho dahil may pasok pa kami ulit bukas.

Kinagabihan.....
*toot toot* tunog ng aking telepono nang may nag-chat sa akin.
"Hello" sabi ni Carl.
"Hi" sabi ko naman sakaniya.
Si Carl ay isang lalaki at ka-barkada ko sa church. Oo barkada, kaya marami kami, lima silang lalaki at dalawa kaming babae ng ate ko. Mababait at friendly sila kaya napalapit kami ni ate sakanila agad kahit kakalipat lang namin doon. Nagtuloy-tuloy ang pagchachat namin ni Carl at puro ito tawanan kahit walang kakwenta-kwenta ang usapan namin.

Lumipas ang ilang araw, binuksan ni Joshua ang facebook account ko at nakita niya ang conversation namin ni Carl at chinat agad ako ni Joshua.
"Walangya sino tong Carl?" chat ni Joshua sakin na alam kong galit siya noong mga oras na iyon.
"Kaibigan namin yan sa Church" ipinaliwanag ko sakaniya.
Nang tignan ko ang facebook account ko chinat pala ni Joshua si Carl.
"Tigilan mo na si Coleen, boyfriend niya 'to." message ni Joshua kay Carl gamit ang account ko.
Nagalit ako kay Joshua dahil sa ginawa niyang iyon na chinat nya si Carl ng ganon ang sinabi. Bawal malaman ng ka-church ko na may boyfriend ako for some reasons kahit legal kami sa family namin kaya nagalit ako sakaniya.
"Bakit mo naman chinat si Carl ng ganon? Alam mo namang hindi pwede diba?" message ko kay Joshua nang pagalit.
"Wow, so ako pa ngayon may kasalanan? Sino bang hindi nagsabi dito? Tignan mo naman kasi diba, puro tawanan nakakaloko." pagalit ding message sakin ni Joshua.
"Anong nakakaloko don? Bakit? Sa tingin mo ba lolokohin kita? Magkaibigan lang kami ni Carl, intindihin mo naman yun." pagalit na pinaliwanag ko kay Joshua.
Nagtuloy-tuloy ang pagsasagutan namin sa chat ni Joshua at dumating sa puntong galit na kami sa isa't-isa kaya hindi kami nagpapansinan kahit sa school.
Lumipas ang ilang araw nang hindi parin kami nag-uusap ni Joshua. Sobrang sama ng loob ko sa kaniya dahil sa mga masasakit na salitang nasabi niya sa akin nang mag-away kami.
*toot toot*
"Mag-usap tayo bukas. Pag-usapan natin 'to Coleen." message sa akin ni Joshua.
"Sige Joshua." reply ko naman sa kaniya.

Kinabukasan....
Nag-usap na nga kami ni Joshua.
"Ayoko na Joshua, sobrang sakit na hindi ko na kaya. Hindi ko inakalang kaya mong magduda sakin at sabihan ako ng kung ano-anong salita." sabi ko sa kaniya.
"Ayusin na natin 'to Coleen. Sorry, hindi ko sinasadyan masabihan ka ng mga ganon sobrang galit lang talaga ako." paliwanag ni Joshua sa akin.
"Ayoko na talaga Joshua, mahal na mahal parin kita pero tama na siguro ang sakit talaga hindi mo na rin ako naiintindihan kasi nagawa mo pang i-chat si Carl ng ganon kahit kaibigan ko lang siya." halos mangiyak na sabi ko sakaniya.
"Coleen sorry na. Patawarin mo na ako." nagmamakaawang sabi ni Joshua.
"Hindi Joshua, tama na sobrang sakit talaga. Parang wala kang tiwala sakin dahil don at hindi mo na ako naiintindihan. Ang mabuti ay itigil na natin 'to pero tatandaan mong mahal na mahal kita." umiiyak na sabi ko at naglakad papalayo sa kaniya.

Lumipas ang tatlong araw matapos ang break up namin ni Joshua at patuloy parin akong umiiyak at nasasaktan. Sobrang sakit ng pangyayaring iyon dahil ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko inaakalang hahantong kami sa paghihiwalay dahil lang sa pagseselos niya. Akala ko ayun na ang pinaka-masakit na mangyayari sa akin, pero hindi pala.

*toot toot*
"Coleen!!!!!!!" message ni Lyn sa akin. Si Lyn ay matalik ko ring kaibigan at magkaka-barkada kami nila Mae.
"Oh bakit?!?" tanong ko sa kaniya.
"Nakita ko si Joshua at Kath na magkasama!!! Pauwi ako kanina tapos nakasalubong ko silang magkasama." balita niya sakin.
"Ano? Bakit sila magkasama?" tanong ko.
"Sabi nila crush daw ni Joshua si Kath at ganoon din si Kath sa kaniya." balita ulit ni Lyn sa akin.
"Seryoso?! Anong klaseng lalaki sya, tatlong araw palang nang magbreak kami tapos may bago na agad siya?" sabi ko kay Lyn.
"Ewan ko nga 'te eh!! Nakakaloka diba!!!" sabi ni Lyn.

Sobrang sakit nang malaman kong may iba na agad na gusto si Joshua. Ang buong akala ko ay mahal parin niya ako at babalikan niya ako pero akala ko lang pala iyon. Nang malaman ko iyon, hiniling kong makitang magkasama sila Joshua at Kath para tumatak sa puso't isip ko na sila na talaga at hindi na ako mahal ni Joshua.

*ring ring* tunog ng bell sa aming eskwelahan.
May pasok nanaman at lahat ng kinasanayan ko ay wala na. Wala ng maghahatid, mangungulit at kung ano-ano pang ginagawa ni Joshua sa akin.

Kinatanghalian....
Papunta kami ng mga kaibigan ko sa canteen nang may nakasalubong kaming dalawang tao.
"Ito na ata ang araw na hiniling ko..... ang makitang magkasama si Joshua at Kath." sabi ko sa sarili habang naglalakad nang makasalubong namin sila.
"Smile ka lang Coleen, wag kang iiyak, okay ka na, hindi mo na siya mahal." pilit kong tinatatak sa utak ko hanggang makalagpas na kami sa pwesto nila Joshua at Kath.
"Hoy Coleen okay ka lang?!" nag-aalalang sinabi sa akin ng mga kaibigan ko.
"Oo, okay lang ako. Okay lang ako." habang patuloy na naglalakad at kusang tumulo na ang aking mga luha.
Niyakap nalang ako ng mga kaibigan ko ay syempre hindi mawawala ang mga kaibigang nang-aasar kahit umiiyak ka na.
"Okay lang pala ha?" asar sa akin ni Lyn habang tumatawa pero yakap-yakap parin ako.

Sobrang sakit na talaga ng mga nangyayari na halos gusto ko nalang makalimutan ang lahat. Sa paglipas pa ng araw ay patuloy ang mga nalalaman ko tungkol kay Joshua at Kath. Ang sweet daw nila, MU (magjowang unggoy) na raw sila, parati raw silang magkasama, ang saya raw nila, crush na raw talaga ni Kath si Joshua first day of school palang, na-attract na raw si Joshua kay Kath first day of school palang kahit kami pa noon, alam daw ni Joshua na may gusto si Kath sa kaniya simula palang pero hindi niya sinabi o nabanggit sa akin yun, at kung ano-ano pa.Lahat ng mga nalaman ko ay patuloy na bumabagabag sa isipan ko, para bang hindi niya ako minahal dahil ganoon lamang niya ako kabilis palitan. Minsan naisip ko rin na kaya niya siguro nagawang magselos nang sobra-sobra ay dahil may gusto na talaga siyang iba at hinihintay niya lang na ako ang nakipaghiwalay? Pero sino nga ba naman ako? Ako lang naman si Coleen Sprats isang simpleng babae na totoong nagmahal ng isang tao pero nagawa paring lokohin at ipagpalit ng pinaka-mamahal niyang tao.

Way back into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon