YOU BRING ME BACK TO LIFE

1.2K 49 9
                                    

" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER NINE

Sa  ilang buwan  pagkawala ng dalawang taong mahalaga sa  buhay niya'y wala na siyang inatupag kundi ang paglalasing. Kung  sa mga naunang linggo ng pagkawala ni Amanda at ang baby nito ay pumapasok  pa siya kahit bihira pero hindi naglaon tuluyan  na itong tumigil sa  trabaho. Kaya't muling nakiusap  ang mag-asawa kay  BC para kausapin ito. Maski  ang mag-asawang Ralph Raven I at Princess Hanxi ay  nawawalan na rin ng pag-asa lalo at tinutulugan  lamang ng binata ( Angelo )ang mga ito sa tuwing dumadalaw ang mga ito.

" I lie every day with this damn smile! And I'm sick and tired of it already. I'm not okay!" umiiyak  na  aniya  ni Angelo sa  pinsan  niyang si BC ng minsan ay dinalaw siya nito sa  kanilang tahanan.

" Insan nauuwaan kita sa  bagay na iyan dahil minsan ko na ring naranasan nalayo  sa taong mahal ko. Masakit oo pero kailangan nating  tanggapin lalo na ikaw sorry to tell you pero wala  na ang nobya  mo kailanman  ay hindi na babalik pa samantalang  ako ay  bumalik silang mag-ina after seven long  conservatives  years. Bumangon  ka  insan huwag  mong patayin ang sarili mo dahil kung  nakikita ka ng nobya  mo ay  hindi iyun matutuwa. Look your killing yourself  at all." pangaral  ni BC.

Pero para sa isang lasing ay  walang silbi ang pangaral dahil imbes na makinig ito ay ang sintemyento ang nasa isip.

" I-I'm  trying  to do everything but I can't stop myself. I don't even understand why do I suddenly feeling like crying. I even love   to be alone and I don't have to pretend I'm okay now. So many unsaid words, so many questions, so many answers. My mind is screwing up all departments in my brain by enjoying a roller coaster of depressed thoughts! Hindi ko alam kung paano ang lumimot  insan dahil kahit saan ako tumingin ay  ang masayang ala-ala namin ang nakikita ko." sagot nito kasabay ng paglagok nito sa laman ng basong hawak nito.

Tuloy, hindi alam ni BC kung ano at paano muli susundan  ang sinasabi dahil nadadala siya sa  emosyun  ng pinsan niya.

" Tama na iyan insan hindi sulosyon  ang paglalasing  mo. Kung talagang gusto mong ayusin ang buhay mo'y  simulan  mo sa iyong sarili. Alam kung hindi madali pero kung desidido  ka ay  mapagtatagumpayan  mo iyan insan. Gaya nga ng kasabihan  na do your best and God will do the rest." pangaral  ni BC pero lumipas ang ilang minuto ang nakalipas na wala itong sagot.

" Pambihira naman ang taong ito sa hinaba-haba  ng sinabi ko nanghihilik  na pala." bulong  ni BC sabay tampal  sa  kanyang  noo  dahil  mahimbing na pala  itong natutulog.


Pero hindi doon nagtatapos  ang lahat dahil halos araw-araw itong nasasangkot sa gulo mabuti  sana kung dinidipensahan sarili pero hindi  dahil hinahayaan lang nito na saktan siya ng mga taong walang modo  at halang ang kaluluwa.

" Diyos ko ano ba naman iyan anak nagpapakamatay ka na  ba? " madalas ngang sabihin  ng ama  nito.

" How I wish mommy. Dahil hindi  ko alam kung paano ko sisimulan  ang buhay ko na wala siya." tugon  pa nito.

" Anak  naman eh si  Amanda na lang ba ang mahalaga sa  iyo?  Hindi mo na ba kami mahal  ng mommy  mo? Your younger sister,  your cousins , your grandma and grandpa. Son wake up I know it's  hard pero parang awa mo na anak." sa awa  na nararamdaman marahil  ng ama nito ay hindi na nito napigilan ang pagpatak  ng luha sa mismong harapan ng asawa't anak.

Kagaya ng dati ay  wala silang nakuhang sagot mula dito. Ang kaibahan  nga lamang  ay  hindi  ito lasing ng panahong iyun. Iyun nga lamang ay nasa pamagamutan ito dahil na rin sa tinamong sakit ng katawan.

YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon