Chapter eleven

50 3 1
                                    

CHI'S POV

Nandito na ko sa park. "Ui! Chi!"

"Ay. Hello. Upo ka. :)"

--

Magkatabi kami pero hindi kami nagpapansinan. "Ah e. . Joseph."

"Mmm?"

"Alam kong ang awkward--"

"I'm sorry Chi."

"Gusto--"

"Patapusin mo muna ko. Gusto kong mag sorry. I'm really sorry. Tutol ang mama ko nun sa relasyon natin. Desidido siyang paghiwalayin tayo."

Nagugulat na lang ako sa mga sinasabi niya. Gusto kong magsalita pero sinasabi sakin ng utak ko na, pakinggan ko muna siya. "Papunta na ako nun dito. Pero hinarang nila ang dinadaanan ko. Sinakay nila ako sa kotse ng mama ko. Nung araw din na yun dinala nila ko sa States. Ginawa niya ang lahat para paghiwalayin tayo."

"Bakit di mo sakin sinabi na tutol na siya satin noon pa lang?" Hindi ko na napigilan, nagreact na ako.

"Dahil ayokong maging malungkot ka. Pinipilit ko naman nun na gawin ang lahat pero nung araw na yun. . .

Wala akong nagawa para pigilan sila. Maniwala ka sakin Chi." Hinawakan niya pa yung kamay ko. "Diba sabi ni Carl pumunta siya ng States? Sinundo niya ako. Naghahanap kasi ako ng tamang tsempo pero sabi niya baka makuha ka na ni Miguel. Manloloko siya." Huminto muna siya magsalita at saka uli tumuloy, "Chi."

"Ah?"

"Huli na ba ko?"

Di agad ako nakasagot, "Chi sumagot ka."

"Gusto kong sabihin na. . ."

"Na?"

Niyakap ko muna siya saka ko nagsalita ulit, "Gusto kong sabihin na hindi ka pa huli." Tapos humarap ako sa kanya tsaka ko siya nginitian. ^_____^

Siya din ganun.

I guess okay na kami. ^O^

--

Umuwi na ako, hinatid niya muna ko bago siya umuwi.

Kausap ko ngayon sila Lala at Jen sa cellphone. Nakaconference kami. Haha.

Jen: Weh! Ay ang sweet!

Lala: Kyaaaaaaaah! Over! Nagbunga na ang paghihintay mo!

Jen: Oo nga! Haynako. I'm so happy for you!

Ako: Hahaha. Mga loka! Masaya din naman kayo e.

Lala: Ako, hindi.

Jen: Wushu! Maniwala. Baka nga humantong na sa kasalan relasyon niyo ni Luis e. Diba Chi? Go Lalalove! Hahaha.

Lala: Anober! Huwag nga kayong ganyan. *flirty tone* Haha!

Natatawa na lang ako sa dalawang baliw na 'to. Masyadong mga excited e.

Jen: Ay Chi, paano na nga pala si Miguel?

Hindi pa ko nakakasagot, nagreact na agad si Lala.

Lala: Ano? Miguelita? Sinong bakla yun?

Jen: Tange! Miguel. Kahit talaga lalaki ginagawa mong bakla!

Wala nga pala kasi siya nung nangyari yung suntukan chenes.

Ako: Ah, di ko pa nakakausap e. Pag iisipan ko na lang kung kelan kami pwedeng mag usap.

Lala: Tama! Kung sinumang Miguelita yun, ipagpaliban niyo muna. Haha.

Jen: Mag enjoy muna kayo ni Joseph! Yieeeeee!

Ako: Haha. Osya sige, may gagawin pa ko.

Sila: Ocge, bye Chi!

--

Humarap ako dito sa mahiwaga kong salamin, "Mirror mirror. Totoo ba 'to? Is this REALITY ba talaga? Mygosh. Tapos na yung tatlong taon na paghihintay ko sa wala. Nagbunga na siya lahat! Kyaaaaaaaah. Bumalik na si Joseph! Binalikan niya na ko! Kami na uli! ^_____^

Um, teka. Mirror, paano na nga pala talaga si Miguelita? Ay este! Miguel pala. Si Lalalove kasi e. Haha. Manloloko daw siya?

Pero bakit? Pagpapanggap lang ba yung mga ginawa niya sa akin? Aish. Siguro naman hindi. Ang bait bait niya e. Nararamdaman kong bukal sa loob niya yun."

*ring ring*

Oh, may tumatawag. Sino kaya?

Calling: CarlBugok.

Haha! Si Bespreeen!

"Hello Bugok! Bakit ka napatawag?"

"Date daw kayo ni Joseph bukas."

"HUH? E BAKIT IKAW NAGSASABI SAKIN?"

"Busy siya ngayon e."

"KAHIT MAN LANG TEXT DI NIYA MAGAWA?"

"Oh, easy lang. Basta kita daw kayo sa mall."

"HINDI PA KO SUSUNDUIN?"

"Bugok, easy ka nga lang! Magiging masaya ka naman bukas, sigurado ako. Cge na, bye."

"Teka!"

*too toot toot*

One word lang. Bastos! =.= Binabaan ba naman ako? Tapos si Joseph, may date daw kami bukas. Pero si Bugok ang nagsabi sa akin, hindi pa niya ko susunduin. Gulay naman! Dati naman di siya ganun e. >_

Pupunta ba ko? Eeeeeeh. Nakakaasar kasi e. Bahala na nga si Batman!

--

JOSEPH'S POV

Calling: Carl

Baka nagtataka kayo, pinlano namin 'to. Gusto ko kasi ngayon ay magsisimula kami ulit.

Nakaconference talaga kami, pero di ako nagsasalita. Nagpipigil ako ng tawa o kaya ng kahit anong reaksyon dahil naiinis nga si Chi.

May sorpresa naman kasi ako para sa kanya kaya talagang busy ako. Gusto kong mabawi lahat ng asar at inis niya sakin bukas. Gusto ko yung mapalitan ng mga ngiti niya na matagal kong hindi nakita.

"Date daw kayo ni Joseph bukas."

"HUH? E BAKIT IKAW NAGSASABI SAKIN?"

"Busy siya ngayon e."

"KAHIT MAN LANG TEXT DI NIYA MAGAWA?"

"Oh, easy lang. Basta kita daw kayo sa mall."

"HINDI PA KO SUSUNDUIN?"

Grabe, pakiramdam ko nag aalburoto na yung mahal ko. Haha. Gusto niya kasing sinusundo ko siya, romantic daw yun.

Kaso ngayon, gusto ko maiba naman. Lahat na lang kasi ng mga couple dyan sa tabi tabi, ganun yung ginagawa.

Ayoko naman nun ngayon. Sana nga lang, pumunta siya. Kapag hindi. . .

Diretso daw kami ni Carl sa Plan B. Haha. Natutunan niya daw kay Chi kung paano gumawa ng plano e. ^_^

[Next day: The date. Success ba o fail?]

Willing to WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon