Chapter 6- The Kiss

7.4K 176 1
                                    

I'm broken again. And again parang mawawalan na naman ako ng pag-asa para kay Jessica. How could she choose her husband just because of the money?Naikuyom ko ang mga palad ko nang nabigla ako nang may marinig akong isang bagay na nahulog at naglikha iyon ng malakas na ingay. May tao dito bukod sa amin ni Jessica?Napatingin ako kung saan nanggaling ang nahulog. Someone's eavesdroping us. To my surprised I saw that taray lady na napapikit pa. Pinulot ko ang tumbler at saka ibinalik dito.
"Eavesdroping huh?" tudyong wika ko. Nagmulat ito ng mga mata at saka pulang-pula ang mukha nito. Inagaw nito sa akin ang tumbler at tatalikod na sana nang pigilan ko ang braso niya.
"And where do you think you're going?" tanong ko dito at napatiim ako. Inirapan na naman niya ako. Maldita talaga tong babaeng to.
"Bitiwan mo nga ako!..hoy diba sabi ko sayo na don't you ever touch me?!..bitiwan mo nga ako at baka mahawa pa ako sa katangahan mo!" mataray na wika nito at pilit na binabawi ang braso na hawak ko pero hindi ko ito binitawan. I hated her guts. Pinatunayan lang nito na nakikinig ito sa pag-uusap namin ni Jessica at nakita niya ang lahat.
"What were you trying to say?" I said in a very husky voice at sadya kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Kitang-kita ko ang paglunok nito at mas lalo pa yatang namula ang mukha nito.
"B-bitiwan mo nga ako!!..sige pag hindi mo ako binitiwan ay sisigaw ako ng rape!" pasigaw na wika nito. Tumaas ang gilid ng mga labi ko. At ako pa talaga ang tinatakot nito.
"And then go ahead..tinatakot mo ba ako?" paghahamon ko dito. Hindi ko akalain na totohanin pala nito.
"Ra--" pero hindi natuloy ang pagsigaw nito dahil mabilis pa sa alas kwatrong sinakop ko ang lips niya with my own lips.
----------------------------
He kissed me?He kissed me at para akong tuod na hindi makagalaw. It seems like I'm frozen dahil hindi ako makagalaw but deep inside I was in a deep fire. Napapaso ako sa bawat hagod ng mga labi nito sa mga labi ko. Nanlaki talaga ang mga mata ko as he deepens the kiss. Parang kanina lang ay iba ang kahalikan nito at ngayon ay ako naman?Para akong nakukuryente dahil hinapit nito ang baywang ko palapit sa kanya. Hindi pwede at hindi maaari because I hated this guy kaya naitulak ko siya at saka sinampal.
"How dare you!..ang bastos mo!" halos maiyak na wika ko. He smiled at dahil sa inis ko ay tinadyakan ko ang junjun niya.
"Aray!!" sigaw nito na namilipit sa sakit.
"Yan ang bagay sayo dahil bastos ka!" ganting sigaw ko dito at saka nagmamadali na akong lumayo.
"Hoy!..bumalik ka rito!" sigaw pa rin nito. Hindi ko na siya nilingon pa. I hated him so much. Nadagdagan na naman ang inis ko sa kanya. I hated him because he kissed me. Wala pa nga akong first kiss ever since at ninakaw pa ng lalaking yun. Walang hiya talaga siya. Halos maiyak na ako sa inis kaya napagdesisyunan ko na lang na pumunta ng ice cream shop. I need to eat ice cream para humupa ang inis ko at para malamigan ang ulo ko. Pagdating ko sa ice cream shop ay agad akong nag-order ng tatlong flavor at saka kinain iyon.
"Whoooh!" napahiyaw ako sa lamig. I don't care kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa ice cream shop. I need to be me. Napadighay ako nang matapos kong kainin ang lahat ng inorder ko. Tumayo na ako bitbit ang bag ko at saka nagtake-out na rin ng ice cream para sa kapatid ko. Pagdating ko ng bahay ay nadatnan ko na naman ang kapatid kong si Marie na umiiyak habang yakap-yakap ang picture frame ni Inang at Amang. I sighed. Napaka-emotional kasi ni Marie at mahal na mahal nito ang mga magulang ko na parang tunay niyang mga magulang.
"Marie..umiiyak ka na naman..hay naku! siguradong nagagalit na si Inang at Amang na nakikita kang ganyan..gusto mo ba yun?" wika ko at saka lumapit dito. Labing walong taon na si Marie at nasa second year college na ito. Masyado kasing bini-baby ng mga magulang ko ang batang to kaya ganun na lang ang naramdamang kalungkutan nang mawala na sila kompara sa akin na tunay talaga nilang anak. Tumingin ito sa akin at pasigok-sigok pa. Sobrang naaawa ako sa kapatid ko na to.
"N-namimissed ko kasi s-sila Ate.." wika nito.
"Ako rin..missed ko na rin sila pero alam naman natin na hindi na natin sila makikita kahit kailan pero palagi silang nandito.." sabay turo sa dibdib niya. "Everyday ay binabantayan nila tayo..malulungkot sila kapag nakikita nila tayo na nalulungkot dahil gusto nila na masaya tayo palagi..tanggapin na natin Marie na wala na sila..we have to move on at magsimulang muli..bigyan natin ng kulay ang lahat ng itinuro nila sa atin..let them be proud of us kahit na wala na sila." wika ko dito. Yumakap ito sa akin.
"Sorry Ate..hindi ko lang mapigilan..for me they are my real parents..sa kanila ko naramdaman ang pagiging anak kaya nalulungkot ako na hindi na natin sila makasama.." malungkot na wika nito. Parang may bumara sa dibdib ko dahil ang totoo kahit ako ay nasasaktan pa rin ng husto. I am just twenty-three years old at kulang pa ang mga sandaling pinagsamahan namin ng mga magulang ko.
"Talagang ganun ang buhay Marie..hindi mo hawak ang lahat..ang lahat na narito sa lupa ay pansamantala lang kaya dapat mo itong pahalagahan sa bawat segundo, bawat minuto at bawat araw na nandiyan pa iyan sayo nang sa ganun kapag mawala man ito sayo ay hindi ka magsisisi dahil ginawa mo ang lahat para pahalagahan iyon." wika ko. Tumango ito.
"Salamat Ate for treating me as your real sister.." wika nito.
"I'm always your sister Marie whatever happens.." wika ko dito. Pinahid nito ang mga luha at saka ngumiti.
"I brought your favorite ice cream.." nakangising wika ko at saka ibinigay sa kanya ang dala ko. Namilog ang mga mata nito at saka agad na kinuha ang ice cream.
"Salamat nito Ate ha..oo nga pala bakit ka napabili ng ice cream?" nakakunot ang noong wika nito.
"Type ko lang..ba't mo natanong?" wika ko. Ngumisi ito.
"Sa pagkakaalam ko kasi ay saka ka lang bumibili ng ice cream kapag may kinaiinisan ka o may nakaaway ka at kailangan mo ng pampalamig.." wika nito. Muntik ng masamid ang dila ko at naalala ko ang ginawa ng lalaking yun sa akin. Pakiramdam ko ang init-init na ng mukha ko.
"W-wala naman..basta trip ko lang kumain ng ice cream kasi matagal-tagal na rin akong hindi nakakain eh." wika ko. Tumango-tango lang si Marie at saka nilantakan ang ice cream. Napangiti na lang ako sa kapatid ko.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon