"Vreeeeeeeeeeee!" sigaw nitong kasama ko. Badtrip to. Ang ingay! Bigla bigla na lang sumisigaw!
"Ano ba yun?! Can you please don't shout? Hindi ako binge!" sabi ko. Tsk! Busy kasi ako. Gumagawa ako ng assignments ko eh. Haynako. Ba't ba kasi nandito to sa bahay namin ~.~
"Vree, free ka ba sa sunday?" tanong niya. BTW, sya pala si Reign.
"Busy ako!"
"Vree, sige na. I know you want to know the news. At pangarap mo to. Kaya kung busy ka sa Sunday, at nalaman mo tong news ko for you, magbabago isip mong busy ka sa araw na yun" pangungumbinse niya.
"Tsk. Ano ba kasi yan?"
"Our university. Naghahanap ng court-side photographer para sa laban ng basketball ng university natin. Nagkataong may fieldtrip ang mga in-charge at naghahanap sila ng pansamantalang papalit kahit isa lang. Meron na din kasing isa na pumayag eh. Kailangan kasi dalawa. So ano? I know you really want to watch basketball live. And, free entrance, food, refreshments, and service papunta dun." pag-e-explain niya.
Teka?! Ibig ba niyang sabihin.....
"WHAT?! Cassey?! Bakit hindi mo kaagad sinabi! Handa na ko! Anong oras ba yan?"
"See, I knew it. You really want. 2pm. May magsusundo sayo dito sa bahay niyo ng mga 1pm."
"Wait, baka hindi ako payagan nila Daddy."
"Tito Vince? Ako na bahala dun. Kelan pa ba ako sumablay kay Tito at Tita?" pagmamayabang niya. Well, sa bagay. Kapag siya nagpapaalam pinapayagan kaagad ako. Pero may mga 3-4 questions lang. Madalas... With whom? What time? Where? What you will do? Hindi pa naman ako nagsisinungaling sa Mommy and Daddy ko. I really love my parents. Masyadong mababait parents ko pero istrikto masyado pagdating sa grades.
"Sino ba kalaban ng Wilford?"
"Sila kuya mo. Sila Kurt."
"The Cardinals?! Xavier Technological University?!"
"Opo, so ano? Tatawagan ko na ba si Tito at Tita para ipagpaalam ka?"
"SURE!"
By the way, magbibigay lang ako ng konteng info about myself.....
I'm Alianna Viericha M. Alcantara (a-li-ya na vi-ye-ri-ca) VREE ang tawag sakin. 1st year college pa lang ako. Pre-Dentist sa isang sikat na university.... Wilford University. 16years old pa lang ako. My parents are Aleah Monzon-Alcantara and Vince Alcantara. Family namin ang may-ari ng A Pacific Airlines. May kapatid ako. 17 years old at malang siya ang panganay ~.~ haha. Si kuya Aldrich Kurt M. Alcantara, one of the basketball varsities of their university..... Xavier Technological University. 2nd year pa lang siya and he's taking Architecture. HINDI PA KO NAGKAKA-BOYFRIEND. Ito ang description nila sakin... Maputi, Matalino, Maganda, Matangos ilong, Medyo mataba pisnge, Sweet, Friendly, Mabait, Galante, and Humble. Sabi lang NILA yun.
Its my dream na makapanood ng live na basketball game. Hindi pa kasi ako pinapayagan nila Daddy dati na manood eh. Syempre high school pa lang daw ako. Siguro naman ngayong college na ko pwede na? Have a break naman muna sa pag-aaral. Hehe
I'm a fan of basketball. And yes, nagpapaturo ako kay kuya how to play that kind of game since I was 1st year high school. I always watch Kuya Kurt's game with some of his friends here sa bahay. Pero dalawang beses lang yun kasi palaging dun sila sa classmate nila naglalaro. May half court kasi dito sa bahay namin, sa may garage ni Daddy. My Dad is a player din kasi when we was at our age. Hindi niya lang pinagpatuloy dahil sa company namin. I always watch PBA kahit TV lang. Dami kong Idol dun. Haist... Thanks to Cassey Reign Montemayor for the news. She's my bestfriend since gradeschool days. Parehas kaming sa Wilford pero magkaiba kami ng course. Magsawa naman kami sa mukha namin diba?! Haha. She knows many things about me. Pero hindi ko naman kailangan ikwento sa kaniya right? Yay! Mapapanood ko na ng live si Kuya Kurt maglaro :'>
BINABASA MO ANG
Captured MVP
Teen FictionIsang unexpected na pangyayare ang naganap. Unexpected na makilala siya. Unexpected na makasama mo siya sa lugar na yun. At unexpected na magkagusto kayo sa isa't isa. Until one day, may isang nagsabi sa kanilang dalawa ng... "You're the one who cap...