Chapter 4

76 6 8
                                    

Chao’s POV

I was dumbfounded at what he said. Halos tumigil yata ang oras. For quite some reason parang gusto kong kiligin or what. I was actually on the verge of expecting something from this Arthur guy, my fiance according to him. Tama ba na ganito ang maramdaman ko? But I can’t. I made a promise to Miguel that it will always be him. And I am not going to surrender until I got his attention.

Ok. Spell OA! Maybe that was me. OA naman talaga ako pagdating kay Migz. He’s my everything. He will always be.

“Oh. You look like some high school student na kinikilig d’yan. Hindi pa nga ako nagsisimula.” pang-aasar na naman niya sa’kin.

“Just shut up. San mo ba’ko dadalhin? Hindi porke’t pinaninindigan ng parents ko ang engagement natin eh pwede mo na’kong dalhin kung san mo gusto. You better know me Arthur! I am not some cheap lady who you can flirt with.” inis na sabi ko.

“Ok, fine. And Chao … I don’t see you as some cheap lady I can flirt with. Kaya wag ka nang maingay diyan. Malapit na tayo.”

And because of what he said, I remained silent the whole drive. Halos mabingi na nga ako sa katahimikan. Kay in-on ko yung radio. Sakto naman na song ni Miguel yung pinapatugtog. His voice is really soothing. Halos napapasabay na’ko sa kanta niya.

“I just wanna know you better, know you better know, know better now … Cause all I know is we said hello. And your eyes looking like coming home. All I know is a single name. And everything has changed…”

I can’t control my fangirling mode, so ayun nga napasabay na’ko sa kanta. It feels so good. Feeling ko para talaga sa’kin yung kantang yun. I can see the better future for us. Alam niyo yung feeling na sa bawat salitang sasabihin niya sa kanta, ikaw yung pinapatamaan niya. Kinikilig ako ng sobra.

But suddenly, narindi yung tenga ko – hindi sa kanta kundi dito sa asungot na nakikising-along na rin. I want justice. Parang nababastos na kasi yung kanta, hindi yun pwede sa’kin.

“Hey you. Stop!!!”

Nagulat yata siya kasi biglang napahinto siya dahilan para maitapon ko yung tab na hawak ko. Feeling ko nasira na yun. Ang slow naman nito. Akala yata niya literal na stop ng car yung pinapagawa ko. Gwapo sana, tanga naman.

-.-

“Bakit ka ba nanggugulat? As you can see I’m driving. Bakit ba?” suplado na namang sabi niya.

Bipolar yata tong Arthur na’to eh. Ano ba naman ‘tong napili nila Mommy at Daddy para sa’kin. Lalaking may PMS. Lalaking tanga at walang common sense.

“Bakit ka nakikisabay sa pagkanta ko at ni Miguel? Tsk. ”

Ang lame ng tanong ko pero bwisit tinawanan pa’ko. Inistart na rin niya yung car.

“At bakit din? Binakuran mo na’ba yung kanta niya at hindi ko na pwedeng kantahin rin. If I knew kinikilig ka kasi kinakantahan kita. By the way, bagay sa’tin yung kanta. Parang ginawa para sa’tin.”

Cool ka lang Charlin Hanna. Nang-aasar lang yan. Hindi niya pwedeng malaman ang totoong dahilan kung bakit ka nagagalit sa kanya. Lalo ka lang niyang pagtatawanan. Nanahimik na lang ako.

After almost 45 minutes na biyahe andito na rin kami. San ba’to?

“We’re here. Wag kang bababa muna.”

Utusan ba naman ako? Pero ayoko talagang bumaba. Halos 4:00 pa lang ng hapon. Medyo mainit pa. Ang gusto ko lang ngayon ay umuwi.

Nagulat na lang ako na andito na siya sa side ko at napagbuksan na pala ako ng pinto.

Occupation: FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon