(Sanyel's P.O.V.)
Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng doorbell.
Bwisit na doorbell, ang lakas!
Bumangon ako sa kama at bumaba para pagbuksan yung adik.
Bwisit, bakit ko ba kasi ni-lock yung pinto?
Malamang mag-isa ka lang.
Teka, wala namang may paki sa akin ha?
Ay ewan! Sira talaga, paniguradong yung adik ito."Bwiset ka naman A-!" Napatigil ako nang hindi sya ang nakita ko
J-Jimin?
Nakangisi lang sya habang nakatingin sa akin.
"Nagising ba kita?" Tanong nya na hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi
"Bakit ka nandito?" Balik-tanong ko
"Wala ka raw kasama eh, sabi ni Ms.Park," sagot nya
"Paanong, nagkita kayo?" Tanong ko
"Oo, may emergency kasi kay Yoongi kaya di muna sya makakauwi ng maaga," sagot nya
Anong emergency? Wrong timing talaga si Sir.Min...
"Oh, ano naman, bakit ka nandito?" Tanong ko
"Same answer," sagot nya
Bwiset, hindi puwede dito sa bahay, baka may makita sya rito.
"Pero hindi puwede dito sa amin," sabi ko
"Edi saan?" Tanong nya
Bakit ba kasi nandito sya eh?
"Kahit saan, basta hindi dito," sagot ko
Napalingon ako sa mga picture frame namin ni kuya.
"Wag kang papasok, diyaan ka lang," sabi ko at bago pa man sya sumagot ay sinaraduhan ko na sya ng pinto
Hinatak ko nalang ang damit at mabilis na nagbihis pang-alis.
Bakit ba sya nagpunta dito? Tsk tsk tsk.
📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂
Nagdesisyon nalang kaming mag-mall dahil ang init talaga ng panahon. Naglakad-lakad lang kami doon at napatigil sa sweet corner.
"Mukhang masarap ito ha," sambit nya
Pinagmasdan ko lang sya habang tumitingin ng mga sweets.
Pogi sya, guwapo, at matangkad na sya para sa akin. Maliit kasi ako...
Dati mas matangkad ako kay A-Ches, pero ngayon mas matangkad na sya, bwisit kasing babae yun nagche-cheriffer kasi.
"Anong gusto mo?" Nawala ang iniisip ko dahil sa tanong na iyon
"Cheriffer," sagot ko sa pagkabigla
"Cheriffer?" Nagtataka nyang tanong
Bwisit ka talaga A-Ches, cheriffer tuloy, nakakainis!
Namula ang pisngi ko sa hiya, bigla nalang syang ngumiti at tumingin ulit sa mga chocolate.
"Mapang-asar ka pala," sabi nya
"Huh?" Tanong ko, nagkatinginan ulit kami at ngumiti nanaman sya
"Ice cream?" Tanong nya
"S-Sige!" Pagsang-ayon ko, buti naman at yun ang naisip nya
Lumapit kami sa isang stall kung saan marami-rami ring tao ang nakapila.
"Wow fried ice cream!" Sabi ko at tinignan ang menu sa taas
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanficKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...