Hindi sinasadyang nagkita sila Sarah at Gerald sa mall, makalipas ang ilang araw na hindi nila pagkikta after mangyari sa kanilang dalawa.. pilit na umiwas si Sarah..
Sarah..! wait! pigil sa kanya ng binata..
Ano ba?! bitawan mo ng ako gerald..! pagpupumiglas ng dalaga
Mag usap muna tayo..
Tungkol saan??! wala naman tayong dapat pag-usapan pa.
Meron! yung nangyari saatin nung isang gabi..
Anong nangyari?! walang nangyari satin.! at hindi na natin dapat pag-usapan pa yun! bitawan mo nga ako! ano ba!!!
Merong nangyari sarah!! at dapat natin pag-usapan ang tungkol dun! dahil naguguluhan na ako sa nararamdaman ko!
halik lang yun gerald!! at hindi mo dapat bigyan ng malisya yun! dahil kahit kanino pwedeng ibigay yun!
Sarah... sarah mahal kita alam kong hindi tama pero mahal kita! ngayon alam ko na ang naramdaman mo nung mga panahon na ikaw nag nasa sitwasyon ko ngayon..
tumulo ang luha ni sarah habang sinasabi ni gerald ang bagay na yun, sinadya nyang tumalikod para hindi nito makita nag pagluha ng kanyang mga mata.
" bakit ngayon pa gerald, bakit ngayon pa kung kailan hindi na pwede! tanging nasabi na lang ni sarah..
pero mahal kita, at alam kong mahal mo parin ako..
Hindi! nagkakamali ka , hindi na kita mahal gerald! si carl na ang mahal ko ngayon. so sana gawin mo na lang din kung ano ang ginawa ko noon.
saktong pagbitaw ni gerald sa pagkakahawak sa kanyang kamay ay sakto namang pagdating ni carl..
Oh! hon, kanina pa kita hinahanap, nagtaka ito ng mapansing namumula ang mga mata ng kasintahan..
Are you okey hon??..
Yeah, napuwing kasi ako.. pagkakaila ng dalaga..
Ow.. okey so ? lets go? at saka lang nito napansin na andoon pala si gerald..
Oh, pare! andyan ka pala, kamusta??
oh pare! ok lang naman.. ikaw?
ito ok naman, masaya , alam mo naman kung bakit. saka ito ngumiti..
Ngumiti din si gerald dito.. mukha nga pare eh..
By the Way, san punta mo pare? gusto mo sumama mamasyal saamin?
Tumingin si gerald kay sarah.. A-ah. wag na pare, may lakad din kasi ako eh. enjoy na lang kayo..
Oh sige , mauna na kami pare..
Sige.. ingat kayo.. at tuluyan na ngang naghiwalay ang kanilang daan..
habang nasa sasakyan sina Sarah at Carl ay napansin nito na tahimik ang dalaga.
Are you okey hon?..
pero tila hindi sya naririnig nito..
Hon? at hinawakan nya ito sa braso..
H-huh?.. may sinasabi kaba?
Yeah.. kanina pa ako nagsasalita dito.. may problema ka ba ? kanina ka pa ganyan..
W-wala.. m-medyo sumama lang pakiramdam ko.. P-pwede bang umuwi na gad tayo hon? gusto ko na kasi magpahinga..
O-oh sige.. nang makapagpahinga kana..
........................
nakauwi na nang bahay si Sarah.. si Carl naman ay umuwi na rin agad pagkahatid nito sa kanya.
hindi mawala sa isipan ni Sarah ang mga nangyari kanina. hindi nya rin maintindihan ang nararamdaman nya.. para maiwasan ang stress minabuti ng dalaga na matulog na lamang.
si Gerald naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin, at kung papaano sasabihin kay kim na nagbago na ang nararamdaman nya, hindi nya alm kung kailan nagsimula pero isa lang ang alam nya, wala na syang nararamdaman para kay kim.
minabuting makipag-usap ng binata sa kasinatahan, tinawagan nya ito para makipag kita..
Hello babe?..
Hi babe.. sagot naman sa kabilang linya ni kim.. how are you??
Ahh babe, pwede ba tayong magkita ngayon, may sasabihin kasi ako sayo..
Ano ba yun? hindi ba pwedeng dito na mo na lang sabihin sa phone?
hindi pwede babe, kailangan personal natin itong pag-usapan..
Haays! ok..ok.. magkita tayo mamaya..
sige babe, salamat.. at nag paalam na ito..
sige bye.. iloveyou babe.. paalam ni kim sa binata..
Ok.. bye..
hindi mapakali si Gerald. nag iisip sya kung papaano nya uumpisahan ang sasabihin kay kim.. alam nyang masasaktan nya ang dalaga sa gagawin nito pero mas masasaktan ito pag pinatagal nya pa ang relasyon nila..
.......................
W-what??!!! nakikipag hiwalay ka sa akin??? gulat na gulat si kim sa mga narinig nya mula kay gerald..
K-kim.. ayokong saktan ka ... P-per....
pero ano??? hah gerald!! nasaktan mo na ako!! umiiyak na si kim habang naguusap sila ni gerald.
Im sorry.. pero tinatapos ko na ang lahat sa atin..