A/N : Pasensya na po kung medyo maiksi ang mga entry! Wala pa kasi akong masyadong maisip eh, heheh !!! Pagtiyagaan niyo na 'to! XD
Leonie's Pov:
Kung kanina muntikan na akong himatayin dahil sa sobrang kagwapuhan ng lalaking iyon, ngayon naman ay parang gusto ko na ulit mangyari iyon!!
Nandito ako ngayon sa may garden nila at iniwan ako ng dalawang hindi pa nagpapakilala sa akin. Naiilang ako kasi hindi ko naman sila kilala pero sumama pa din ako sa kanila.
Dinala nila akong dalawa sa kanilang bahay at nakakalula, grabe! Ang ganda ng mansiyon nila at in the same time,habang pinagmamasdan ko ang kagandahan ng bahay na ito ng bigla akong nagulat na lang ng may biglang sumulpot sa likod ko na lalaking mukhang ...
"WAAHHHHHHHHHHHHHAA!!!!!!!!!!!!!!!!!"
\(>0
%%(==__==)%% - Siya
Nakakatakot 'yung itsura niya! I mean hindi pa naman ako sure kasi hindi ko pa nakikita 'yung face niya kasi nakayuko siya at para siyang zombie na unti-unting lumalapit sakin.
"S-Sino ka!?" nauutal kong sabi sa kanya. Imbes na sagutin ko niya ako ay unti-unti siyang lumapit sakin dahilan para malaglag ako sa kinauupuan ko. WAAAAHhhhhhhhhh!!!!!! Kung alam ko lang na may zombie sa lugar na ito, hindi na lang sana ako sumama!!!!!!!
"P-Pahinging ... " sabi niya habang nakayuko. Napalunok ako lalo dahil mukha siyang tangang nakatayo sa harap ko.
"A-Anong hinihingi mo? D-Dugo? F-Flesh? .. W-Wag mong sabihing gusto mo ang .. B-Brain ko?! M-Maawa ka na, w-walang laman ang utak ko, w-wala na din akong dugo dahil Low blood ako at higit sa lahat .. H-Hindi masarap ang laman ko!"
OMG .. Kung anu-ano nang kabalbalan ang sinasabi ko.
Nang magsimula ulit siyang maglakad at paulit-ulit na sinasabing .. P-Pahinging ...P-Pahinging ...P-Pahinging ...P-Pahinging ...
Bigla siyang natumba sakin at doon na ako tuluyang sumigaw.
"WWAAAAHhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Hey, what's happening here?" sabi nung lalaking bumuhat sakin kanina kasunod niya yung babaeng tinulungan ko.
"T-Tanggalin nyo siya sakin," halos pabulong kong sabi sa kanila.
Mabilis nilang inilayo ang lalaki sakin at walang sabi-sabing binuhat ni guy ito at dinala sa kung saan. Tinulungan naman ako ni girl na tumayo at pinaupo ulit ako.
"Ok ka lang?" natatawang sabi sakin ni girl habang iniaabot ang isang baso ng tubig.
Lalo pa siyang natawa dahil nangangatog ang kamay ko.
Hmf! Ano kayang nakakatawa sa nangyari sakin? (>__
"S-Sino ba 'yung .. yung mukhang zombie na 'yun?" tanong ko sa kanya.
Ngayon ko lang lalong na-realise na ang ganda-ganda niya at kakaiba ang kulay ng mga mata niya. It is something like violet and grey.
"Oh, siya ba? Kakambal namin ni Jerold, si Jarret," nakangiti niyang sabi.
Teka, did she say kakambal "NILA?"
"Wait, don't tell me .."
"Yes, triplets kami. Hehe," nakangiti niyang sabi.
"Wow, akala ko mag--"
"Boyfriend kami ni Jerold? Haha! Marami ngang nagsasabi."
'Yung totoo, hindi niya trip tapusin ang sinasabi ko?
"P-Pero, parang hindi kayo kambal eh."
"Fraternal triplets kami, so hindi talaga kami magkakamukha. Teka nga pala, ano nga palang pangalan mo?"
Napangiti ako bigla kasi akala ko magdadaldalan na lang kami dito ng hindi pa nagpapakilala sa isat isa.
"Leonie Mendez."
"Krissel Montemayor."
"Montemayor Corp. ?!" nagulat kong sabi sa kanya.
"Yes, and you are Mr. and Mrs. Archanel Mendez daughteR? " nakangiti niyang sabi.
Hindi ko alam kung coincidence lang ito pero ang Papa niya at ang Papa ko ay matagal ng magkaibigan at magkasosyo sa business! At ngayon ko lang nakita ang anak ni Mr. Montemayor!!!
"What a coincidence! Sabi ni Papa, next week pa kayo darating right?"
Ang sabi kasi ni Papa, ipapakilala niya sakin ang mga ito sa hindi ko malaman na dahilan. At galing pa sila ng France!
"Ahaha, right. Pero napaaga ang dating since we want to meet you sooner."
"Bakit naman?" taka kong sabi.
Nginitian niya ako ng nakakaloko sabay kindat.
"That is our TOP SECRET."
BINABASA MO ANG
Shut Up for a While
FanfictionKathNiel po ang main characters na ginamit ko, tutal I like their loveteam. Para sa mga KathNiel fans po ito!! XD