(Jungkook's P.O.V.)
Pagkapasok ko sa opisina ay dumiretso na ako sa desk ko.
"Good Morning!" Bati nila Sammy
Tumingin ako sa dalawang bakantend desk.
Bakit wala sila TaeHyung at Sanyel?
"S-Sammy," tawag ko
"Bakit?" Tanong nya
"Bakit wala sila?" Tanong ko
"Ahhh, nag leave sila ng isang linggo," sagot nya
"Isang linggo!?" Ulit ko
"Emergency," sagot nya habang nag e encode ng files
Tumango nalang ako sa pagsagot.
Ibig sabihin, isang linggo, kami lang ni Sammy ang magkasama?
"Wag mong isipin iyan, mahal ka nun,"
Napalingon ako kay JooYoung na hinahagod ang likod ng pinsan nya.
"Ikaw $U6@60 ka, bumalik ka sa desl mo," inis nitong pagtataboy sa kanya
"Kasi naman masyado kang tulala!" Sigaw nya pabalik
"Hoy, ano iyan!?" Natigil ang lahat sa pagdating ni Manager Jung
"Siya kasi!" Nagturuan ang dalawa, nagpigil naman kami nila Sammy at Yoseob ng tawa
"Bakit?" Tanong ni Manager Jung
"Ayaw bumalik sa pag-upo sa computer nya," inis na sagot ni Ih Dae
"Kasi ang lalim ng iniisip mo! Concerned lang naman ako bilang pinsan mo ha," sabi naman ni JooYoung
"Ganito nalang Ih Dae," sabi ni Manager Jung
Napatingin kami lahat sa sasabihin nya at naghintay.
"Hmmmm, pffft-" bakit bigla syang?
"Ahahahaha! Paano sya hahaha uupo sa computer? Edi ahahaha masisira iyon ahahaha!" Nahihirapan pa nyang sigaw
Nagtawanan kaming lahat, hindi dahil sa joke, kung di dahil sa ekspresyon ni Manager Jung at ni Ih Dae.
Hahahaha! Baliw talaga itong mga ito!
"Ahahaha! You're the best Man!" Sabi ni Joo Young at nag apir pa sila
"Bwiset," nakangiting sambit ni Ih Dae na napapikit nalang sa kalokohan ng dalawa
"Hahahaha!" Napatingin ako kay Sammy na tuwang-tuwa
"Buti nalang nandito sila," sabi ko, tumango naman sya habang tumatawa
"Duh," napahinto ang lahat sa pagdating nya
"Ms.Shin, why are you late?" Tanong ni Manager Jung
"Anong late? Kababalik ko lang," sagot niya
"Iniinis lang sya ni Manager Jung, hahaha," sabi sa akin ni Sammy
"Baliw talaga itong Manager natin," sabi ko
"Oo, matagal na," pagsang ayon nya at humagikhik
"Hindi, late ka!" Sabi ni Manager Jung
"Anong late? Ikaw kaya ang nag-utos sa akin na kunin ito!" Inis na sagot ni Han Yeok
Nagtawanan ang lahat.
"Hahahaha! Asar ka naman?" Pang-iinis lalo ni Manager Jung
"Ewan! Lumayas na nga po kayo rito," sagot ni Han Yeok
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...