Kung maibabalik ko lang sana ang takbo ng panahon.Kung hawak ko lang sana ang takbo at galaw ng kamay ng orasan, nilubos ko na sana ang mga araw na kasama ka, mga araw na tayong dalawa ay kapwa masaya, mga araw na binigyan mo ng kabuluhanang aking buhay, mga araw na andiyan ka kapag kailangan kaitamga araw na nagturo sa akin kung paano magmahal ng tapat, nang sapat at nang dapat. At higit sa lahat mga araw na kayakap ka.
Mahirap. Nakakapanglumo. Masakit at nakakapahikbi sa tuwing sasampal sa akin ang katotohanan na ang mga arw na iyon ay mananatiling mga ala-ala na lamang. Mga ala-alang hindi ko batid kong nanaisin ko bang kalimutan o iiyal na lamang dahil kakambal nito may ang pag-ibig kong naumid at naiwan.
Ako ay lubhang kahabag-habag. Hindi ko mawri na minsan ay titingala na lamang sa kapanglawan ng gabi habang luha ang syang nanatak sa mga matang lupasay na nagugunita ang iyong mga ngiti. Ngiti na sa akin ay nagpangiti.Ngiti na hindi ko lang gustong masilayan muli, bagkus ngiti na kailangan ko.Ngiti na minahal ko nang higit na apat na taon. Ngiti na hindi ko alam kong sa akin ngaba ay ngingiti pang muli. Kaya kadalasan ay walang ibang nagagawa kundi ang lumuha na lang.
Naluluha ako sa tuwing naaalalaang cute mong pagtawa. Naluluha ako sa bawat pagkakataong kinailangan mo ako. Naluluha ako sa tuwing naaalala ang ating samahan, tawanan at pagkakaibigan. Naluluha ako sa mainit mong yakap at higit sa lahat naluluha ako dahil hanggang ngayon mahal pa kita. Pero mas nakaluluha pala kapag naaalala ko ang ating masasaya, magaganda at mayabong nating kahapon na sinakloban ng pait at lumbay ng kasalukuyan.
Sobrang sakit sa bawat umagang gigising ako na nagbago na ang lahat. Tanging sasalubong sasalubong sa pagmulat nitong mga mata ay pawang ang payak na katotohanang iiyak na naman ako, tatanga-tanga na naman at umaasang mayayakap kang muli. Ngunit hanggang kailan? Hanggang maubos ang mga luha? Hanggang pagod nang umasa? Hanggang kaya ko pang tiisin ang sakit o hanggang sa dumating yung puntong masasabi ko na lang "Pasensya na, hindi ko na kaya".
Umiyak man dahil nasaktan, lumuha man dahil naiwan, ngunit hjindi ko pagsisisihan na minahal kita dahil dito ako madalas na masaya kahit na minsan masakit.
Salamat sa iyong mga yakap. Yakap na patuloy kong aasahan. Yakap na nagpahalaga sa akin. Yakap na alam kong nagpatatag sa akin at yakap na minahal at iniyakan ko. Yakap na hindi huwad. Yakap na totoo. Yakap na maghihilom sa sugat na aking dala-dala. Yakap na habang buhay kong pasasalamatan.

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?