Hi Author, ang nag bigay buhay sa amin. Happy Birthday sayo. Mahal ka namin. Ito lang nakayanan ko na pa- birhtday sayo mahal naming Author. Kasi naman... Tsk, nevermind. By the way, kung hindi mo nagustuhan e pillitin mong magustuhan. Tsk. Ge. Happy Birthday ulit.
--
Ang pag- ibig, bigla bigla na lang dumadating. Kaya pag nandiyan na, hindi mo na mapipigilan. Tandang tanda ko pa lahat ng mga alaala.
Ako si Mela, isang simpleng babae pero rock. Hahaha. Yung hindi perfect tulad ng mga nasa wattpad. Sakto lang. Pero ang buhay ko ay napaka- boring.
Nag lalakad ako sa school noon at wala akong magawa, wala akong makadaldalan. Humiling ako na sana bigyan ng konteng adventure ang buhay ko nang biglang may isang pusa na bumangga sakin habang naglalakad ako. Diba ang hard? -______- Hinabol ko ang pusa at sa kahahabol ko ay may nabangga na naman ako.
Isang gwapong lalaki. Ito na ba ang adventure sa buhay ko? Pero parang may mali. Oo, may mali nga. Ang sama sama! Hindi man lang ako tinulungan. Pero ang hot nya talaga tsaka ang gwapo pa. Wala akong masabi. Speechless. At makalaglag panga.
Siya si Enrique. Isang napakasungit at napaka- suplado, parang may sariling mundo. Ayaw sa maingay. Samantalang ako, gusto ko ng maingay na kaibigan. Nag- transfer siya sa school namin dahil may hinahanap daw. siya. At dahil makulit ako, pinilit kong sabihin niya sa akin kung ano ang hinahanap niya. Hindi ano kundi sino pala. Girlfriend daw niya. Pinag tataka ko kung nag away sila kaya niya hinahanap. Ang labo niya kasi e. -_____-
Naging magkaibigan kami, o ako lang nag iisip noon, ako kasi ang lagi niyang kasama, pero sinusundan ko lang naman siya. Ewan ko ung bakit. Unang kita ko pa lang sa kanya, crush ko na siya. Huehue. :3 I'm so malandi na ba? Like duhh. It's called crush at first sight. Hahaha.
Dumaan ang mga araw at buwan, natuto na siyang ngumiti. Natuto na din siyang makisalamuha sa mga tao. Tapos ako, inaasar niya lang ng inaasar. Napaka- hard nya talaga. Hindi lang sa pang - aasar kundi sinasaktan niya ako phisically. Ako naman ito, hindi nag papatalo.
Simula ng dumating siya sa buhay ko, hindi na ako na boboring, hindi na ako nag lelettering ng pangalan ng mga crush kong celebrety sa likod ng notebook at libro ko. Hindi na din ako nag pupunit ng mga dahon at papel na nakalagay sa ibabaw ng bench. Hindi na din ako nag hahawak ng cellphone para tingnan kung may nag bago ba sa screen nito. At marami pang gawain na hindi dapat gawin ng mga bata. -____-
Nag papasalamat ako sa kanya. Kaya nga habang tumatagal, lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya.
Sabi ni Mommy't Daddy, pag ka- graduate ko daw, ipapadala daw ako sa France para dun mag aral ng college. Dati pangarap ko yun pero ngayon ayaw ko na. Hindi ko alam kung bakit. Hahaha. Ang gulo ko no?
Dumaan ang maraming araw, buwan, graduation na namin. Ito na ang pag kakataon. Sasabihin ko na sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Nakakatuwa no? Hahaha
Tapos na ang graduation pero hindi ko na siya naabutan. Di na siya nag paalam. Nakakainis lang. Hindi ko tuloy nasabi. <///3 Sign na ba ito? T^T
Kinabukasan, nag usap kami ng parents ko tungkol doon sa pag punta ka sa France. Pinipilit nila ako pero ayaw ko talaga, hanggang sa ako ang nasunod.
Maya maya, biglang may tumawag sa akin, si Enrique pala. Akala ko nakalimutan na niya ako e. Haha. Sinabi ko sa kanya na bakit umuwi agad siya, may sasabihin pa naman ako. Pero ang tangi niyang sagot..
"Mela, nakita ko na siya ang girlfriend ko!"
Ang saya saya niya habang sinasabi yun. Nakaramdam ako ng lungkot at hindi ko na napigilan ang pag luha ng mga mata ko.
Pumasok sa kwarto ko si Daddy at tinanong kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko na lang na pupunta na ako sa France para mag aral.
Ito na ang araw ng pag alis ko. Goodbye Philippines, Hello France ang peg ko ngayon.
Pag dating ko sa France, nag aral ako ng mabuti. Binuhos ko ang pag- aaral ko at nakatapos ako. Wala namang iba pang nangyari kundi ang kumain, matulog, gumising, mag- aral at ang ma- miss si Enrique. Masaya na siguro sila ng Girlfriend niya. Siguro ang ganda ganda niya, wala siguro akong binatbat. Hindi ko man lang siya nakita kahit sa picture.
After kong maka- graduate umuwi na ako ng Pilipinas para mag trabaho.
Lumabas ako ng bahay namin at hindi ko inaasahan kung sino ang nakita ko. Isang Enrique na puno ng lungkot, namayat siya at nag karoon ng eyebags.
"Kamusta kayo ng girl---"
Bigla niya akong niyakap. Siguro ay hindi naging maganda ang nangyari sa kanila.
"B-bakit ka umalis ng hindi nag papaalam?" Sabi niya habang umiiyak.
"S-sorry. Alam ko namang wala kang pake e. Diba ganon naman talag--- Aray! Ano bang problema mo?! Bakit mo ako binatukan?!"
"Natatandaan mo ba 'to?" May pinakita siyang isang bagay sa akin. Bagay na iniingatan ko simula pagkabata. Ang magkabiak na tsinelas ng isang batang babae at batang lalaki.
Isang lalaki na mahalaga sa akin. Siya yung nakasama ko nung naglayas ako samin. Oo. Batang bata ko pa alam ko na ang bagay na iyon.
"Bakit na sa iyo yan?! Akin na yan!"
"Wag kang garapal! Sakin to!" Sabi niya habang tinataas nya yung tsinelas
"Paano mo nakuha yan e nakatago yan! Akin na kasi, importante sakin yan."
"Akin nga to! Meron kang iyo!" H-ha? S-siya kaya yung..
"T-teka, ikaw ba yung bata?"
"Oo! Ako lang naman yung boyfriend mo na dalawang beses mong iniwan! Ang sama sama mo! Buti natitis kitang hintayin no?! Sarap mong isabit ng patiwarik sa puno!"
Napangiti ako sa nalaman ko. Ang saya saya ko. Totoo ba ito o panginip lang? Sana wag na akong magising.
"So ano na? Ganun na lang yon? Pag tatawanan mo na lang ako---"
Hinila ko na siya at hinalikan. Hehe. Sorry na, alam kong hindi PA kami pero doon din naman ang punta noon diba? Tsaka ang ingay ingay niya kaya. -____-
Simula noon, hindi na siya ang supladong si Enrique. Siya ay isang Gentleman, honest, sweet, at may sense of humor. Nalaman ko din na marunong siyang gumawa ng gawaing bahay, family centered siya at hindi gumigimik at mas gustong sa bahay lang. Napaka- swerte ko sa kanya.
"Mommy, bakit ka nakangiti?"
Ay kabayo! Grabe. Nakakagulat naman si Melo, anak namin ni Enrique
"Wala. Masaya ako kasi nandito ka. Kayo ng Daddy mo."
Tiningnan ko ang loko at may pag kindat pa, kinikilig kaya ako dito. :3
Isinara ko na ang notebook na punong puno ng alaala namin ni Enrique at nag simulang makipagkulitan sa mag- ama.
--- End