3rd Person's POV
Lumipas ang araw at si Clark at ang kaniyang Tiya ay umuwi sa kanilang probinsya para gumawa ng isang gayuma na kanilang gagamitin para kay Amanda.
"Ito ang mga naiwang mga kagamitan ng iyong lola, alam ko kung paano ito gawin, tinuruan nila ako. This is our family's tradition, hindi dapat ito maputol." Ang sabi ng Tiya niya, napayuko na lamang si Clark at walang nagawa.
Hindi gusto ni Clark ang mga nangyayari, hindi niya gustong gayumahin si Amanda, ngunit masyado siyang nagpapakontrol sa Tiya niya at hindi niya makayannag tanggihan ang mga iyon.
"P-paano-hindi ko ata kayang gawin 'to." Nabanggit ni Clark sabay upo sa tabi ng kaniyang Tiya.
"Clark, true love lang ang tanging makakawala ng sumpa. Kung gusto mong mabuhay nang simple, simple lang ang dapat mong gawin." Lumingon sa kaniya ang Tiya niya sabay ngisi.
"Gayumahin mo si Amanda, at ganun lang kadali mawawala ang sumpa"
Natigilan si Clark, nag-isip siya nang malalim, mayroong pumipigil sa kaniya na gawin ang masamang bagay na iyon, pero nakararamdam din siya na parang may pumipilit sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang mga nararamdaman niya sa ngayon.
"Anong gagawin ko?"
"Gawin mo na lang ang sinasabi ko sa'yo Clark! Napaka-simple! 'Wag kang duwag, maghiganti ka! Ginagawa natin 'to para sa kapakanan mo! Hindi mo ginusto na biglaang mawala dito sa mundo!"
"You're too young to die! Please Clark!"
Naguguluhan si Clark sa kaniyang nararamdaman kaya naman napaluhod siya at marahang hinimas ang kaniyang ulo.
"H-hindi ko kaya!"
Sumigaw siya, at doon natigilan ang kaniyang Tiya. Malalim ang titig niya kay Clark na para bang malulunod ka kung titingnan mo ito, nakasimangot siya at may balak na masama.
"Then you made me no choice. I'm so sorry Clark."
Amanda's POV
Nagising akong pawis na pawis at mabilis na kabog ng puso. I had a bad dream, again.
Nanaginip ako ng sobrang sama na mayroong isang tao na gustong pumatay saakin, isang taong sobrang malapit saakin. Dahil ang huling lugar sa panaginip ko na sariwa pa saaking isipan, ay sa Coffee shop. Hindi ko maintindihan, hindi ko maalala yung hitsura, hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"S-sir Liam! No! No, no, no, no, no! Don't die on me, please! I-I love you, Liam! No! I'm going to call 911--"
Napa-iling ako, anong nangyayari sa isip ko. Ano ba namang klaseng panaginip yun, naiinis na ako. Ginigigil ako eh.
Isa pang gusto kong i-share yung about sa makakatuluyan ko daw! Sa totoo lang, kinikilig ako kasi siyempre true love ko daw yun. Tapos yung lalaki na daw na yun, siya yung tutulong saakin. Di ko alam kung anong tulong ang gustong sabihin ng panaginip ko, pero siyempre hanggang panaginip lang yun.
Lalo na sa kalagayan kong 'to, walang espesyal na tao para saakin na mamahalin talaga ako nang tunay.
Walang special someone, kasi di rin naman ako special.
I hate myself, being like this.
I hate being a murderer.
Naalala ko, may trabaho nga pala ako ngayon. Halos mawala na sa isipan ko. Panaginip ko kasi eh!
Nang maayos ko na ang lahat, binuksan ko ang pinto para lumabas at mabilis na pumunta sa Coffee shop.
"Good morning Amanda!" Bati nila saakin nang pumasok ako sa shop.
BINABASA MO ANG
Your Beloved Murderer
Historia CortaYou shouldn't love me. You shouldn't care for me. Yes, you shouldn't. Because if you did, I'll be your beloved murderer Cover made by: @CaliaViolet07 thanks for making my book cover beautiful as possible!