Angel Faith
Candle lights. Check. Arranged tabe. Cheack. Perfect venue. Check.
Si Noe nalang ang kulang. Natawagan ko na si Noe kanina pang hapon, ang sabi niya hahabol daw siya kasi marami daw siyang ginagawa sa office niya.
Sa isang buwan na nakalipas ay maayos naman kami ni Noe, hindi nga lang maiiwasan ang selos ko lalo na pag may kameeting siyang babae tapos titig na titig pa sa kanya.
Or pag may lakad silang Tigers at pumupunta sa bar tapos yung mga post sa instagram may kasama silang babae kaya kumukulo ang dugo ko.
Alam kong nasasakal ko na si Noe pero masisisi ko ba ang sarili ko? Mahal ko si Noe at matagal ko na siyang gusto pero ngayon ko lang nakuha.
Natural lang na magiging mahigpit ako, oo sobra na nga ako pero kasi mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala sa akin.
Napatigil ako sa pag mumuni at tinignan ang relo ko, 8:36pm ma pala.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Noe, nag hintay ako ng ilang ring bago sumagot si Noe."Noe? saan ka na? Kanina pa ako nag hihintay sayo" Naiinis na tanong ko.
"I'm here" Lumingon ako sa likod ko dahil doon nanggaling ang boses ni Noe.
Nakatayo siya sa gilid ng mesang hinanda ko kaya pinatay ko na ang tawag at agad na lumapit sa kanya.
"Bakit ang tagal mo?" Hindi niya ako sinagot pero ang mukha niya ay seryoso kaya bigla akong natahimik.
"Faith, natanong mo na ba sa akin kung mahal kita?" Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Noe pero kinakabahan ako. Dahan dahan akong umiling sa kanya.
"Ngayon tanongin mo ako" Napalunok ako at tumango sa kanya.
"Noe, mahal mo ba ako?" Halos mawalan ako ng boses dahil sa tanong ko sa kanya.
Kinakabahan ako sa isasagot ni Noe, natatakot ako sa isasagot niya, natatakot ako baka kung ano ang isagot niya na makakasakit sa akin.
"Noon, naiinis ako sayo. Ayaw ko sayo, nagagalit ako sa kakulitan mo, naiirita ako sa mga ginagawa mo. Want to know why Faith?" Inaamin ko, medyo nasaktan ako sa sinabi niya.
Sobra na pala ako.
"Why Noe?"
"Naiinis ako sayo kasi gusto ko na sa akin lagi ang attention mo, ayaw ko sayo kasi gusto kita, nagagalit ako sa kakulitan mo kasi nakukulangan ako, naiirita ako sa ginagawa mo na dapat ay ako ang gumagawa. Naniniwala ako na the more you hate the more you love kasi iyan ang nararamdaman ko Faith. Yes. I do love you since the day you confessed your feelings for me way back in 1st year High school, hindi kita pinansin noon kasi nalilito pa ako. Mahal kita pero bata pa tayo noon kaya akala ko mababaw lang ang pag mamahal ko sayo. I hate it when a girl will do the first move. Naiinis ako sa sarili ko kasi hinahayaan kitang gawin ang mga bagay na ako dapat ang gumagawa para sayo. I hate myself for being an idiot"
Naiiyak ako sa sinabi ni Noe, ayaw niya sa akin kasi gusto niya ako?
Hindi ko namalayan na humikbi na pala ako, ganito ba talaga pag buntis? Sobrang emotional?"Sshh baby don't cry. Hindi pa ako tapos" Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko at hinintay ang sasabi pa ni Noe.
"Graduation natin sa College, gusto kitang lapitan at sabihin ang nararamdaman ko para sayo pero nawalan ako ng pag kakataon dahil natotorpe ako. Oo. Torpe ako pero sayo lang Faith. I bedded many girls but Faith, those are just plain sex. You're the only woman I have make love. Ikaw lang ang nag papatibok ng puso ko ng sobrang bilis. Ikaw lang ang babaeng nag papagising sa natutulog kong pagkatao. Ikaw lang ang babaeng pinagnasaan ko ng matindi sa buong buhay ko at ikaw lang ang babaeng minahal ko"
Hindi ko mapigilan ang pag lakas ng iyak ko kaya tinawanan ako ni Noe, ang kapal ng mukha niya tumawa samantalang ako umiiyak na.
Matagal na pala niya akong mahal pero natotorpe siya. Grabe, marami ng naikama si Noe pero torpe pag dating sa akin? I can't imagine.
"Noe, I just want say sorry" Now it's my turn to express my feeling for him more.
"Sorry for being an obsessed kahit hindi naman tayo. I'm sorry kasi ang kulit ko. Sorry kasi paulit ulit kong pinagsiksikan ang sarili ko sayo simula pag-kabata pa lang natin. Sorry sa mga araw na sinusundan kita kahit saan, kahit sa hotel pa, kahit may kasama kang babae. I'm sorry kasi nawawalan ka na ng privacy dahil sa akin. I'm sorry kasi mahal kita and I'm sorry kasi hindi kita kayang bitawan"
Dahan dahan akong lumuhod sa harap ni Noe kaya nagulat siya.
"Faith what are you doing?" Hindi ko siya sinagot at kinuha ang sing sing na binili ko kanina.
"Noe, all my life ikaw lang ang lalaking minahal ko at kinulong ko sa puso ko ng napakahabang panahon. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin kaya ito lang ang paraang alam ko. Hindi mo ako pweding sagutin ng NO dahil nasabi mo ng mahal mo ako. Please Noe, Marry me."
Kinabahan ako ng biglang umiling si Noe at pinilit akong tumayo pero nag matigas ako.
"No! I won't stand up until you say yes!" Pag mamatigas ko pero sadyang malakas si Noe kaya napilit niya akong tumayo.
"Faith, bakit ba ang hilig mong gumawa ng mga bagay na ako ang dapat na gumagawa sayo?" Nabigla ako sa tanong ni Noe at mas lalo akong nabigla dahil lumuhod si Noe sa harap ko.
"Angel Faith Naga, Can you be my wife? can you be my best friend? my best buddy and my partner in life forever? You can't say NO to Meneotius Meniotios" Natatawa ako na ewan pero naiiyak din ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Ito pala ang feeling pag siya ang gumagawa nito sa akin? pero nag taka ako kasi walang sing sing.
"Mr. I would love to answer a Yes but where is the ring?" Tumayo si Noe at hinawakan ang kamay ko.
"Sinuot ko na sa daliri mo Mrs." Napasinghap ako at tinignan ang daliri ko at nandoon na nga ang sing sing.
"Magkapareha tayo ng nabiling sing sing?" Natatawang sagot ko dahil magkaparehas talaga sila.
"It is a sign na tayo talaga para sa isa't isa" Hindi ako nakasagot dahil hinalikan agad ako ni Noe.
Nag simulang maging mapusok ang halik ni Noe, mapusok, madiin at mapang-angkin ito.
Sinagot ko ang halik niya, gumala ang isang kamay niya sa ibaba ng bistida ko at hinihimas ang legs ko."Noe" Hindi ko mapigilan na maiungol ang pangalan niya dahil sa sensasyon na hatid ng pag hagod ni Noe sa balat ko.
"Let's make love Faith" Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi ni Noe.
"Nasa rooftop tayo Noe"
"I don't care"
BINABASA MO ANG
Tiger 2: Menoetius Menoitios (Completed)
Ficción GeneralWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Angel Faith Naga is Obsess to Noe, Simula pagkabata ay kay Noe na ang attention niya na halos hindi na niya napapansin ang sarili niya dahil puro si Noe...