Nang una kang masilayan alam kong may mali. Hindi ko maintindihan ang biglaang pagtibok nitong puso sa tuwing andiyan ka. Hindi ko maintindihan kung bakit pasimpleng ngumungiti ang aking labi sa tuwing naaalala ka. Hindi nagtagal, nalaman kong mahal na kita. Pagmamahal na hindi ko inaasahan.Pagmamahal na bubuo sa kulang ng aking pagkatao, nagbigay ng ngiti at nag-alay ng saya. Ngunit ang pagmamahal na inakalang hanggang wakas ay sya mismong wawasak sa akin, nagbigay ng sakit at nag-alay ng luha.
Ang pagwasak mo sa aking pagkatao ay muli kong hinulma. Ang naibigay mong sakit ay pilit kong pinalitan ng tawa kahit hirap na hirap na. At ang alay mong luha ay tinakpan ko ng ligaya, nagpanggap na masaya kahit halos di na kinaya. Sobra akong nasaktan dahil ang buong akala ko ay mamahalin mo ako hindi naman pala.
Isang araw ay muli tayong nagkita. Ngumiti ka at gayundin ako. Nais ko sanang sayo ay mangusap ngunit ang mga mata mo ay nakatingin sa malayo. Ngumiti kang muli at gayundin ako. Huminto ako nang makaharap ka ngunit nagpatuloy ka sa paglalakad at hindi man lang ako nagawang pansinin. Naisip kong para saan ang ngiting yon? Pinapaasa lang ba ako. Lumingon ako at napaluha na lamang. Napaluha ako nang makita kang kayakap sya. Napaluha ako nang malamang hindi ako ang nginitian mo. Umasa lang pala ako sa isang ngiti na kailanman sa akin ay hindi ngingiti. Umasa ako. Ako na sobrang mahal ka ngunit binalewala mo. Ako na andiyan sa tuwing wala sya. Ako na umasa, lumuha, nagmahal at nasaktan. Ako na tanga dahil mahal kita. Ako na tapat, ginawa ang lahat ngunit ewan ko ba kung bakit sayo hindi pa naging sapat.
Sana ako na lang sya. Sya na mahal na mahal mo. Sya na kapiling mo habang ako ay lumuluhang minamasdan kayo mula sa malayo. Doon ko napagtanto ang katotohanang sa akin ay may forever. Forever na aasa at magmamahal sa isanmg taong forever din akong hindi kayang mahalin at hindi magiging akin. Sana ako na lang sya at sana hindi naging ako ang ako.

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?