Will You Complete My List?

14 0 0
                                    

Ako si Yna. Sabihin na lang nating isang babaeng may misyon sa buhay. Lahat naman tayo diba? Ang kaibahan nga lang ay alam ko na kung kailan ang deadline ng sa akin. Tulad niyo, inilalaban ko rin ang buhay ko. Mayroon pa nga akong special list eh na kung wala siguro ito, wala akong bagay na pinanghahawakan ngayon. Kaya dahil sa listahang ito ay lumalaban pa ako. Hindi ko alam kung masaya ang mga taong nasa paligid ko dahil sa listahang ito. Hindi ko kasi alam kung pilit lang lahat ng pagtulong nila sa akin o ano man. Pasensya na, kailangan ko lang talaga ito. Ikasasaya ko naman ito eh. Kaysa sayangin ang mga natitira kong oras ng di pinahahalagahan ang buhay ko. Gusto ko pa rin namang iwanan ang mundong ito na may halaga

Sa bawat check mark na makikita ko sa hindi gaano kahabang listahan ko, mayroon akong dalawang reaction. 

Una, masaya dahil maaacomplish ko na ito sa wakas.

Pangalawa, sa oras na makumpleto ko ito, tapos na rin ang masasayang araw ko. 

Papaano kung ikaw ang kukumpleto nito, tutulungan mo ba akong makumpleto ito? O lalayo na lang para sa ikatatagal ng buhay ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Will You Complete My List?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon