MIBF 2017

2.7K 53 11
                                    


September 14, 2017
(Thursday)

Ngayong araw nakatakda ang unang beses na pagkikita namin ng pinakamamahal kong manunulat.

Inaamin ko, ito rin ang unang beses na nagpakafan girl ako! And yes! Never pa akong humanga sa isang tao, kahit pa artista, mang aawit, banda at iba pa. Wala talaga!

Yong palagi akong nag aabang ng bagong tweet niya, bagong update ng status sa fb, bagong post ng pictures sa kahit ano mang social account niya, abangers din ako ng live niya, kaya lagi akong maagang gumising kasi nag aabang ako na makita siya kahit may screen na nakapagitan saming dalawa.

So ayon nga, gabi palang ng 13 hirap na ko makatulog dahil siguro sa sobrang pagka excite ko at dahil narin sa sama ng pakiramdam ko, nakakapagtaka lang noong nagising ako ng 3am ay hyper na ako, para bang hindi napuyat para bang walang sakiy. Kinakabahan nga ako nun dahil masama na ang pakiramdam ko nung martes pa, pero laking pasasalamat ko kay God dahil naging maayos yong pakiramdam ko noong 14 ng umaga.

3am naligo na ako, naghanda, nag ayos, nagpabango, lahat lahat na.

4am, naglalakad na kami ng kasama ko nun palabas ng brgy namin, sakay ng tricycle papunta ng sakayan ng jeep, pagdating dun, byahe ulit papuntang sakayan ng van, van hanggang moa na yon, pagdating namin dun medyo maliwanag na pero hindi pa sobrang daming tao.

Kinakabahan ako, kasi nga first time ko, hindi ko alam ang gagawin ko, kahit pa may kasama..

So, nagtanong tanong kami kung anong gagawin, kaso si kuyang guard naman hindi rin alam, pakapalan na ng mukha na magtanong sa kapwa jijies 😂😂

Nagpalista muna kami at sa kabutihang palad nga umabot kami ng kasama ko sa first 300(hindi ko na babanggitin yong num namin)

Tumakbo ang oras, dama na namin yong init, ngalay at gutom. Oo bes! Wala kaming kain kaya nakakagutom, pero sabi ko sige para kay ate Max, push lang, gutom lang yan..

10 am na, hndi parin kami pinapapasok sa loob ng smx, mag 11 na siguro naawa na sila sa sobrang dami namin kaya pinapasok na kami per batch na yon, dahil sa sobrang daming tao, siguro libo rin kaming naroon.

Pagpasok namin, pila ulit para bumili ng libro ng hambog. Sayang naman ang gold card, at isa pa pinag-ipunan ko talaga tong araw na to kaya nakabili ako ng libro niya.

Nag umpisa na ang sigawan, talunan, hiyawan at ito na!!! Nakita na namin ang HAMBOG! hindi ko alam ang mararamdaman ko nun, kung lalapit ba ko sa kanya, kung tititigan ko ba siya, ngingiti ba ako o iiyak na.

Ang layo ko pa sa kanya, marami pang nauna sa akin kaya hanggang pictures, video at tili na lang muna ako..

Hanggang mag 3pm na nakapila parin kami, ramdam ko na yong pagod ni ate Max, ramdam ko rin sakit ng kamay niya. From 6 books na pipirmahan, hug kay ate Max, selfies ay naging 2 books nalang, hug and selfies, pero ang naabutan ko lang ay 1book, hug and selfie with her.

3:30 pm kakain muna si ate Max, kaya sinamantala na namin ng kasama ko para makakain, that time umuulan na sa labas ng smx, lakad parin kami para kumain dahil sa sobrang gutom namin..

Pagbalik namin sa bs malapit na kami sa stage kung saan pumipirma ang hambog, agad agad na kaming pumila, panay ang picture ko, video ko sa kanya.

Sa sobrang tuwa at excitement yong nararamdaman ko, nakalimutan ko nang mag ayos ng sarili, hindi ko na alam kung ano ang amoy ko.

Dalawang tao nalang at my turn na, ready na yong book na ipapasign ko sa kanya, ready na ang cellphone ko, pero ako?? Hindi pa!! Nanginginig na ako sa pila, natutulala na ako nung makita ko na siya sa malapitan, hindi ko na mahawakan ng maayos yong cellphone ko.

At ito na..

It's my turn na..

Dahan dahan akong lumapit sa kanya, pakiramdam ko napakatagal na oras nung mga sandaling yon, nandoon ako sa likod niya nung inabot ko yong libro, ngumiti siya sakin, ngiting naging dahilan kung bakit ako lalong natulala sa kanya, ang ganda ganda niya, at nung inabot ko na yon regalo ko para sa kanya at marinig ang pagpapasalamat niya, hindi ko na natiis ang sarili ko, nang binuka niya yong braso niya para yumakap agad agad akong yumakap ng mahigpit sa kanya, para akong nakalutang, ang bango bango niya, ang lambot ng katawan niya, nawala yong sakit ng paa ko, nawala lahat ng pagod ko dahil sa yakap niya, yon ang epekto ng isang hambog sa pagkatao ko.

Kaya mahal na mahal ko siya, at hindi ako nagsasawang sumuporta sa kanya, kahit nasa malayo siya, mananatili akong jijiera 😊😊

Worth it yong pag iipon ko ng matagal, worth it yong sakit ng likod ko dahil sa bigat ng bag ko, worth it ang init ng araw na kumapit na sakin, worth it ang pagkalam ng sikmura ko, worth it lahat para sa nag iisang hambog.

🎉 Tapos mo nang basahin ang To My Hambogest, An Open Letter For Ms. Maxine Lat Calibuso(maxinejiji) 🎉
To My Hambogest, An Open Letter For Ms. Maxine Lat Calibuso(maxinejiji)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon