Ang buhay ni Vee Krisostomo

51 0 0
                                    


Lumaki si Vee Krisostomo ng hindi nakikilala ang kanyang mga magulang dahil laki siya sa bahay ampunan at walang kilala kahit na isang kamaganak, kaya ang mga nag alaga nalang sa kanya ay ang taga social workers, hindi nila ito nilagyan ng apelyido. Lumaki si Vee Krisostomo ng hindi masyadong nakikisalamuha sa mga ibang bata, habang sila ay nag lalaro ay walang nanghikayat kay Vee na makipagsalamuha sa kanya, kaya, hindi nito alam kung paano ba talaga maki salamuha, ngunit hindi pansin ni Vee, na meron pala na gustong makaibigan siya, kaso hindin din niya alam kung paano uumpisahan na kausapin si Vee Krisostomo. Isang araw habang naka upo lang si Vee sa may dulo at pinapanood ang ibang bata, nag lakas ng loob ang may gustong kumausap kay Vee, ngunit pabalik-balik ito at hindi makapag desisyon hanggang sa tuluyang mapansin na ni Vee ito. Dahan dahan lumapit at tinanong si Vee kung pwede ba na makiupo din siya sa tabi niya, ngunit nagsalita si Vee at naunang tanungin kung ano daw ba ang pangalan niya, ang kanyang pangalan daw ay Lalisa Manoban pero pwede din niya daw tawagin siya bilang Lisa na lang. Nagusap ang dalawa kahit medyo nahihiya sila sa isat-isa, lumipas ang ilang taon, sila ay naging matalik na magkaibigan, dumating na rin ang mga taong nanghuhusga sa kanila, sinasabihan ng panget daw sila, at wala daw silang magulang, pero hindi na lang ito pinapansin ng dalawa. Sabay silang nag-aral at natuto kung paano maging marangal na tao. Maka lipas ang ilan pang mga taon, nagkaroon sila ng trabaho sa edad na dalawangpu, nag katuluyan silangdalawa at nanirahan sa isang bubong kasama ang dalawa nilang anak, ang kanilang mga anak ay sila Jeanii at Kusho. Namuhay sila ng mapayapa at noong tumanda na ang dalawa, ang kanilang dawalang anak ay nagkaroon na ng trabaho, nagkaroon din ng sariling bahay and kanilang mga anak, kaya silang dalawa nalang ang natira. Makalipas ng sampung taon, animnaputwalo nasi Vee at walangputlima nasi Lisa, unang kumabilang buhay si Lisa dahil sa pagkatanda, at naalala nanaman muli ni Vee ang nakaraan niya noong bata pa siya. Minsan ang isang tao kahit mag mahal yan o matuto sabuhay, sa huli ay laging maaalala niya parin ang nakaraan.

Ang Lalaking laging nag iisaWhere stories live. Discover now