Arthur’s POV
Damn. Papalapit na ng papalapit yung mukha ko sa kanya, pero tae! Ako ang kinakabahan. Tapos yung kamay pa niya. Akala niya yata di ko napansin na hinahawakan na niya ako sa bewang. Ibang klase din pala ang babaeng to. Medyo aggressive!
“Punta muna ako ng powder room.”
Umalis siya dala yung maliit na pouch niya. Kumain na lang ako after she left. Grabe ang lakas kumain ng babaeng yun. Mamumulubi yata ako kung sa ganitong restaurant ko siya palaging dadalhin.
Naiisip ko na naman yung kanina. I could have kissed her. Bakit ba kasi ginawa ko yun. Parang na-turn off tuloy sa’kin si Charlin. Tsk. Gago ko kasi.
After almost 30 minutes, wala pa siya. Grabeng mga babae to ang OA kung makapag-retouch. Eh maganda na kaya siya. Kahit wala siyang make up gugustuhin siya ng mga lalaki, kasi natural na maganda si Charlin. Pero syempre hindi ko yun sasabihin sa kanya, sabihin pa patay na patay ako sa kanya kahit totoo naman.
Mapuntahan nga muna at baka nai-flush na ang sarili o kaya nakapasok na sa salamin.
Sumandal muna ako sa pader sa labas ng ladies room. Ang weird naman kasi kung papasok ako, baka mapagkamalan pa’kong rapist. O kaya manyak. Alam niyo naman ang mga babae, napasok lang sa girls CR, masama na agad ang balak? Tsk. Makikitid ang utak.
Nag-antay ako nang matagal pero walang Charlin na lumabas. Pinasok ko na ang loob. Wala na rin kasing tao kaya hindi na awkward kapag nakita nila ako. Kinatok ko yung mga nakasarang pinto sa loob pero walang tao. San na ba ang babaeng yun.
Lumabas na’ko ng ladies room. Para na’kong tanga dun sa kakatawag ng pangalan niya, wala namang nasagot. Tatawagan ko na lang nga.
“Wait. Where’s my fuckin’ phone? Tae kung kailan ko naman kailangan saka pa nawala. Pero sure akong dala ko naman yun. Naiwan ko yata sa car.” pabulong na sabi ko sa sarili.
Babayaran ko na sana ang bill namin para puntahan yung kotse kaya lang nung kukunin ko na yung wallet ko sa bulsa ko, wala na! Pota. Can’t this day get any better?
And of course alam niyo naman siguro kung ano’ng option na lang ang natitira para makaalis ako dito. Tsk. Ni minsan di ko pinangarap na gawin ‘to. Total eh napahiya na lang din naman ang isang Arthur Sean Guererro, lulubusin ko na. Nanghiram akong 50 pesos sa isang crew para lang may pamasahe pauwi. Mukha kasing kilala ko na ang kumuha ng mga nawawalang gamit ko.
Pagdating ko sa bahay, andun ang magaling kong fiance. Nakaupo sa couch sa living room habang hawak yung tab niya. Pero ibang tab na yata ang gamit niya, nasira talaga yata yung kanina.
“Hoy Charlin ibalik mo na ang dapat na akin.” mariing sabi ko sa kanya.
Nagtaka naman siya sa tinutukoy ko. Halos nga di na niya yata narinig sinabi ko dahil sobrang busy siya dun sa tab. At dahil medyo mainit pa ang ulo ko, ayun inagaw ko yung tab niya.
“Miguel Chen Lopez? Sino naman ang ugok na’to? Stalker ka ba niya at puro pictures niya ang tinitingnan mo?” pang-aasar ko sa kanya.
I heard her chuckle. I’m getting into her nerves. Good, because I’ll have my revenge now. I may sound pathetic and gay but believe it or not ngayon lang ako nagkaganito. Umaarteng OA sa harap ng isang babae.
“Pakialam mo ba? Pwede ba ibalik mo na sa’kin yan. Wag mong sabihing type mo rin?” sagot naman niya.
“Type? Excuse your face young Miss na fiancé ko. Wala ngang panama ‘to sa mukha ko eh. Ang pangit! Saksakan.” inaasar ko talaga siya.
“Wow. Ang kapal ha? And stop reminding me that I am your fiancé. Eto na yung phone at wallet mo. Wala akong kinuha diyan. As for the car keys, well kotse naman namin yun so no need to give it to you. Now, akin na yang tab ko.”
BINABASA MO ANG
Occupation: Fangirl
HumorMeet Charlin Hanna G. Zamora aka Chao, our ultimate super mega to the universe and back fangirl! How far can she go to chase her one great love? Or should I say obsession?