Chapter 33: I'll miss you :'(

318 1 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! Btw, sorry nga pala kung super crowded pagdating dito ah... ung tipong siksikan mga words, haha! Sa word kasi ako nagta-type and di ako mahilig sa maraming spaces, kasi i am used na matipid sa paggamit ng pages eh... hahah! please forgive me... hehe! )

Kaith Torrez:

Ngayong araw na ito ang alis namin papuntang Palawan for LTS, kaya maaga akong nagising. Nag-usap kami ni Nick na siya raw susundo sa akin para ihatid ako. Matagal raw kasi kaming hindi magkikita kaya dapat magkita muna kami bago ako umalis.

Pagbaba ko, nakita ko na agad siya, nangangalikot ng photo album…

“Wag mo ngang tingnan yan! Nakakahiya!” agad akong lumapit sa kanya at kinuha agad yung photo album.

“Bakit? Ang cute mo nga eh. Haha!” so ano ibig sabihin ng tawa niyang iyan? Tss… pasaway talaga!

“Ready ka na ba? Tara alis na tayo.” Aya ko sa kanya habang binabalik yung photo album sa may ilalim ng table.

“Aalis na tayo?” malungkot niyang tanong. Ayan na naman siya. Nag-a-ala isip bata na naman.

“Yup. Let’s go.” Sagot ko naman.

Tumayo siya tapos niyakap niya ako.

“Wag muna. Dito ka muna. Please?” nag-nod na lang ako.

“Teka, may naalala ako. Ngayon ang audition mo diba? Are you ready?” kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pero hawak niya dalawang kamay ko. Umiling lang siya.

“Oh, bakit?” tanong ko sa kanya

“Wala ka eh. Walang magbibigay ng moral support.” Naka-pout niyang sagot. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at hinawakan ang kamay niya.

“Napag-usapan na natin ito diba? Isipin mo na pinapanuod kita.” Nag-smile ako sa kanya.

“Bebz, para kasing…” huminga siya ng malalim.

“Nick. Stop thinking that you can’t because you actually can! O sige ganito na lang, let’s make a deal okay?” napatingin bigla siya sa akin.

“Deal? Oh sige, ano?” lumukot ang noo niya. 

“Dapat matanggap ka sa audition, kasi if not, walang surprise from me. okay?” nag-thumbs up ako sa kanya.

“Ang daya naman nun bebz! Wag ganun.” Mabilis siyang umiling.

“Deal nga diba? Kailangan gawin mo ang best mo!” nag-smile ako sa kanya. and ayun, walang nagawa ang mokong, pumayag rin.

6:00am nasa school na kami, 6:30 kasi ang call time. Nandito kami ngayon sa may bleacher sa park kumakain ng breakfast, di pa raw kasi siya kumakain kaya ayun, namili kami ng sandwhich.

Habang kumakain siya, isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Hmm?” tanong ko sa kanya.

“Mamimiss kita.” Unconsciously, napa-smile ako, parang nagustuhan ko sinabi niya.

“Ano ka ba! 3 days lang naman akong wala eh. Actually, two days nga lang tayong hindi magkikita eh, kasi uuwi na ako ng 22 and I promised you that we will be together on that day di ba?” na-feel ko ang pag-nod niya.

“Kaso iba pa rin na nakikita kita eh.” Huminga siya ng malalim. I just held his chick with my hand.

“Don’t worry, I’ll call you often kapag walang masyadong ginagawa and pagkatapos na pagkatapos ng lecture, I’ll contact you immediately. Okay ba yun?” Inangat niya yung ulo niya at tumingin sa akin.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon