Ikalabing-siyam na Pahina

42.2K 1K 151
                                    

Slightly R-18. Read at your own risk.

IKALABING-SIYAM NA PAHINA

"Ma'am, nandito na po tayo sa ospital." Aligaga niya akong tinulungan para makababa.

Mariin akong napapikit. No. Hindi ako buntis. Gutom lang talaga ako dahil ilang araw na akong nagda-diet. Tama! 'Yun nga 'yun. Si Ateng cashier kasi, buntis agad, hindi ba pwedeng nag-diet lang tapos nagutom, ganern?

Ngumiti ako ay Mang Kardo. "Punta na po tayong office, Mang Kardo. Wala naman po akong sakit eh." I gave him a assuring smile.

"Sigurado po kayo, Ma'am? Aba'y putlang-putla kayo kanina." Mababakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.

Nag-thumbs ako at sumakay ulit sa kotse. "Nasobrahan lang po ako ng kain kanina kaya ako nagsuka. Baka nabigla lang po ang tiyan ko kaya ganun."

Napipilitang sumakay si Mang Kardo. Halata pa rin sa mukha niya na gusto niya akong dalhin sa loob ng ospital.

I sighed. Mabilis kong tinanggal sa isipan ko ang sinabi nang Ate'ng na 'yun. Impossible ang sinasabi niya para sa akin.

Napakamot ako ng ulo. Well, hindi ko talaga alam if they do 'it' inside me or nilalabas nila. Masyado akong darang sa sitwasyon na kinalalagakan ko at nakalimutan ko ang mga detalye na nangyayari sa paligid ko. Basta, kapag ginagawa namin 'yun ay lunod na lunod lang ako.

Napahagikgik ako. Bigla ko tuloy namiss 'yung kambal. Ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita pero parang isang daang libo ko ng hindi nasisilayan ang kanilang gandang lalaki.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ang kambal. Copy paste lang ang text ko. Kung ano ang mensahe ko kay Tyler ay ganoon din kay Tyron.

To: Tybabes; Tybeybe

Hi, jowa kho! Amissyuuu! *cry emoticon* Isang gabi ko kayong hindi makakasama sa kama, mamimiss kayo ni puks ahihihi. Ingat kayo diyan, huwag mambabae. Puputulan ko si mighty eagle kahit na nanghihinayang ako. I love youuu! *hugs and kisses*

Natawa ako sa text ko sa kanilang dalawa. Hindi naman sila agad makakapag-reply dahil siguradong nasa langit sila at nagba-biyahe.

Panakanakang nagnanakaw ng sulyap sa akin si Mang Kardo. Mukha talaga siyang kinakabahan sa nangyari sa akin kanina.

Nang makarating kami sa kumpanya ay dumiretso agad ako sa office para mag-trabaho. Tinapos ko na lahat at nilagay sa flash drive. Natuto na ang Ate mo. Nagse-save na ako sa dalawang usb na dala ko.

Pinrint ko na rin ang mga ito para kung kailangan nang head ay hindi ko na kailangang umakyat ulit.

Napatingin ako sa orasan at nakita na malapit na ang lunch break. Tinawagan ko si Mang Kardo.

"Hi, Mang Kardo!" Energetic na bati ko. "Pwede po bang paki-akyat ang mga binili natin sa Jollibee?"

"Sige, Ma'am. Mga ten minutes nandiyan na po."

Pagbaba niya ay hindi nawala ang ningning ng mata ko. Oh, Jollibee! Ang aking pinakamamahal.

Excited akong lumabas sa office ng kambal. Nakita ko sila sa pwesto nila. Dalawa na kasi ang EA nila dahil nasabi ko sa kanilang noong unang linggo na naawa na ako doon sa una nilang assistant. Siya lang kasi ang gumagawa nang lahat.

Binati ko sila at binigyan ng aking pang-Miss Universe na smile. "Baba muna ako huh? Magpapasa ako ng mga documents sa head ng accounting dept. Pag pumunta si Mang Kardo, pwedeng papasok na lang 'yung mga pinadala ko?"

Nakangiti silang tumango. "Sige, Miss Chienne.."

"Ay naku, huwag na ngang Miss. Chienne na lang. Wala naman dito sina Tyron at Tyler kaya oks lang yan." Nag-thumps up pa ako sa kanila. "Tsaka mag-break na kayo niyan. Tapos huwag muna kayong papasok agad. Pakabusog kayo."

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon