Romance Dream

109 0 0
                                    

First Encounter

Nagsusulat si Alison sa journal nya isang araw sa may coffee shop, may mga upuan sa labas nito. Tuwing pupunta sya doon ay sa labas lagi sya umupo kasi gustong-gusto nya ang simoy ng hangin. 

Pinunit nya yung isang page na yun at inipit nya ng lagayan ng creamer pero biglang hinangin ito. Nang kukunin nya nung lumipad ay may nakapulot na isang lalaking nakasuot ng jacket na may blue t-shirt sa loob, pantalon at sneakers na white.

Nung unang pagkikita pa lang nila ay may atraksyon sila sa bawat isa, parang may slow motion na hindi ma-explain yung pakiramdam na yun.

"May nawawala ba sayo?" tanong ng lalaking nakangiti habang hawak nya yung isang page.

"Yeah, isang page ng journal ko, nagsusulat ako ng malungkot na memories na nangyari sa akin" nahihiyang pagkakasabi ni Alison.

"So hindi pwede mabasa to kasi it's your journal." 

Natawa si Alison at sinabi nya sa lalaki na "Hindi ka tipo ng lalaking nagbabasa ng journal ng iba so it's safe."

"Lalo akong naintriga tungkol sayo." sabi nung lalaki.

Kinuha ni Alison yung page na yun sa kamay nung lalaki. Medyo nahawakan nya yung kamay at may naramdaman syang electricity sa buo nyang katawan. "Thank you." sambit nya.

Nagkatitigan silang pareho at nakipagkilala sa isat-isa.

" I'm Alison,"

"I'm Xander,"

Bumalik na si Alison sa coffee shop kung saan sya nakaupo kanina. At si Xander naman ay umalis na rin. 

+ Flashback +

After two days nagkita ulit sila Alison at Xander. As usual they felt attraction towards each other. Niyaya ni Xander si Alison na manuod ng sine. Napagkasunduan nilang magkita na lang sa Robinson Galleria.

+ End of Flashback +

--------------------------------------------

Date Thing

Hinatid sa bahay si Alison ni Xander pagkatapos nilang manuod ng sine. 

"Mukhang hindi ka nagandahan sa pinanuod natin huh!"

"Gusto ko sya kaya lang hindi ako makaconcentrate sa movie." nahihiyang sabi ni Alison.

Natawa si Xander sa sinabi nyang yun. "Siguro sa susunod baka makaconcentrate ka na."

Napatigil sila nang biglang sabay silang nag-aya ng dinner sa susunod. Yumuko si Alison bilang pag sang-ayon.

Hahalikan na sana ni Xander si Alison pero hindi natuloy kasi biglang bumukas yung ilaw ng bahay nila Alison.

"Inintay siguro ako ng papa ko." nasabi na lang ni Alison.

"I'm looking forward to dinner and good night." huling sabi ni Xander.

Nang makauwi na si Xander ay tinawagan nya si Alison.

"Hi," unang sabi ni Xander.

"Hello! so," si Alison.

"I just want to know if you're okay."

"Yan lang ba talaga dahilan kaya tumawag ka?" tanong ni Alison habang  nilalaro nya yung dulo ng buhok nya.

"Well, about the dinner... Are you free on Saturday at  7:00pm?"

"Well, let me check my schedule first." panloloko na sabi ni Alison.

"Ouch!" pa-lokong rin sabi ni Xander.

Pagkatapos nila mag-usap pareho silang hindi makatulog at napapangiti ng walang dahilan.

***to be continued***

--------------------------------------------

Moments

Dahil mamayang gabi ang dinner date nila Alison at Xander kaya abala si Alison sa paghahanap ng susuotin.

"Argh, hindi ko alam kung anong susuotin ko!" kausap ni Alison ang best friend nyang si Laura.

"Let me help you. Gosh! Nahihilo na ako kakatingin sayo."

Habang naghahanap si Laura ng damit sa closet ni Alison ay hindi mapakali si Alison kahit na pangalawang beses na nilang lalabas ni Xander.

"Hindi ko alam kung bakit ako ganito Laura. Kapag naiisip ko si Xander may kung ano akong nararamdan na mahirap i-explain." 

"Found it!" excited na sabi ni Laura. "And that's LOVE, my dear!" pagpapatuloy pa nya.

Napangiti si Alison sa sinabing yon ni Laura.

Napili ni Laura yung color red tube dress above the knee,  paired with black high heels shoes. "Perfect!" sambit nya.

At 6:30pm, after ayusin ni Alison yung buhok at make-up nya dumating si Xander na nakasuot na black coat leather jacket, white polo with red necktie and black shoes.

Pagbaba ni Alison ng hagdan kung saan nag aantay si Xander ay napanganga sya at napasabing "Wow! You're so....gorgeous!"

Napangiti lang si Alison sabay hawak sa kamay ni Xander. At umalis na sila papunta sa restaurant kung saan nagpareserved ng dinner.

Nag-enjoy pareho sila Xander at Alison nang gabing yun. Mas lumalalim na ang pagkakakilala nila sa isat-isa. Mas naging open sila sa maraming bagay at nagbukas yun sa malalim na relasyon.

Tuwing magkasama silang dalawa parang wala ng tao sa paligid nila parang humihinto ang oras habang kapiling nila ang isat-isa.

--------------------------------------------

Reality

Habang nag aayos si Xander ng damit nya ay dumating si Alison.

"Boo!"

Nagulat si Xander dahil hindi nya akalain na biglang darating na si Alison. Usapan nila ay 8:00pm pa sila magkikita pero 7:00pm pa lang. Buti na lang ay naihanda na yung table at onting pagkain pero may kulang pa. Piniringan nya si Alison papuntang garden, sinigurado nyang walang makikita ito kaya tinanong nya muna kung ilan ang daliri ang kanyang pinapahulaan. Hindi tumama si Alison kaya siguradong wala nga syang nakikita.

Inalalayan nya papuntang garden at pagkaalis nya ng piring sa mata, may heart shape roses na nakalagay with candle light dinner doon.

Habang kumakain ng dinner ay biglang tumayo si Alison kaya hindi na nya napigilan. "Teka may kulang."

Pumunta sya sa kitchen para may kuhanin pero iba yung nakita nya.  Isang box na lalagyan ng singsing. Agad-agad syang tumakbo pabalik kay Xander at niyakap nya.

Hindi pa sya tinatanong ng katagang "Will You Marry Me?"

ay agad syang nagsabi ng YES!

--------------------------------------------

Pumasok yung tatlong bata na puro babae at yumakap kina Xander at Alison. Magkalapit yung mga mukha ni Xander at Alison hanggang tuluyang naglapat ang mga labi nila ng biglang nag alarm yung relo.

Tiktak tiktak tiktak....

Nagising si Alison mula sa kanyang kama. Napatingin sya sa buong kwarto nya, sya lang mag-isa. Doon nya napagtanto na panaginip lang pala ang lahat.

- THE END -

Author's Note

This story is based on The Vampire Diaries' episode. I just wrote this because of my referrences for a short story. So the idea of this story was not mine as well as written by myself. I just used different names instead of Elena and Stefan.  I'm really sorry.

 ,/゙ミヽ、,,___,,/゙ヽ

 i ノ   川 `ヽ'

 /     ◍         ◍ i ♡

  ;⊂⊃  ●     人   ●  ⊂⊃

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romance DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon