Bella.
"Sinabi ng hindi ako ang nagnakaw ng bag na to!" Sigaw ng matandang lalaki habang hawak hawak sya ng mga pulis at hawak din ang isang maliit na bag na itim. "Iniabot lang to sakin nung lalaking tumatakbo!"
Nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag habang inaakay ng mga pulis papunta sa patrol.
Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang isang lalaking nasa tabi ng isang gusali habang nakatingin din sa mga nangyayari.
Ninenerbyos man ako, lumapit ako sa lalaking yun.
"B-bakit?" Sabi nitong nakatingin sakin pagkalapit ko sa kanya.
"Akina yung kinuha mo dun sa bag na itim." Diretsong sabi ko.
"H-ha?" Lumunok ito. "Wala akong kinuha."
"Wala kang kinuha?" Napangiti ako. Dumukot ako sa bulsa ng jacket nya at nakakuha ako ng wallet.
"Ano to?" Winagayway ko pa ang wallet sa mukha nya.
"Akin yan." Paliwanag ng magnanakaw.
"Kalalaki mong tao magwawallet ka ng Hello Kitty?"
"Sabi ng akin yan!" Sigaw nito sabay kuha ng wallet sa kamay ko at saka tumakbo. Sa kasamaang palad nahila ko ang hood ng jacket nya dahilan para mabitawan nya ang wallet.
"Ayun ang wallet ko!" Sigaw ng babaeng nakatingin sa kinaroroonan namin.
"So kayo ang magnanakaw?"
Mula kung saan may lumitaw na lalaking matangkad. Medyo mahaba ang mukha. Malapad ang mga balikat. At GWAPO!
Nagkatinginan kami ng lalaking magnanakaw dahil nakahawak padin ako sa hood ng jacket nya.
Hinampas nito ng malakas ang kamay ko dahilan para mabitawan ko sya at makatakbo sya. Hindi ko na pinansin ang gwapong lalaki. Kinuha ko na agad ang wallet na nalaglag at mabilis na iniabot iyon sa babae at tumakbo muli para habulin ang magnanakaw.
Sa tulong ng mga pulis ay naabutan naman agad namin ito.
"Iha, maraming salamat sa tulong mo." Sabi sakin ng matandang lalaki na nakaposas padin.
"Okay lang po ba kayo, Lo?" Sabi ko habang tinitingnan ko ang kabuuan nya. May pasa ito sa braso siguro dahil na din sa paghila sa kanya ng mga pulis.
"Sigurado ka ba na hindi ka kasabwat nung magnanakaw na yun?" Mula sa likod ko ay may nagsalita. Isang pamilyar na boses.
Lumingon ako. Napalunok. Saka umubo ng mahina.
"Gusto mo ba ng police records ko?" Balik tanong ko sa preskong lalaking kaharap ko.
"Bakit mo kasama yung magnanakaw? Paano mo nalaman na magnanakaw yun? At paano mo nalaman kung saan sya nagpunta?" Sunod sunod ma tanong nya.
"Hijo, tama na. Tinulungan na nga nya tayo. Nakuha mo pang magalit sa kanya." Sabat naman ng matanda. Bumaling ito sakin. "Ano ba ang pangalan mo Hija?"
"Abella Charlette Garcia po. In short Bella." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ah Bella," Ngumiti ito sakin. "Pagpasensyahan mo na ang ugali nitong apo ko. Masyadong bugnutin, palibhasa walang gelpren."
"Lo!" Saway naman nung isa. Tumingin to sakin. "Bakit ka natawa?"
"S-sinong natawa?" Pigil halakhak na sabi ko. Bumaling ako sa kamay ng matanda at hiniram sa pulis ang susi ng posas. Ako na mismo ang nagtanggal nito.
"Salamat Hija. Kami ay aalis na." Paalam ng matanda.
Yung isa? Walang pakialam. Sumakay lang sa kotse at umalis pagkasakay ng Lolo nya.
Di manlang nagpasalamat kahit pabulong! Hmp!
--
"Bakit ka late?" Salubong ng katrabaho kong si Louise. "Ang daming pasyente. May aksidente sa malapit sa inyo ah."
Napatingin ako sa may emergency room. Madami ngang tao.
"Tara na!" Yaya ko sa katrabaho ko. Tutulong na kami sa emergency room.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang papalapit sa ER. Matagal na naman akong nurse at labas masok doon. Pero ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito.
Pagkapasok ko sa ER. Madaming sugatan. Madaming umiiyak.
May kumalabit saking batang sugatan. Pero mababaw lang naman ang mga sugat nya. Mukhang nagamot na din ang mga ito.
"Nurse, nurse. Tulungan mo po si lolo. Hindi po nagising eh." Maluha luhang sabi nito.
"O-oo. Sige." Nginitian ko ang bata. At tumungo sa kinaroroonan ng lolong tinutukoy nya.
Pagkarating ko doon. Napakapit ako sa dingding. Pakiramdam ko anumang oras babagsak ako. Sobrang nanginginig ang mga tuhod ko.
Lumapit ako ng dahan dahan at hindi kumukurap sa higaan nya.
"Tatay!" Sigaw ko saka ako umiyak.
Pero dahil isa akong nurse pinilit ko magpakakalma. Pinulsuhan ko sya. Mahina na ito.Tumakbo ako patungo sa doktor na papalapit na samin.
"Dok! Yung tatay ko po.. If okay lang po pauna.. Mahina na po pulso nya." Pilit kumakalma na sabi ko.
Dahil papagalitan ako nito pag nahalatang ninenerbyos ako.Tumango ito at tumungo sa kinaroroonan ni Tatay.
Pinilit kong labanan ang kaba ko at sumunod na din sa doktor.--
Nasa labas ako ng hospital para bumili ng mga gamot na out of stock sa pharmacy ng hospital nang makita ako ng isang pulis.
"Bella!" Tawag nito sakin.
Tumigil ako sa paglalakad.
"Rey!" Ngumiti ako.
"Kamusta ang pinapabantayan sayo ni Mayor?"
"Hindi ko pa maasikaso yun ngayon. Nasa ospital si Tatay."
"100,000 reward mo dun. Tandaan mo." Sabi nito sabay umalis.
Oo. Gusto ko ng pera. Dahil kailangan gumaling ang tatay.
Pero hindi muna ngayon.. Walang ibang magbabantay sa kanya kundi ako.
Kami nalang dalawa ang magkasama. Lolo ko sya pero dahil sa kanya ako lumaki, Tatay na din ang tawag ko sa kanya gaya ng tawag ni Mama dati.--
Third Person.Mula sa kinaroroonan ng kotse ng isang mayaman na negosyante na si Mr. Kim ay napansin nya ang babaeng tumulong sa kanya habang dinadakip sya kanina ng mga pulis dahil napagkamalan siyang magnanakaw.
"Alamin mo ang pagkatao ng babaeng yun." Utos nya sa kanyang kanang kamay at pamangkin na si Yavin.
"Yes, Uncle." Narinig nyang sagot nito.
--
Hi Army and Readers!
See you on next chapter :)
BINABASA MO ANG
Me Minus You, Cannot Be One.
RomancePreskong boss? Madalas suplado? Gusto ni Bella perfect eh yung tipong mabait lalo na sa babae! Pero bakit ganon.. Bakit parang.. Naiinlove sya.. ♥