Chapter 14: Kaharian
Migrid's Pov
"Saan kaya kami pupunta?" tanong ko sa sarili ko. Wala akong ideya kung saan kami tutungo. Pero nakasuot ako ngayon nang pinag-halong black and red na dress.
Ilang sandali pa, ay may pumasok. Isang babae at sinenyasan ako na tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Huh?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at iniwan na ako doon. Ilang sandali lang ay dumating na si Haring Geronimo nang Istatum kasama ang mga gamalay niya.
"Tara na," sabi niya.
Dalawang salita lang yun pero kinabahan ako. Wala sa sarili akong sumund sa kanila nang umalis sila.
***
Julian's Pov
"Mabuti at nakatakas tayo sa mga yun," wika ko kay Queen Royal.
"Sadyang magagaling talaga ang mga Ista, kaya hindi kapani-paniwala na natalo natin sila," lintanya ng reyna.
"At mabuti na lang din ay aksidentang nagamit ni Mildred ang kapangyarihan niya," dagdag ko. Tumingin ako kay Mildred.
"Hindi ko alam kung paano nangyari yun," amaze na wika ni Mildred. Halata sa boses niya ang pagka-inosente sa mga bagay bagay.
"Masanay ka na, Buenaventura. Isa na yan sa nagpapaliwanag na mahaba-habang training ang tatahakin niyo." Iyon na ang salitang lumabas sa bibig ni Queen. Wala na ring nagtangkang magsalita sa amin habang pinagpapauloy ang paglalakbay.
***
Migrid's Pov
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Jordan. Tinitigan niya lang ako at hindi sinagot. Psh! Napaka-snobber talaga!
Palabas kami ngayon nang kaharian nang Istatum at sa hindi ko malaman, aalis kami. At hindi ko rin alam kung saan kami tutungo. Delikado pa naman ngayon.
Nakatayo lang kami sa may isang tabi at hinihintay ang pagdating ng ama ni Jordan. Nag-aayos pa yata si Haring Geronimo at parang importante ang pupuntahan namin.
"Andyan na ang hari!" sigaw nang isang lalaki. Lahat ay tumigil sa paglalakad at sa kung ano mang ginagawa nila at lumuhod bilang pag-puri. Tumingin ako sa paligid ko at napagtanto ko na ako na lang pala ang nakatayo. Kaya walang pagaalinlangan akong lumuhod din.
"Tumayo na kayo," aniya. Sumunod naman kami at tumayo na. Walang nagtangkang magsalita at lahat ng atensyon ay na kay Haring Geronimo.
"Ngayon, maglalakbay ang hukbo ng Istatum. Sasama ako pati na rin ang ating panauhin, Binibining Migrid Aguas," lintanya ni Haring Geronimo.
Lahat ay bumaling sa akin. Nakatingin sila sa akin na parang ewan. Tapos bigla silant nagpalakpakan.
"Masanay ka na, Aguas. Dahil simula ngayon ay kasapi ka na namin," anunsyo ni Haring Geronimo.
May isa namang sumigaw. "Mabuhay si Binibining Aguas!" pagpupuri nila.
Hindi ito pwede! Hindi pwedeng maging kasapi ako nito! Nasaan na ba kasi sila Julian?! Bakit ba hindi nila ako iligtas dito?!
Ayokong maging kasapi ang mga nilalang na maiitim ang budhi. Masyadong sila masama, at hindi ko dapat tularan iyon. Sakim sila sa atesnyon, gutom sa kapangyarihan.
Bumakas sa mukha ko ang nag-aalalang ekspresyon. Bakit ko ba nararamdaman to? Bakit ako ang lang ang pakay nila?!
"Ayos ka lang ba, Migrid? Parang naga-alala ka?" tanong nang hari sa akin.
YOU ARE READING
Royal Academy: Earth VS. Fire (On Going)
FantasyAre you finding a magical academy whose queen and king ruled by it? An academy which is not as ordinary as any other school? Well. You find the right place to study on. Welcome to ROYAL ACADEMY.