*Ashrey's POV*
"Ate! Huhuhuhu. Bakit naman kasi best friend ko pa?!"
Dinig na dinig ko ang hagulgol ni Charie sa labas pa lang ng kwarto nya.
Nung makita ako ng ate nya na nakatayo sa may pintuan, sumenyas ako ng "Pwede-pumasok?"-look. Tapos tumango naman sya.
"Oh, Ash. Ikaw na muna ang bahala sa kapatid ko ha? Alagaan mo muna. May shoot kasi ako ngayon. Tsaka may pagkain sa ref, kumuha ka lang. :)"
"Sige po."
Umalis na ang ate ni Charie. Matagal na kaming magkakilala ng ate nya. Napupunta kasi siya sa Korea noon tapos family friends kaya ayun.
"Charie... Kumusta ka na? 3 days absent ka na ah."
Tiningnan nya lang ako tapos
"Uwaaaaa!" Umiyak na naman sya >:) Takte!
"Sshh.. Tama na nga yan. Sayang lang yung luha mo eh." Hinagod ko sya sa likod nya. Nakahiga sya, nakatagilid na nakaharap sakin. Katabi nya ang mga tissue na ginamit nya na at yung box na may laman pang tissue.
Makikita mo sa mata nya na grabe ang pag-iyak. Namumugto, namumula yung mata nya. Magulo ang buhok pero maganda pa rin >///<
"Ash naman kasi! Bakit ka pa pumunta dito?"
"Eh... kasi... nag-aalala na ako >///<" Boom. Namula ako at napayuko nalang.
"Si... Lois. Waaaaaa! Huhuhu!" Tsk. Si Lois.
Pinaiyak nya ang pinakamamahal ko? Tsk!
"Ano ba Charie, walang magagawa ang pag-iyak mo."
"Sorry. Kung naiirita ka, umalis ka nalang. Huhuhu."
=________=
Papaalisin pa ako?! Eto na nga ako oh! Nag effort akong pumunta dito para damayan ka tapos ipagtatabuyan lang ako?
Concerned citizen lang ho! :3
"Hindi. Kung si Lois lang naman ang iniiyakan mo, walang kwenta naman yun."
Natigil sya sa pag-iyak at tiningnan ako. Uh-oh? >:)
"Walang kwenta? Bakit Ash?! Alam mo ba kung ano yung nangyari? Alam mo ba kung bakit? May alam ka ba?"
Napatungo ako. Nahiya ako konti dun ah.
"W-wala. Sorry."
Oo. Wala akong alam kung bakit sya nagkakaganyan. Simula nung birthday ni Lois, wala na syang paramdam. Ang tamlay nya pagkatapos ng araw na yon. Tapos absent ng tatlong araw at madadatnan ko nalang bigla na umiiyak dito. Bakit nga ba?
"Charie, bakit? Ano palang nangyari?"
Mas mabuti nang ako ang magtanong diba? Oo Ash. Mabuti yan :D
"Si Lois." Si Lois nga, sabi ko. Kanina pa Lois ng Lois! -______- Ash naman pwede? XD
"Umamin sya na mahal nya ako. Hindi lang daw best friend ang turing nya sakin. Hindi nya daw mahal si Brenna at napilitan lang sya na maging boyfriend nito."
Matamlay yung tono ng boses nya. Humihikbi hikbi pa sya ng konti nun.
Sinasabi ko na nga ba! Pinaglalaruan nya lang ang feelings ni Brenna! Humanda ka talaga sakin Lois! Gigilitan kita ng leeg!
BINABASA MO ANG
He's MY FUTURE ARCHITECT [On Hold]
Novela JuvenilHi! Ako si Charie. Isang magandang nilalang na mahilig magkwento and mahilig mag ---- Ooops wag kayong green. ;) Mahirap mainlove sa isang tao lalo na kung dalawa kayo ng bestfriend mo ang inlove sa kanya. Madaling pumili pero mahirap panindigan ang...