Tunog ng tunog ang alarm niya pero hindi niya parin kayang imulat ang mga mata niya.
Napakalaking problema talaga ni Sahania ang gumising sa umaga.
Ngayong araw na to sila bibiyahe ng bestfriend niya papuntang Baguio.
Enrollment Day na kasi ng Unibersidad ng Santa Lucia.
Ilang buwan bago ang graduation ay nagpunta silang magkaibigan para mag entrance exam doon.
Sikat itong eskwelahan doon sa mga taga probinsiya lalo na sa kanila.
Matagal na din niya kasing gustong pumunta ng Baguio dahil bago sila nag-exam ay mga 4 years old pa ata siya nung huling ipinasyal siya doon.
Walong oras ang byahe kaya kailangan maaga silang gumising dahil alas kwatro ng madaling araw ang gusto nilang puntahan dahil maghahanap pa sila ng matutulugan pagdating nila ng Baguio ng bestfriend niyang si Diane.
Sa lahat ng magagandang ala-ala ng high school ay balak kalimutan yun lahat ni Sahania dahil sa hindi magandang nangayre sa kanya.
Natapos ang graduation niya na ni lingon ay hindi niya ginawa kay Daniel.
Nagsubok ang binata na kausapin siya sa mismong graduation nila ngunit siya na mismo ang tumanggi.
Balak din sana ng binata na magpapicture sa kanya para naman may picture daw sila pero nag-astang walang narinig si Sahania sa lahat ng mga sinabi at ginawa ng binata.
Hindi din lingid sa kaalaman niya na sa mismong graduation nila ay nagbreak din sina Daniel at Ana.
Malamang, alam ata ng buong school yun kasi nagwala pa daw si Ana pagkatapos.
Ibang klase. Sanay ng manloko.
Mga katagang paulit ulit niyang sinabi sa isipan.
Magmula nung nangyari yun ay sumumpa na siyang hinding hindi magpapaloko sa lalaki.
Magpapataba siya at magsusuot ng salamin, magpapakalosyang tignan para hindi na siya maka agaw ng pansin sa kalalakihan.
Nangako siya sa sarili na pag-aaral nalang ang asikasuhin at magmamadre nalang para hindi maloko ng mga lalake. Kung sa pagiging probinsiyana niya ay simple siyang manamit, ngayon ay magiging baduy na talaga siya.
Pinamigay niya ang mga magaganda niyang damit sa mga pinsan at iniwan ang mga malalaking damit na pag sinuot niya ay nagmumukha siyang hanger.
Walang ibang inatupag kundi kumain maghapon magdamag kasi sa isip niya eh wala siyang paki kung anuman ang itsura niya.
Nagtataka man ang mga magulang niya ay hinayaan nalang nila ang dalaga.
Mas makakabuti nadin siguro yun para pag-aaral nalang ang atupagin nito.
Taliwas sa kanya ay nagpaganda naman lalo si Diane.
Strict ito sa pagda diet at hindi lumalabas ng bahay ng hindi naka make-up.
Bawat calories na kakainin nito ay naka kwenta kada meals.
Nakatulong ang height nito na 5'7" para kahit papano ay hindi siya masyado magmukhang mataba.
"Mag-iingat kayo doon. Wag mong ipapakita na probinsiyana ka anak. Wag tatanga tanga." napangiwi sya pagkarinig sa sinabi ng mama niya.
"Ma naman, para namang wala akong alam kung makapagsalita kayo." patampo niyang sinabi.
"Aba! Eh sa totoo namang wala kang alam sa siudad anak! Ngayon ka lang ulit tatapak ng Baguio at sanay kang puro ilog at bundok lang." sabi pa ng nanay nito.
"Eh bundok din naman ang Baguio ah!" depensa ng dalaga sa sarili.
"Iba yun anak kasi may mga malls at buildings doon. Ingat ingatan mo yang gamit mo." bilin ulit ng nanay niya.
"Don't worry ma, akong bahala kay Sahania." singit ni Diane na kanina pa natatawa sa usapan ng mag-ina.
Sabay patingin tingin sa kaibigan.
Nag-ikot nalang ng mata si Sahania ng magsalubong sila ng mata na magkaibigan.
Kukuha ng Tourism si Diane at siya naman ay kukuha ng Information Management.
This time ay mag-iiba ang landas nilang dalawa.
Gusto kasi ni Diane dati pa na maging stewardess kaya bagay ang kurso na kukunin niya samantalang siya ay kukuha lang ng Information Management kasi yun ang gusto ng mama at papa niya.
Kesyo in demand daw kasi.
Eh wala nga siyang idea kung anuman yang course na yan.
Alam niya lang basta related sa computer.
Pero dahil wala siyang maisip na nababagay na kukunin niyang kurso ay napagisipan niyang sundin nalang ang magulang niya.
Ewan ko ba, bakit ba kasi napakahirap pag-isipan ng kursong kukunin? napaisip siya.Madilim padin ang paligid ng mga oras na yun.
Gamit ang sasakyan nila Diane ay hinatid sila papuntang terminal.
Sa buong byahe ay puro daldal lang ang ginawa ni Diane.
Sa kung anong plano niya na mag-gi gymn na at magpapaganda para madaming manligaw sa kanya.
Na balak niyang mas magpaputi at magturok ng gluta.
Halos tahimik lang si Sahania at ibang bagay ang tumatakbo sa utak niya.
Lord, kakayanin ko kaya? May mga magiging kaibigan ba ako kaagad? Sana hindi ako mabagsak sa kahit anong subject. Gagawin ko lahat para pumasa! Hindi puwede ang ligaw ligaw. Bawal magboyfriend! Study first!
"Hoy bes!!" Napabalikwas si Sahania sa pagtawag ng kaibigan.
"Ano bang meron sayo, andito na tayo ano ka ba."
Tumalima siya at kinuha ang gamit sabay labas sa kotse.
"Salamat po manong." sabi nito kay Manong Jose, ang driver nila Diane.
Pagbaba nila ay meron na agad ang nakaparadang bus na may nakalagay sa harap na BAGUIO.
Sa may pintuan ng bus ay sumigaw ang lalaking nakauniporme ng puti.
"Sa Baguio ba ang punta niyo mga ineng? Larga na at hindi magaantay to, sa loob na kayo titicketan!"
Dali-daling pumasok sa loob ang mag bestfriend.
Kumbaga ay express bus ang nasakyan nila at kahit kaunti lang ang pasahero ay umaalis na agad at hindi pinupuno.
Umupo si Sahania malapit sa bintana dahil ang daanan papunta ng Baguio ay puno ng mga napakagandang tanawin lalo at may dagat din silang madadaanan.
Komportable na sya ng upo ng sinabi ni Diane.
BINABASA MO ANG
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomanceSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...