Epilogue

13.5K 216 12
                                    

Epilogue: The Ending

"HELLO, baby. Long time no see." I laughed. "Namiss kaagad kita. Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon at katulad ng lagi kong sinasabi sayo, sinisisi ni Mommy ang sarili niya sa pagkawala mo. Every second, every minute, every hour, every day, I love you. Hindi ka nawala sa isip ko. Kahit na magkakaroon ka na ng kapatid, mahal na mahal na mahal na mahal ka pa rin namin. Bantayan mo si little brother mo kapag lumabas na siya, a?"

"Mommy, tumawag na si Papa."

I eyed Miley. Nginitian ko siya. "Okay, sweetie. Magpapaalam lang ako kay Baby."

Tumango siya at humarap sa lapidang nasa harapan ko. "Bye, Baby. Babalik ulit kami ni Mommy. Then, next time, kasama na namin si Papa. Kailangan pa kasi naming bisitahin si Daddy. I love you, baby."

Napangiti ako. Mahal na mahal talaga ni Miley si Baby kahit na hindi naman niya kadugo ito. Ni hindi nga niya alam kung kailan nawala sa amin si Baby.

Hinawakan ko pang muli ang lapida. Baby Montano. "Bye, baby. Next time ulit. We love you."

Pinagpag ko ang suot kong dress at tumayo na. Hinawakan ni Miley ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta ng sasakyan.

Three years ago, inilibing ni Lordan ang damit ko na napuno ng dugo ni Baby. Wala naman kasi kaming mailibing na fetus o katawan niya dahil magdadalawang linggo pa lang siya nang mawala siya sa amin.

Yeah, tatlong taon na ang nakalipas. Naging maayos naman ang buhay namin. Naging masaya si Miley sa piling namin ni Papa Lordan niya. Kahit na alam kong nangungulila siya sa Daddy niya, pinapakita pa rin niya na masaya siya sa feeling namin.

Naabutan namin si Mamba, Scorp at Rose, ang lady bodyguard ni Miley, na nasa labas ng sasakyan.

"Tara na po, Lady? Young man is waiting."

I nodded. Inalalayan naman ako ni Scorp sa pagpasok sa sasakyan. Umupo si Miley sa tabi ko.

Napatitig ako kay Miley. Pamilyar na pamilyar sa akin ang asul na mata niya, parehas talaga sila ni Henry.

"Why, Mommy?"

"Nagagandahan lang sayo si Mommy." I said. Hinawakan ko ang buhok niya at hinimas.

She giggled. "Syempre, mana ako sa inyo, Mommy. Parehas tayong beautiful."

I smiled. "Baka naman may nanliligaw na sayo sa school, a?"

Sumimangot siya. "Mommy, ten years old pa lang ako. Wala pa akong balak magpaligaw."

I pinched her cheeks. "Good. Magwawala ang Papa mo kapag nalaman niyang may nanliligaw sa prinsesa niya."

She sighed. "Yeah, he's overprotective."

"Tama ka diyan." Ani ko.

Sumandal siya sa akin at hinawakan niya ang malaking tiyan ko. "Ang laki na ni baby, Mom."

"Yeah. Two more months, lalabas na siya."

Dahil sa pagkakakunan ko, kinailangan namin ng tatlong taon bago makabuo ulit ni Lordan. Ilang taon din akong nagtake ng pills para maayos ulit ang matres ko.

Huminto na ang kotse at bumaba na kami. Naabutan namin si Lordan na nakatayo sa labas.

Sinalubong niya kami. Hinalikan niya ako sa labi at hinalikan naman niya sa noo si Miley. Miley chuckled.

"Bakit ang tagal niyo, baby?" Tanong nito.

"Dumaan pa kami kay baby." Nakangiting saad ko.

"Akala ko hindi na kayo makakarating." Hinarap niya si Miley. "Your aunties and uncles are there. Pati si Lolo Arnold mo ay nasa loob na. Tara na."

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon