Miss Antipatika

48 0 0
                                    

Antipatika daw ako?

Halos lahat ng nakikita ako sa lugar, ang turing sakin parang isang magandang halaman, na pag nilapitan mo, kakain ka! Haha Ganun daw ako? Hindi naman kaya, ang friendly ko nga e. Sa piling tao nga lang, dahil dito samin, bahay, tindahan at basketball court lang ang alam kung puntahan lalo pa’t bakasyon. Kaya akala nila, masungit akong tao.

"Pabili po, onion rings" sabi nun bata,

"Oh eto, sampung peso yan" pinakita ng bata yung pera nya, piso lang pala dala nya. Aba ng puppy face pa. Tumingin ang bata dun sa taas ng ulo ko, onion rings naman pala yung maliit na yun.

 "Eu na oh" binigay ko yung a-pisong onion rings

"Ang aga-aga ang sungit mo naman" Boses ni Drew agad ang narinig ko, hindi naman ah, ang bait ko nga

"Ano naman sayo? Anong bibilhin mo?"

"Sprite nga po plss" paksheet ang gwapo mo, nag salita ka, mas nakaka-inlove tuloy ako.

 "8oz, 12oz o litro?" Pasiguro lang baka mamali na naman ako, pinakita nya sakin ang pera nya 7pesos.

"Aaah" kinuha ko ang 8oz, binukasan ko at nilagay ko sa plastic

"Oh eto na po"

"Bakit mo nilagay sa plastic? Dito ko lang sana iinumin e, gusto mo ba kung paalisin agad"

"Oo" kinuha nya yung softdrinks nya at iniwan ang bayad.

 "Ang sungit mo, Ms. Antipatika"

Laging ganun ang sistema namin ni Drew, ang naging ms. Antipatika na sa tingin. Sa kanya lang naman kasi hindi ko alam kung panu kausapin ang crush ko. Pero masayang masaya na ko tinawag nya ko Ms. Antipatika, ok na yan, kesa sa hindi nya ko na papansin.

*Few months later

"Miss sungit, pabili"

"Nandyan ang kapatid ko sa loob, paki-tawag na lang, di mo ba nakikitang aalis ako" nasa labas ako ngayon ng tindahan dahil aalis kami ni mama hinihintay ko lang kasi syang lumabas

"Ang sungit mo talaga"

"So..." Aba-lumelevel, may SO- na din na nalalalaman, baka bukas next month so what na masabi ko, pero bakit ganito, ng bablush na po ako, haaaah! Ngumiti kasi sya sakin.

 "Alam mo Shirley, kung di ka lang masungit, madaming magkakacrush sayo dito, madami sanang binata ang mahuhumaling sayo, silang nandyan sa tabi-tabi baka maging suki nyo kung nakangiti ka, hindi ka kasi nila malapitan e, ang antipatika mo daw kasi, di sana niligawan ka na nila.." Anong bang pinagsasasabi nito, asar ah!

 "Ano naman sayo ngayon kung antipatika ako, wala kang pakialam"

  "Oo nga naman, wala akong pakialam sa kanila, pero mas mabuti na din yan, ako lang ang nagkakacrush sayo, ako lang nagkakagusto sayo, at ako lang ang manlilingaw mo, mas gusto kong ganyan ka miss sungit"

 "Ang baliw mo, ano bang pinagsasasabi mo" pikon ko, mabuti naman kung totoo, e kung inugudtym nya lang ako, mas mapapahiya ako kung papatulan ko to.

 "Gusto kita! Kaya lang kung sabi nila, ang sungit mo, ang antipatika mo, di ka ngumingiti, at ang taray mo, pero maniwala ka, mas gusto nga kita sa ganyan e" Hindi na nakakilos ang mga paa ko, sheeet! Bakit ba kasi sya ngtatapat sa harap ng tindahan namin, naririnig kaya nila sa loob, baka pag pasok ko mapagalitan ako, namumula ako alam ko, ramdam ko ang init ng cheek ko.

  "Umalis ka na nga"

 "Bakit mo ko pinaaalis, may sasabihin pa ko"

 "Umalis ka na nga e, wala ng makikinig sa sasabahin mo"

 "Di ka pa nga umaalis e, kaya nandyan ka pa para makinig" Sinungitan ko lang sya, sana masindak at umalis na

 "Gusto kita Shirley! Mahal na nga siguro kita Ms. Antipatika, gusto sana kitang ligawan, pwede ba?" Lumuhod na sya sa harapan ko, ano ba yan, bakit ganito, nang hina na rin ang tuhod ko.

 Deep inside, YES, YES, I DO na.. Pero syempre, paninidigan ko ang pagiging antipatika ko sa kanya.

 "Tumigil ka nga, di mo ko maloloko, hindi ng papauto ang Ms. Antipatika na to"

 "Plsss, Shirley, gusto kita, magpaligaw ka na plss"

 "Oo, sige na, magpapaligaw na si Shirley. Tayo ka na dyan Drew, bumili ka na ng bibilhin mo, at ang asawa ko, anak, nasa tindahan, kanina pa nanonood sainyo"

 "Nay" shoocking! Nanay, mapapagalitan siguro ako nito mamaya e.

 "Salamat po Aling Del"

 "Sige, mamayang gabi, bumisita ka na lang sa bahay, aalis na kami ah"

 *Nakasakay na kami sa pedicab

 "Nay"

 "Ok lang yan anak, makita ko sa likod mo, naka crossfinger ka pa kaya, sana tanungin ulit ako at oo na ko, haha naku nak, ang tanda mo din, kaya palingaw ka na, hindi rin bagay sayo ang pagiging antipatika."

 "Nanay naman e" ok lunod na naman ako nito sa kantyaw mamaya sa bahay

 "Bagay kayo ni Drew, matagal na rin sya nagpaalam samin ng tatay mo, sayo na lang hindi dahil sa pagiging antipatika mo sa kanya” Pero at least effective. Magkakalovelife na ko.

  “Thank you Nay!”

Miss AntipatikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon