To: Tandang Shrek
Mag isa akong kumakain sa bahay habang nakikinig ng radyo ng biglang nagplay yung song na Tulad mo by TJ Monterde.
Nagbalik sa ala-ala ko yung mga panahong natatawag pa kitang mahal ko, tanda, gurang, shrek at kung ano-ano pa habang ang tawag mo naman sakin panget.
Natatawa ako sa way kung pano tayo nagkakilala.
Hindi kita pinilit pero nagprisenta kang maging ka fake relationship ko para may matawag na Daddy, Dad, Tay yung mga batang fan na tumatawag saking Mom, Nay.
Pero hindi tumagal na hulog ang loob ko sayo, dahil malambing ka, at may pa 50 reasons why I love you kapang nalalaman.
Pero Long Distance Relationship ang meron tayo, hindi maiwasang may away at gulo. Naghiwalay tayo pero nagbalikan ulit.
Sa pangatlong pagkakataon naghiwalay tayo dahil alam kong ako ang mali.
Nawalan tayo ng oras sa isa't - isa , tinamad na akong kausapin ka dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.Nauubusan na ako ng salita ngayon hindi gaya noon.
Nabuhay ako ng wala ka, wala na akong balita sayo.
Hanggang sa isang araw kinausap ako ng kaibigan ko na nagchat ka daw sa kanya at hinahanap mo ako.
Agad kong inopen yung fb account ko pero lagi kitang naaabutang naka offline.
Hanggang sa sumuko na ako.
After a month nalaman kong may Girlfriend kana at 9 months na kayo.
Ina amin ko nasaktan ako.Dahil dapat akin ka. Selfish na ako oo, pero mahal kita.
Ngayon nakatingin ako sa kalindaryo habang patuloy na lumalabas ang mga luha sa mata ko.
September 8, 2017 na. 11 days nalang 1 year na kayo.
Alam kong masaya ka sa kanya, kaya titigil na ako.
Titigil na ako sa pagmamahal sayo.
-Tandang Fiona