Chapter 9: Can you be mine?

5 0 0
                                    

"So ano nga ba yung tungkol sa Class A na yun?". tanong ko sa kanya.

Labasan na din namin. As usual, since wala naman talaga akong kakilala dito, I prefered staying with Reid. I really miss this guy kaya it's better if I should be hanging out with him a lot right now.

"Ayun ba, nah. It was just a hierarchy of rich students here". matipid niyang sagot.

Wow. My naintindihan ako -.-

"So, you mean, may Class A, Class B, Class C? Ganon?" pagtatanong ko sa kanya.

"Hmmm. Parang ganon na nga. Ganito kasi yun, yung mga Class A, yun yung mga inheritors. Yung mga future owners of a certain big company. Yung mga Class B naman, yun yung mga students na mayayaman but they're the lower class of Class A. Sila yung yumaman dahil may mga properties or some kind of a business. Class C naman, yan yung mga students na anak ng mga may authorities sa government, may mga higher positions sa company. Class D, the scholars. Sila naman yung may pinakamababang positin dito. Kaya pwede silang icriticize ng mga higher classes". pagpapaliwanag niya.

Grabe. Akala ko naman sa mga movies lang yun nangyayari. Yung mga tipong may mga sosyal at mahihirap lang at may iba't ibang class pa. Meron din pala yun sa totoong buhay. But it really makes me wonder, kailangan pa ba talaga ng ganon? Hindi naman yun makakaepekto sa pag aaral eh.

"You're wondering kung bakit may ganon right? It's because of the president's policy. Napaka higpit kasi ng owner nito. Actually, I don't know who's the new president of this university pero ang sabi-sabi, bago lang daw ang policy na yun. Meron daw kasing mga oportunista. Nakadepende din kasi yung mga facilities na ginagamit mo, depende yun sa class mo".

"Ganon ba yun. Ang dami namang arte ng new president. It wouldn't be a factor naman sa education eh. Tsaka ano, oportunista? Bakit? Para naman nilang sinabi na hindi pwede pag haluin ang mahirap at mayaman dahil wala silang manners at di sila bagay na makihalubilo sa mayayaman. That kind of treatment is very wrong, parang ang uneducated naman ng nag isip ng policy na yan". pangangatwiran ko.

Totoo naman eh. What difference does it make? Wala naman. Maliban lang kung talagang ayaw ng mga mayayaman na makihalubilo sa mahihirap. Hay nako! I think it's not about their difference,but on how rich people look at them differently. Talk about matapobre! Ayaw na ayaw ko talaga sa ganong klaseng mga tao.

We owned a big company in different kinds of industries, in fact, ang Fajardo Group of company ay kabilang na sa most successful na companies sa buong mundo but inspite of our fortunate life, our parents taught us to stay our fett off the ground, kaya hinding-hindi kami natutong maging matapobre.

"Rules are rules". sabi niya habang nakangiti.

Napatitig tuloy ako sa kanya. Hmmm. He really is cute. Lalo na sa eye glasses niya, hindi siya nag mmukhang nerd or geek. It looks so very fashionable at him pero ang simple niya lang naman. Hindi siya yung tipo ng lalaki na napakaraming burloloy sa mukha at buhok, he's very simple yet, he looks at his best. 

Reid's 3 years older than me, naabutan ko na lang siya ng dahil sa sistema ng school na pinag aralan niya NYC kaya nagkasabay na lang din kami ngayong college. It's kinda cool, kasi parang dati lang, sinusundo niya ako sa room namin. I was only Grade 4 tapos he was 6th grader naman. 

Lagi kami nong excited na maglabasan kasi magkakayayaan kaming pumunta ng amusement park para maglaro. Ngayon, iba na. Mag hhang out na lang siguro kami sa bar, sa mall, sa mga places na more mature. Sayang, di man lang kami kumpleto nong mga days na lagi kaming tambay sa arcade.

We're not cutting classes. Cool din kasi yung dad ni Jared. Yung isa pa naming childhood friend na hanggang ngayon ay kasa-kasama pa din namin. Kinukulit niya lagi ang dad niya na magpagawa ng arcade sa kwarto niya, syempre ang imposible naman non kasi kaya nga kwarto diba? It's purpose is for someone to take a rest pero mukhang sa pinaplano niya ay mag iingay lang.

Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon