Chapter 1

9.7K 148 2
                                    

Kathryn's POV

Good morning Philippines! Good morning world!

Ganyan lang naman ako makasigaw sa umaga lalo na pag maganda ang gising ko! Paano ba naman hindi gaganda ang gising ko eh laging ang gwapong mukha agad ni djmylabs ang nakikita ko. Eh kasi naman punong-puno ng mga pictures niya etong buong kwarto ko! Hihi.

Hello my labs! with matching beautiful eyes pang bati ko sa picture frame ni Daniel Padilla na nakapatong sa side table ko.

Alam mo bang ang ganda nanaman ng gising ko dahil nasilayan ko nanaman ang iyong kagwapuhan?

Biglang pumasok sa isip ko iyong tungkol sa gaganaping concert ni Mylabs sa Araneta. Pinayagan naman ako ni mama na pumunta dun kasama si Julia at Kiray. Kaya lang, kulang pa kasi ang ipon ko para makabili ng ticket. Ayoko naman kasing humingi kay mama dahil ako naman ang may gustong manood. Kaya dapat ako ang didiskarte ng pambili ko ng ticket.

Aray! napahawak ako sa ulo ko na natamaan ng unan.

Tumingin ako sa likod para alamin ang lapastangang gumawa non! Bumungad saakin ang pagmumukha ng kuya kong halos mamatay na sa kakatawa.

Kuya Neil!!! Nakakainis ka!!! nakabusangot na sigaw ko.

Eh kasi naman bunso! Kanina ko pa kinakatok yung pinto mo! Wala ka man lang response! Kaya pumasok na ako. And there you are, day dreaming again about your Daniel Padilla. Pwe!

Che! Inggit ka lang eh. Hindi mo kasi matanggap na mas gwapo sayo yung mylabs ko!

Anong mas gwapo? Hoy! Wala nang mas g-gwapo dito sa kuya mo! nag pogi sign pa ang loko.

Wow kuya neil! Grabe! Iba na yan! hindi ko napigilan ang matawa sakanya. Eto talagang
kuya ko oh! Nuknukan ng kayabangan! Pero kahit ganto to, mahal na mahal ko to.

Tumayo ako sa kama at niyakap si kuya. Ginulo naman nya ang buhok ko at ginantihan din ang mga yakap ko. I'm so lucky to have a kuya like him. Gwapo na mabait pa! As a matter of fact.

Bunso lika na nga! Kanina pa tayo inaantay ni mama sa baba. Anong oras na oh!

Sige kuya susunod na ako. Ligpitin ko lang tong higaan ko.

My Ultimate Fangirl (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon