Chapter 10

293 17 0
                                    

Chapter 10

Sooyoung's POV

"Bye eonni! Una na po kami!" Sabi ni Gayoon at kumaway na sila.

"Osige, bye! Maaga bukas ha?" Sabi ko sakanila. Tumango nalang sila at naglakad na papalabas ng room namin.

Ako nalang ang natira dito, kasi si Min-Ah ay pinauwi na agad parents niya. Tapos pinauwi ko na din yung dalawa kasi 7pm na din naman. Matapos umalis ng iba kong mga ka-grupo, isa lang ang gusto kong gawin, ang humilata. Nakakapagod din tong araw na ito! Ngayon na kasi kami gumawa ng choreography ng kanta namin. Ang kanta namin ay Female President, pero naka-korean ang lyrics, kasi sa Korea kami magdedebut.

Tumayo ulit ako at humarap nalang sa salamin, sinubukan kong sayawin yung chorus namin pero biglang,

"Ouch!" Natumba ako. Ang taas din kasi ng heels ko, buti ngayon nalang ako natumba at hindi sa practice kanina.

Umupo nalang ako at tinignan ko kung may sugat ba ko. Meron nga, pero sa siko lang naman. Siko ko kasi ang napangtukod ko ng matumba ako. Nagdudugo na palang yung sugat ko pero hindi ko namlayan. Nahihilo na naman ako dahil nakakita ako ng dugo, ayaw ko nga sa dugo. Tapos hinaluan pa ng pagod kaya medyo dumidilim ang paningin ko at nahihilo na din ako.


Kris' POV

Nakakapagod na magsayaw! Nakaka-asar naman kasi 'tong si Lay, ang hihirap ng mga steps na ginawa eh. Ngayon na kasi kami gumawa ng choreography ng sayaw para sa kanta naming, MAMA ang title. Lahat kami ngayon nakahiga at naghihingalo maliban lang kay Lay na akala mo parang walang nangyari. Minsan talaga gusto ko na din mag palit ng powers eh, buti pa si lay hindi napapagod.

"Napapagod din ako." Sabi ni Lay at nagulat ako. Oo nga pala, nababasa niya ang isip ko. Bukod kasi sa nakakapagpagaling siya, nakakabasa din siya ng isip.

"Oo na." Sabi ko sakanya.

Tumayo siya para kunin ang bag niya, pero bigla siyang napatigil. Umupo kaming lahat at tinanong siya ni Chen, "Okay ka lang Lay?" Pero bigla siyang napaupo at lumapit na kami agad sakanya.

Pumikit siya at hinawakan niya ko, isinandal ko siya sa pader. Dumilat siya at gold na ang mga mata niya at kapag ganun na ang kulay ng mata ni Lay, iisa lang ibig sabihin niyan. May nababasa siyang isip ngayon na humihingi ng tulong o napapahamak.

"Isang room.." Sabi niya at lahat kami natataranta dahil nagsasalita siya ng di namin alam kung anong tinutukoy niya.

"Madilim, sobrang dilim." Tinignan ko siya at sinubukan kong isipin kung anong sinasabi niya. Pero habang nagsasalita siya, nakatingin siya sa may bintana at taas, kaya tinignan ko din ang tinitignan niya.

Full moon....

"Isang babae." Napatingin ako sakanya nung sinabi niya yun.

"Wolf." Magulat ako sa sinabi niya at naalala ko si Sooyoung. Si Sooyoung yung tinutukoy niya! Nakalimutan ko yung sinabi ni Suho, nadala kasi ako ng galit ko kahapon kaya siguro nakalimutan ko na.

Biglang tumino na si Lay at parang pagod na pagod siya at naghihingalo, "Si Sooyoung."

Lahat kami napatayo at tumakbo papunta sa room ng K. Binuksan ko agad ang pintuan nila Suho at tinignan ko siya. Lahat sila ay gulat na gulat kasi bigla nalang kaming tumakbo papunta sa room nila at parang takot na takot pa. Siguro lahat sila nagtataka ngayon kung anong meron, pero siguro naman din nasabi na ni Suho sakanila kung ano si Sooyoung.

"Sooyoung." Sabi ko kay Suho at bigla siyang tumayo at pinapasok na kami sa loob ng room at sinirado niya yung pintuan.

"Ano meron?" Tanong niya sakin at lahat kami nag kumpol-kumpol.

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon