HI.. to you people, by the way i'm nine.. and this will be my first time to write a story so i'm hoping that you'd give my story a chance.. though i know that this wont be perfect.. but please just please try reading it, i know you'll find it interesting on the way...
THANKS IN ADVANCE IN TRYING...
SAKA NGA PALA TAGALOG PO ITO.. BAKIT BA AKO NAG-E-ENGLISH NAKAKALOKA.. ;)
PROLOGE
JARED POV
" TING-NINING.. TING-NINING.. TING-NI-NINING..." Tunog ng bell na hudyat na tapos na ang klase sa mga oras na yun, at lunch break na.
" Okay class dismiss.. we'll meet again tommorrow , don't forget your assignments ,, okay" Pagtatapos ng english teacher nila.
" Yes, Mrs. Baco.." Sagot ng karamihan saka nagtayuan na para mananghalian.
Tumayo ang isa nyang kakalase nilapitan sya at tinapik sa balikat.
"Yo, brad. Tara lunch na tayo.." yaya nito
"sige sandali lang.." sagot naman nya..
"san ba tayo kakain fred? sa labas o sa coop nalang..?" tanong nya rito habang naglalakad sila sa pasilyo..
"hmmnn.. sa labas na lang brad mas mura ang mga karenderya doon eh.."
Napangisi sya at nilingon ito, " Napaka kuripot mo talaga kahit kailan.. " tumatawa nyang turan..
Ngumisi rin ito, " Hindi naman nagtitipid lang para may pang date mamaya.." Turan naman nito na nakataas ang mga kilay..
Mas lalong lumakas ang halakhak nya.. " At sino naman ang kawawang babaeng nahulog nanaman sa kamandag mo? at duda ko dadalhin mo lang naman sya sa isang boring na park at pakakainin ng fish ball at kwek-kwek at kong ano mang street food ang nandon sa kakuripotan mo.. " tumatawa nya sabi..
Sumimangot ito at tiningnaan sya ng masama " eh, ano naman, dapat naman talaga ang ganon dahil nasa first base pa kami ang getting to know each other ba kong baga.. "Depensa naman nito.
Napailing nalang si Jared sa kaibigan nya.. " Ewan ko sayo.. kaya nga hindi na ako nagtataka na walang nakakatagal sayong mga girlfriend dahil dyan sa kakuripotan mo.."
Bumontong hininga ito nakayukong sinabi " Bahala sila kong ayaw nila sakin maraming namang babae dyan.. kong ayaw nila sa akin ayaw ko rin sa kanila.." Malongkot na pahayag nito. Nakakailang girlfriend na nga ito kong iisipin para lamang itong nagpapalit ng damit sa pa iba ibang syota nito every week.. At aakalain mong playboy sya kaya nga lang, sya ang playboy na iniiwan at hindi ang nang iiwan.
Tinapik nya ito sa balikat nagpapakita na sinosuportahan nya ito.. " Tama nga.. Ganyan nga Fred, makikita mo rin yung para sayo.. tara ikain mo na kang yan.."
~~~~~~***~~~~~***~~~~~***~~~~~***~~~~~***~~~~~***~~~~~***~~~~~***~~~~~***
Pagkatpos mananghalian ay nagmamadaling nag paalan na sya kay fred dahil may nakalimotan syang assignment sa history class nya napaka terror pa nma nung techear nya parang tigre kong magalit at ayaw nyang masuspended sa klase sa loob ng 1 week nakakapagod kayang haboling ang klase nya.. at kailangan pang sya ang habolin mo.. Sa pag mamadali nya hindi na nya napansin na may papunta rin sa gawi nya at sa biglang pagliko nya ay may nabangga syang isang malambot at maliit na bagay. ng yukuin nya ito hindi pala ito isang bagay kundi isang maliit na babae, kong hindi lang nito soot ang logo at uniform ng school nila aakalain nyang elementary student pa ito. sa taas ba naman nya 5'9 mukha talaga itong maliit na bata kong itatabi sa kanya.
"Ooooiiyyy.... Tanghaling tapat nagbabaggaan kayo..."
Tudyo naman ng isang guro dahil sa harap pa talaga sila ng Faculty room nagkabanggaan.. Ng yukuin nya ulit ang maliit na babaeng nabagga nya nagulat sa sa kagandahan nito kahit na may kaliitan ang taas nito hindi mo maikakaila ang ang makinis at hugis puso nitong mukha.. bumagay rito and kulay chocolate at hugis almond nitong mga mata, na tinernuhan ng maliit pero matangos nitong ilong at pouty pink lips n sa tingin nya ay hindi pa nakakatikim ng halik.. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya habang pinag mamasdan ang mga labi nito.. lalu na nung bumukas ito at pumurma ng mga salita na hindi nya naririnig parang may malakas na pwersa ang pumipigil sa kanyang pandinig o dahil nabibingi sya sa lakas ng pagtibok ng puso nya. nagising lang sya sa pag dedaydream nya ng pitikin nito ang mga daliri sa harapan ng mukha nya at napatingin sa magdang mga mata nito.. saka lang bumalik sa normal ang pandinig nya pero hindi ang pagtibok ng puso nya..
"Ano ba! Buong maghapon ka bang tatanga dyan? bahala ka kong gusto mo tumunganga jan.. pero pwede bah paraain mo ako.. higante.. paharag harang sa daan.. " Singhal nito sa kanya.
Napakurap sya sa mga sinabi nito at napalingon sa kaliwa at kanan.. sya ba ang tinatawag nitong higante?! ibiinalik nya ang tinigin dito at kinunutan ng noo..
"Akko ba ang tinatawag mong higante? " nakakunot noong tanong nya dito..
""Eh, sino pa ba ang kaharap ko ngayun? di ba ikaw .." mataray naman nitong turan at ipinag cross ang mga braho sa dibdib..
Naningkit ang mga mata nyya sa sinabi nito.. Naniningkit ang mga mata at naka tiim bagang na mas nilapitan nya ito, humakbang naman ito paatras..
" Hindi ako Higante... tabi nga dyan dewende.. tabi-tabi po.. " nang aasar nyang bawi rito saka ito pinatabi gamit ang braso nya..
Napasinghap naman ito at napilitang tumabi sa pagtabig ng braso nya..
"Aba't .. hoy higante hindi pa tayo tapos..!! " sigaw naman nito sa kanya..
Nilingo nya ito pero patuloy parin sa paglalakad.. " Pasensya na dewende.. may pupuntahan pa ako.. bisitahin nalang kita sa punsod mo.." nakangisi nya ng sabi rito.
Mas lalo pa syang napangisi ng marinig nya itong sumigaw..
" HINDI AKO DEWENDE AT WALA AKO PUNSOD.. BWESIT NA HIGANTE..!! " At nagpatuloy na ito sa paglalakad na naka kuyom ang mga kamay..
Nakangisi syang napailing, saka sinulyapan ang kanyang relo.. Crap! masyado na syang late siiguradong detensyon ang aabutin nya nito dahil sa napaka gandang dewende na yun, napabuntong hininga na lamang sya.. at ipinag patuloy ang paglalakad.