Kabanata 14
Warning: Medyo SPG.
Breathing
Wearing my simple floral dress and black flat shoes, with balloon in my right hand and cake to the other one, I'm ready to go to his condo for the first time.
Pinaghalong kaba at saya ang tanging nararamdaman ko habang naglalakad papunta sa elevator ng kanyang unit dito sa isang sikat na building sa Makati.
17th floor, halos lumuwa ang puso ko ng magbukas ang pintuan ng elevator, rinig na rinig ang tawanan at kwentuhan ng mga inimbita ni Lance, its his birthday at ito rin ang araw na sinagot ko siya, kanina sa harap ng school nila.
Amoy alak at sigarilyo ang paligid, tama nga ang sinabi ni Zoe, na nagpainom si Lance at invited ang mga malalapit naming kaibigan.
Bukas ang pintuan ng unit niya, namangha ako sa laki nito, kasya ang fifty person dito, sala palang, sumisigaw ito ng karangyaan, wala rin katabing unit, maybe the whole floor is his unit.
Nilibot ko ang mata ko at naroon ang ibang kilala ko, JC is here, katabi si Mica, naroon din sina Jude, Martin, Loyd,Kaye,Divine and Kenneth. Nandidito rin si Charles! ex suitor ni Zoe. Small world huh?
They're all smiling at me, except kay Dale, siya yung boyfriend kuno ni Zoe ngayon.
Sinalubong niya ako at bineso, I can say that I'm really shy kapag may mga lalaking dumidikit sa akin. Maybe I should make myself comfortable sa mga ganung bagay, starting from now. Sanayan lang naman ang kailangan.
"Where is Zoe?" Yan kaagad ang tinanong ko sakanya, pero lalo lang nagdikit ang kanyang mga kilay. In fairness, pogi din si Dale ha, he is tall and very attractive, ang tangos ng ilong.
"Yan din ang gusto kong itanong sayo, kanina lang nandidito yun, nag cr lang ako, nawala na." Mabilis na nag iba ang kanyang ekspresyon nang makita ang hawak ko, mula sa masungit na mga mata, naging pilyo ito, na tila nang aasar.
"What?" I chuckled. Baliw ang isang ito.
"You want to surprise him again? Nasa kwarto siya, magbibihis daw kasi parating ka na." Medyo kinilig ako sa sinabi niya kaya malaking ngiti ang iginawad ko sakanya. Mas baliw yata ako.
"I'll help you with that, let's go?"
Tumango ako, at kasama ko si Dale na pumunta sa kwarto ni Lance, ang laki talaga ng unit niya, dinaig pa ang bahay namin ni Ate Mara. Dale opened the door gamit ang kanang kamay dahil hawak na niya ngayon ang balloon na hawak ko kanina, may sindi na rin ang kandila ng cake.
Patay na ilaw ng kwarto ang sumalubong sa amin, at walang Lance na nasa kama o closet, ang tanging liwanag lang ay ang bukas na ilaw na naggagaling sa siwang ng pintuan ng cr.
Dahan dahan kaming naglakad ni Dale patungo sa direksyong iyon at halos mapasigaw ako nang maapakan ko ang isang bagay, na ikinatawa naman ni Dale. Oh my gosh, muntik na ako doon ah.
Bago kami nagpatuloy ay binuksan ni Dale ang flashlight ng kanyang cellphone dahil baka raw mamaya ay maulit nanaman ang muntikan kong pagsigaw. Madilim rin kasi, kaya hindi namin makita ng maayos ang aming dinaraanan.
Pinagpapawisan na ako ng malamig dito, pero lalo akong nanlamig nang mapunta ang liwanag galing sa cellphone ni Dale sa isang dress, hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan nang mapagtantong, dress iyon ni Zoe.
What the hell is happening? Yan lamang ang tanging sinisigaw ng utak ko.
Halos mabuwal ako nang hilahin ako ni Dale sa gilid ng closet na kaharap ng kama nang biglang bumukas ang pinto ng cr, at iniluwa ng pintuang iyon si Zoe at si Lance.
Ramdam na ramdam ko ang pagpipigil ni Dale kaya naman pinigilan ko rin ang sarili ko, namamatay ako sa nakikita ko. They're kissing passionately na parang hindi alam ang nangyayari, Lance is topless while Zoe is just wearing her underwear. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit habang pinapanuod sila na nagpapalitan ng maiinit na halik, na kahit paulit ulit ay hindi sila nagsasawa, Zoe is moaning at para akong sinaksak ng maraming beses kada maririnig ko ang mga himig na nanggagaling sa kanilang dalawa, sarap na sarap na parang walang makakaawat.
Humigpit ang hawak ko sa cake, habang nararamdaman ko ang aking mga luha na unti unting rumaragasa sa aking malalamig na pisngi. Para akong nasa isang panaginip na kahit kailan ay hindi ko hahayaan na magkatotoo o mangyari.
Lalo namang humigpit ang hawak ni Dale sa aking braso nang ihiga ni Lance si Zoe sa kanyang king sized bed. Gusto kong ibato sakanila ang cake na dala dala ko, pero kahit anong pilit ko, wala talagang gumagana sa sistema ko.
Unti unting nagdilim ang paningin ko dahil sa malaking palad ni Dale na humarang sa aking mga mata, nalaglag ko ang cake nang hilahin niya ako palabas sa kwarto ni Lance, bago kami makalabas ay isang malakas na mura ang narinig ko, wala na akong panahong alamin pa kung kanino iyon galing, ang mahalaga ngayon, ay nasa kotse na ako ni Dale, crying, and finally breathing.
Hindi ko inakala na kaya kong hindi huminga. Tunaw na tunaw na ang lahat ng nararamdaman ko para sa kahit kanino ng mga araw na iyon.
"Akala mo ba hindi ko 'yon alam ha!?" Garalgal na ang boses ko at alam kong konti nalang at mamamaga na ang aking mga mata.
"Ngayong alam mo na Lance na alam ko ang lahat, you can go now, you can go with her now. Ubos na ako Lance, ubos na ubos na ako. Hindi ko na kaya pang labanan ang sarili ko dahil lang mahal kita, you can be happy now, tutal I cannot give to you what she already gave. I'm not capable of doing that. Pasensya kana, mahal na mahal kita, pero pagod na ako Lance, wala ng natira sa akin, I need time to replace what I gave away. I love you but good bye."
Marahan ko siyang tinitigan, mula ulo hanggang paa, kahit na punong puno ng luha ang mga ko ay kitang kita ko pa rin siya at ang mga mata niya na humihingi ng dispensa at humihingi ng pagkakataon na mag paliwanag.
Isang ngiti ang iginawad ko sakanya bago ko siya tinalikuran. Isang sigaw ng pangalan ko at mainit na yakap ang mula sa aking likuran ang naramdaman ko.
"Please, let me explain, please love wag ganito, let me explain love, hindi ko na kayang mag mahal pa kung hindi lang din ikaw.."
Kahit na ramdam na ramdam ko ang sakit na nanggagaling sakanya, ay hindi ko na kaya pang wasakin ang binuo kong desisyon. Unti unti ay kinalas ko ang yakap niya at mabilis na naglakad palayo.
Tama na Lance, I'm sorry. Hanggang dito nalang muna tayo. Tutal nangkakasakitan nalang namang tayong dalawa. Thank you for everything, kung tayo talaga, edi tayo. You and Zoe are my precious downfall.
Paalam mahal ko, sana balang araw ay ikaw pa rin at ako.
